SHINee
Ang artikulong ito ay maaaring nakasulat mula sa isang pagtingin ng isang tagahanga, na dapat sa patas na pagtingin. (Abril 2012) |
Shinee 샤이니 | |
---|---|
Kabatiran | |
Pinagmulan | Seoul, South Korea |
Genre | contemporary R&B, dance-pop, electropop, K-pop |
Taong aktibo | 2008–present |
Label | SM Entertainment EMI Music Japan Avex Taiwan |
Miyembro | Onew Jonghyun Key Minho Taemin |
Website | Korean Japanese |
Korean name | |
Hangul | 샤이니 |
---|---|
Binagong Romanisasyon | Syaini |
McCune–Reischauer | Syaini |
Ang SHINee ( /ˈʃaɪniː/ shy-nee ; 샤이니 ; Thai: ชาย นี่; Japanese:シャイニー; karaniwang isinusulat bilang SHINee) ay isang sikat na R&B boy group [1] na nagmula sa South Korea. Ang grupong ito ay binuo ng SM Entertainment noong 2008 at kinabibilangan nina Onew (pinuno), Jonghyun, Key, Minho at Taemin. Una silang nag-public debut noong 25 Mayo 2008 sa programang Inkigayo ng SBS, sa pamamagitan ng kanilang kantang "Replay" ( Koreano: 누난 너무 예뻐 (Replay) ).
Simula noong kanilang debut, mayroon nang tatlong full-length album, apat na mini-album, isang live album at iba't ibang mga single ang SHINee. Nanalo na rin sila ng maraming mga award, nagkaroon ng isang concert tour at lumabas sa kanilang sariling mga reality show. Itinuturing na fashion icon ang SHINee, bilang sila ang nagsimula "SHINee trend".[2] Noong 22 Hunyo 2011 ay isinagawa ang kanilang Japan ese debut sa pamamagitan ng paglabas ng Japanese na bersyon ng kanilang kantang Replay. [3] Sinundan ito ng kanilang unang Japanese na studio album na pinamagatang The First , noong 7 Disyembre 2011.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]2008: Debut at The SHINee World
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilabas noong 25 Mayo 2008 ang unang mini-album na Replay ng grupo, mula sa label company na SM Entertainment.[2] Una itong napabilang sa mga Korean music chart sa #10 at tumaas hanggang sa #8, at 17,957 kopya ang naibenta sa unang anim na buwan ng 2008.[4]
Noong 7 Hunyo 2008, lumahok ang SHINee sa Dream Concert sa Seoul Olympic Stadium kasama ang iba pang mang-aawit at mga grupo ng South Korea.[5][6] Napanalunan ng SHINee ang kanilang unang award na "Rookie of the Month", sa Cyworld Digital Music Awards noong 22 Hunyo 2008.[7] Nakibahagi rin sila sa SMTown Live '08 na ginanap noong 18 Agosto 2008 sa Seoul Olympic Stadium.[8] Noong 23 Agosto 2008 ay dumalo sila sa MNet 20 Choice Awards 2008, kung saan napanalunan nila ang "Hot New Star" award.[9]
Inilabas ng SHINee ang kanilang unang full-length album na The SHINee World, noong 28 Agosto 2008.[10] Ang album ay agad na nag-debut sa #3 ng mga music chart, at 30,000 kopya ang naibenta.[11] Ang unang single na inilabas mula sa album ay ang "Sanso Gateun Neo (Love Like Oxygen)", isang cover ng "Show the World" ni Martin Hoberg Hedegaard,[12] orihinal na isinulat ng Danish songwriting at production team ng Thomas Troelsen, Remee at ang Lucas Secon.[13] Noong 18 Setyembre 2008, ang "Sanso Gateun Neo (Love Like Oxygen)" ay naging numero unong kanta sa M! Countdown. [14] Pagdaan ng ilang araw ay natanggap ng SHINee ang "Mutizen" award para sa nabanggit na single sa Popular Songs ng SBS.
