Republika ng Tsina (1912–1949)
Republika ng Tsina 中華民國 Chunghwa Minkuo | |||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
1912–1949 | |||||||||||||||||
Awiting Pambansa:
| |||||||||||||||||
Kabisera | |||||||||||||||||
Pamahalaan | Unitary semi-presidential republic | ||||||||||||||||
Pangulo | |||||||||||||||||
• 1912 | Sun Yat-sen (una) | ||||||||||||||||
• 1949 | Li Tsung-jen (hulí) | ||||||||||||||||
Premier | |||||||||||||||||
• 1912 | Tang Shaoyi (first) | ||||||||||||||||
• 1949 | He Yingqin (last) | ||||||||||||||||
Lehislatura | |||||||||||||||||
• Mataas na Kapulungan | National Assembly | ||||||||||||||||
• Mababang Kapulungan | Legislative Yuan | ||||||||||||||||
Panahon | 20th century | ||||||||||||||||
10 October 1911 | |||||||||||||||||
• Republic established | 1 January 1912 | ||||||||||||||||
• Nationalist rule from Nanking | 18 April 1927 | ||||||||||||||||
• Start of Second Sino-Japanese War | 7 July 1937 | ||||||||||||||||
• Constitution adopted | 25 December 1947 | ||||||||||||||||
December 1948 | |||||||||||||||||
21 April 1949 | |||||||||||||||||
• People's Republic of China proclaimed | 1 October 1949 | ||||||||||||||||
• Seat of government moved to Taipei | 7 December 1949 | ||||||||||||||||
Lawak | |||||||||||||||||
1912 | 11,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw) | ||||||||||||||||
1920 | 11,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw) | ||||||||||||||||
1930 | 11,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw) | ||||||||||||||||
1948 | 11,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw) | ||||||||||||||||
1949 | 11,077,380 km2 (4,277,000 mi kuw) | ||||||||||||||||
Populasyon | |||||||||||||||||
• 1912 | 432375000 | ||||||||||||||||
• 1920 | 472000000 | ||||||||||||||||
• 1930 | 489000000 | ||||||||||||||||
• 1948 | 489000000 | ||||||||||||||||
• 1949 | 541670000 | ||||||||||||||||
Salapi | |||||||||||||||||
| |||||||||||||||||
Bahagi ngayon ng | |||||||||||||||||
| |||||||||||||||||
Populations from http://www.populstat.info/Asia/chinac.htm Naka-arkibo 2009-12-15 sa Wayback Machine. |
Republika ng Tsina | |||||||||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Tradisyunal na Tsino | 中華民國 | ||||||||||||||||||||
Pinapayak na Tsino | 中华民国 | ||||||||||||||||||||
|
Ang Republika ng Tsina ng 1912 hanggang 1949, ay isang nakapangyayaring estado sa Silangang Asya. Sakop nito ang mga kasalukuyang teritoryo ng Tsina, Taiwan at Mongolia. Bilang isang yugto ng kasaysayan ng Tsina, ang Republika ng Tsina ang pumalit sa Dinastiyang Qing na siyang huling dinastiya ng Imperyong Tsino. Ang pagbagsak naman ng Republika ng Tsina ang nagtapós sa Tsinong Digmaang Sibil, kung saan ang mga natálong Kuomintang ay lumikas patungong pulo ng Taiwan, habang ipinroklama ang Republikang Bayan ng Tsina sa Mainland ng Tsina.
Sandaling nanungkulan si Sun Yat-sen bilang unang pangulo ng Republika. Ang kaniyang partido, na noo'y pinangunahan ni Song Jiaoren ay nanalo sa halalang parlamentaryo noong Disyembre 1912. Subalit, ang pambansang pamahalaan sa Beijing ay nanatili sa kamay ng hukbo na nasa pamumuno ni Pangulong Yuan Shikai. Nang mamatay ni Yuan noong 1916, pinaggiitan ng mga lokal na pinunong militar, o mga warlord ang kanilang awtonomiya.
Noong 1925, nagsimulang magtatag ng isang katunggaling pamahalaan ang Kuomintang sa Guangzhou sa timog ng bansa. Bumagsak naman noong 1927–28 ang ekonomiya ng hilaga, na labis na binuwisan upang itaguyod ang adbenturismo ng mga warlord. Sinimulan naman ni Heneral Chiang Kai-shek—na humaliling pinuno ng KMT nang yumao si Sun—ang kaniyang Northern Expedition, isang kampanyang militar upang mapataob ang pamahalaang sentral sa Beijing. Napataob ang pamahalaan ito noong 1928 at nagtatag si Chiang ng isang bagong pamahalaang Nationalist sa Nanjing. Di-naglaon pinutol niya ang kaugnayan sa mga komunista at pinatalsik ang mga ito sila sa KMT.
Nagkaroon ng industriyalisasyon at modernisasyon, ngunit kasabay nito namuo rin ang tensiyon sa pagitan ng pamahalaan ng mga Nationalist sa Nanjing at Partido Komunista ng Tsina, mga nalalabíng warlord, at ng Imperyo ng Japan. Naisantabi ang pagtatatag ng bansa nang sumiklab na digmaan sa pagitan nito at ng Imperyo ng Japan nang salakayin ng Japan ang Tsina noong 1937. Noong Mayo–Hunyo 1944 matagumpay ang naging opensiba ng Nationalist Y Force laban sa mga Hapones sa Yunnan, ngunit sa pangkalahatan bigo ang mga iba pa nitong kampanya laban sa mga Hapones. Nang tuluyang sumuko ang mga Haponese noong 1945, nakamit ng mga Allies ang lubos na pagkapanalo sa digmaan, ngunit dahil sa Cold War sa pagitan ng Estados Unidos at Unyong Sobyet sumiklab muli ang sagupaan sa pagitan ng KMT at mga komunista. Noong 1947, pinalitan ang Organikong Batas ng 1928 ng Konstitusyon ng Republika ng Tsina bilang saligang-batas ng bansa. Noong 1949, itinatag ng mga Komunista ang Republikang Bayan ng Tsina, matapos mapatalsik sa mainland ng mga Nationalist, na ang karamihan ay nagsilikas patungong Taiwan.