Sumali ang SHINee sa ika-5 Asia Song Festival, kung saan sila ay nakatanggap ng "Best New Artist" award kasama ang Japanese girl group na Berryz Kobo.[15] Dumalo rin ang grupo sa 2008 Style Icon Awards noong 30 Oktubre 2008, kung saan nanalo sila ng "Best Style Icon Award".[16] Inilabas ang repackage album ng The SHINee World na pinamagatang Amigo sa pareho ring araw. Naglalaman ng tatlong bagong kanta ang nabanggit na repackage album. Ang mga awit na ito ay: "Forever or Never", remix ng "Sa. Gye. Han (Love Should Go On) "( 사.계.한 ) at ang promotional single na "Amigo" ( 아.미.고 ).[17] Ang "Amigo" ay isang pinaikling bersyon ng Korean parirala na "Areumdaun Minyeorueljoahamyeon Gosaenghanda" (아름다운 미녀를 좋아하면 고생한다 Heart Aches When You Fall In Love With A Beauty).[13]
Noong 15 Nobyembre 2008, napanalunan ng SHINee ang "Best New Male Group" award sa 10th Annual Mnet Asian Music Awards, matapos nilang talunin ang kapwa mga baguhang grupo na U-KISS, 2PM, 2AM at Mighty Mouth.[18] Sa 23rd Annual Golden Disk Awards, nagtanghal sila ng isang medley ng kanilang mga kanta at nanalo sila ng award na "Album YEPP Newcomer Album".[19]
2009: Romeo at 2009, Year of Us
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa unang bahagi ng Pebrero 2009, nakamit ng SHINee ang award na "Best Newcomer" kasama ang Davichi at Mighty Mouth sa 18th Seoul Music Awards.[20] Pagkaraan ay inihayag ng SM Entertainment na magkakaroon ng pagbabalik ang SHINee sa pamamagitan ng kanilang pangalawang mini-album na Romeo sa 21 Mayo 2009.[21] Ang unang single na "Juliette" ay inilabas noong Mayo 18. Isa itong instrumental remake ng '"Deal with It" ni Corbin Bleu.[22] Matapos nito ay inihayag na ang kanilang pagbabalik ay maaantala dahil nasira ni Onew ang kanyang ngipin at ang release ng mini-album ay ipinagpaliban sa 25 Mayo 2009.[23][24] Ang SHINee ay nagkaroon ng return performace noong 5 Hunyo 2009, sa programang Music Bank ng KBS, kung saan nila natanggap ang award para sa unang gantimpala.[25]
Inilabas ng grupo ang kanilang ikatlong mini-album na 2009, Year Of Us, noong 19 Oktubre 2009, limang buwan matapos ang release ng Romeo. Nagsaad ang SM Entertainment na ipapakita ng EP na ito ang talento ng grupo sa pagkanta at itatanghal ang kanilang mga katangiang walang katulad.[26][27] Ang lead single na "Ring Ding Dong", ay nagkaroon ng digital release noong Oktubre 14. Ang comeback stage naman ng grupo ay idinaos noong Oktubre 16 sa programang Music Bank ng KBS. Sa unang bahagi ng Disyembre 2009, napanalunan ng SHINee ang "Popularity" award, kasama ang grupo at kapwa labelmate na Super Junior, sa 24th Golden Disk Awards.[28] Noong Pebrero 2010, nanalo ang grupo won ng pangunahing "BonSang" award sa 19th Seoul Music Awards.[29] Noong Disyembre, sinimulan na ring ipalaganap ng SHINee ang kanilang kantang "Jo Jo" gamit ang mga live performances sa mga lokal na programang pang-musika.
2010: Lucifer at ang konsiyertong SHINee World
[baguhin | baguhin ang wikitext]Inilahad ng SM Entertainment ang mga indibidwal na litratong teasers ng bawat miyembro para sa bagong album na nagsimula kay Minho noong 8 Hulyo 2010 at nagtapos kay Key sa 12 Hulyo 2010. Inilabas ang isang teaser para sa music video lead single noong 14 Hulyo 2010 sa opisyal na channel ng SM Entertainment sa YouTube. [30] Orihinal na itinakda ang comeback stage ng grupo sa KBS Music Bank noong Hulyo 16 upang simulan ang kanilang mga promotions para sa bagong album. Gayunpaman,[31] nagkaroon ng ankle injury si Minho sa filming ng Dream Team Season 2 noong Hulyo 8, kaya naipagpaliban ang pagbalik nila sa 23 Hulyo 2010.[32]
Ang ikalawang full-length studio album, pinamagatang Lucifer, ay inilabas noong 19 Hulyo 2010 sa South Korea. Ang music video, na nagsilbing promotional video ng lead single (na pinangalanan ring Lucifer ) ay ipinilabas rin sa parehong araw.[33] Sa loob ng ilang oras matapos ang release, nanguna ang album sa iba't ibang physical at digital sales chart sa South Korea.[34] Ang mga kanta sa album ay "were more carefully selected than ever", at ang album ay sinasabing "[give] listeners a great chance to experience the diverse musical characters and more mature vocal skills of the members." [35] Isinagawa ng grupo ang kanilang pagbabalik noong 23 Hulyo 2010 sa KBS Music Bank.[32] Inilabas sa parehong YouTube channel noong 3 Agosto 2010 ang choreography ng "Lucifer".[36] Noong 1 Oktubre 2010, ang nasabing studio album ay muling inilabas bilang isang repackaged version at pinangalanang Hello . Ang music video ng promotional single na pinangalanan ring "Hello", ay inilabas noong 4 Oktubre 2010. Ang muling inilabas na bersyon ay naglalaman ng tatlong bagong mga tracks.
Sa gitna ng kanilang mga promotional activities para sa ikalawang studio album, sumali rin ang grupo sa SMTown Live '10 World Tour kasama ang kanilang label-mates. Noong 21 Agosto 2010, nagtanghal sila sa isang konsiyerto sa Seoul Olympic Stadium sa Seoul. [37] Noong 4 Setyembre 2010 ay muli silang nagtanghal sa isang konsiyerto sa Staples Center sa Los Angeles. [38] Lumahok rin ang SHINee sa isa pang konsiyerto sa Hongkou Stadium noong 11 Setyembre 2010 sa Shanghai. [39]
Noong 26 Disyembre 2010, sinumulan ng SHINee ang kanilang SHINee The 1st "SHINee World" cocnert tour, sa pamamagitan ng pagdaos ng kanilang unang konsiyerto sa Yoyogi Mamaya, sa 11 Setyembre 2010, National Gymnasium sa Tokyo. Humigit-kumulang 24,000 ang dumalo sa nasabing pangyayari. Inihayag rin ng grupo na sila ay maglalabas ng kanilang unang studio release sa wikang Japanese sa 2011 sa ilalim ng EMI Music Japan, isang record label na kilala dahil sa tagumpay ng kanilang tanyag na Japanese-American singer-songwriter na si Hikaru Utada. [3]
2011: Japanese debut at The First
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1 Enero 2011, nagkaroon ang SHINee ng isang konsiyerto sa Olympic Gymnastics Arena sa Seoul bilang bahagi ng kanilang tour na SHINee World. Nooong 2 Enero 2011, bago ang repeat performance ng kanilang konsiyerto sa Seoul ay nagkaroon ng isang press conference ang SHINee. Sumagot ang grupo ng maraming katanungan na may kaugnayan sa kanilang mga plano; nagpahayag sila na sa Marso 2011 ay magkakaroon sila ng debut sa bansang Japanese. Ang mga miyembro ay nag-isp-isip rin tungkol sa kanilang tagumpay sa taong 2010. Nagpatuloy ang konsiyerto sa Taiwan, Tsina, Singapore, at Japan sa buong 2011. Noong Enero 25 at 26, 2011, ang grupo ay sumali sa Japan leg ng SMTown Live '10 World Tour kasama ang kapwa labelmates sa Yoyogi National Gymnasium sa Tokyo kung saan nagpatuloy din ito sa dalawa pang konsiyerto sa Paris sa Zenith de Paris, tatlong concert sa Tokyo sa Tokyo Dome at sa Madison Square Garden sa New York City. [40][41]
Noong 16 Mayo 2011, ipinakita ng EMI Music Japan ang isang teaser para sa Japanese na bersyon ng "Replay" sa pamamagitan ng kanilang opisyal na YouTube channel. Ang music video ay inilabas gamit ang parehong channel noong 27 Mayo 2011.[42] Ang single ay inilabas sa Japan noong 22 Hunyo 2011 at nakabenta nang higit sa 91,000 kopya sa unang linggo. Ito ay sertipikadong 'Gold' ng RIAJ para sa pagbenta nang higit sa 100,000 kopya sa Hunyo 2011.[43]
Noong 19 Hunyo 2011, ang SHINee ay nagkaroon ng Japan Debut Premium Reception sa Abbey Road Studios, London. Ang nasabing pangyayari ay eksklusibo lamang sa 130 piling tao, karamihan ay nabibilang sa press.Noong 22 Hulyo 2011, siimulan ng SHINee ang kanilang Japan Debut Premium Reception Tour. Nag-perform sila sa ilang mga konsiyerto habang isinasagawa ang tour sa iba't ibang lungsod sa buong bansang Japanese kabilang ang Fukuoka noong Hulyo 22, Kobe noong Hulyo 23, Tokyo noong Hulyo 27 at 28, Sapporo noong Agosto 8 at Nagoya noong 11 Agosto 2011.
Noong 8 Agosto 2011, ipinakita ng EMI Music Japan ang music video para sa Japanese version ng "Juliette" sa pamamagitan ng kanilang opisyal na YouTube channel.[44] Ang single na ito ay inilabas sa Japan noong 28 Agosto 2011. Noong 12 Oktubre 2011, ang grupo ay muling naglabas ng kanilang ikatlong Japanese single na "Lucifer" matapos ang opisyal na music video para sa single ay inilabas sa EMI Music Japan sa knailang opisyal na YouTube channel noong 15 Setyembre 2011.[45] Ipinahayag sa website ng Oricon na ang SHINee ang unang dayuhan na artist, sa 44 taong kasaysayan ng Oricon, na nagkaroon ng tatlong iba't ibang singles na inilabas sa Japan at ang lahat ng tatlong iyon ay napabilang sa unang tatlong pwesto sa kanilang lingguhang singles sales chart. Ang mga singles na ito ay ang kanilang unang tatlong Japanese singles: "Replay", "Juliette" at "Lucifer" [46]
Noong 17 Oktubre 2011, inihayag ng EMI Music Japan na ang SHINee ay maglalabas ng kanilang unang Japanese studio album, The First sa 23 Nobyembre 2011.[47] Gayunpaman, ang Japanese release date ay naantala sa 7 Disyembre 2011. Ang album ay magtatampok ng limang bagong kantang karagdagan pa sa mga Japanese remakes ng pitong naunang inilabas na mga Korean songs. Ang regular version ng album ay itinatampok din ang theme song ng dramang Stranger 6, isang track na tinawag na "Stranger" bilang bonus.[48]
Inimbitahan ang grupo bilang opening act ng 6th London Korean Film Festival na ginanap sa Odeon West End Theater noong 3 Nobyembre 2011.[49] Gumanap din sila sa kanilang gala concert na umabot ng isang oras, ang SHINee in London. Nagkaubusan ng mga tiket sa loob ng isang minuto matapos magsimulang magbenta noong 1:00 pm noong 27 Oktubre 2011.[50] Ito rin ay tanda ng unang pagkakataon na maykaroong Korean artist(s) ay nakapagdaos ng isang independent concert sa London.
Noong 18 Nobyembre 2011, nagkaroon ng pahayag na sina Onew, Key, at Taemin ay gagawa ng libro tungkol sa kanilang mga paglalakbay sa Barcelona, Spain, at sila ang naging unang Korean idols na nakapag-akda ng isang "vacation guide". Gumawa sila ng koleksiyon ng kanilang mga paglalakbay at pinamagatan itong Son of the Sun. Ang libro ay inilabas noong 8 Disyembre 2011.[51] Ang SHINee ay lumahok sa 2011 Winter SMTown - The Warmest Gift album na may kantang "Last Christmas". Ang compilation album ng mga SM artists ay inilabas noong 13 Disyembre 2011.[52]
Noong 24 Disyembre 2011, ibinalita ng EMI Music Japan na simula Abril 2012, ang SHINee ay magsasagawa ng kanilang unang Japan nationwide concert tour na pinamagatang "SHINee World 2012" , na magsisimula sa Fukuoka sa 25 Abril 2012. Ang tour na ito ay tatagal ng kabuuan sa 20 concert sa 7 lungsod at gaganapin sa loob ng dalawang buwan. Sa parehong araw ay idinaos ng SHINee ang isang commemorative live concert sa karangalan ng matagumpay na release ng kanilang unang Japanese album, The First, sa Tokyo International Forum Hall A Ang knosiyertong ito ay naganap nang tatlong beses upang mapaunlakan ang 15,000 tagahanga na nanalo ng isang lottery upang makadalo. Sila ay nagtanghal ng anim na kanta, kasama na ang kanilang Japanese debut single, Replay (Kimi wa Boku no Everything) at Lucifer, pati na rin ang isang bagong kanta sa kanilang album na pinamagatang To Your Heart. [53] Noong 28 Disyembre 2011, inanunsiyo ng Tower Records Japan na ang SHINee ay nanalo ng parangal na 'Artist of the Year' sa K-Pop Lovers! Awards 2011, , matapos nilang talunin ang iba pang mga prestihiyosong K-Pop groups tulad ng Kara at Super Junior para sa nasabing award.[54]
2013-kasalukuyan: Dream Girl
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1 Enero 2012 ay inihayag ni Propesor Kim Nando sa kanyang Twitter na "I’m currently ripping my hair out over writing the lyrics for SHINee’s new song." [55]
Ang cosmetic brand na Etude House ay naglabas ng isang video clip na itinatatampok ang SHINee bilang mga endorsement models noong 17 Enero 2012. Sa video ay kinanta ng SHINee ang isang awit na nag-eendorse ng bagong skin care line ng Etude House, ang Skin Malgami.
Isinagawa ng SHINee ang kanilang Korean comeback isang taon at anim na buwan matapos ang release ng Hello, kasama ang pag-anunsiyo ng kanilang ika-apat na mini-album, pinamagatang Sherlock. Ang digital na bersyon ng album ay inilabas online sa pamamagitan ng iba't ibang mga online music source, tulad ng mga Korean music portals at iTunes noong 19 Marso 2012.[56] Matapos nito, ang kanilang title song na "Sherlock" ay umabot sa # 1 ng iba't ibang mga music charts.
Ang mga physical copies ng Sherlock album ay inilabas noong 21 Marso 2012 sa South Korea. Kinabukasan (Marso 22) ay ipinalabas naman sa YouTube channel ng SM Entertainment ang music video ng SHINee para sa kanilang title song na "Sherlock".[57] Ang kantang ito ay # 1 noong 27 Marso 2012 sa Music Champion. [58] Makaraan ang ilang araw, natanggap ng SHINee ang # 1 award para sa parehong single sa M! Countdown at Inkigayo. [59]
Ipinahayag ng EMI Music Japan noong 2 Abril 2012 na maglalabas ang SHINee ng Hapong bersyon ng Sherlock bilang kanilang pang-apat na single isinalin sa Japanese sa 16 Mayo 2012.[60]
Imahe at kasiningan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kilala ang SHINee sa kanilang estilo ng pananamit, na nilikha ng designer na si Ha Sang Baek ( 하상백 ). Ito ay makikilala sa pagsuot ng high-top sneakers, skinny jeans at makulay na mga sweater.[31] Ang kanilang estilo ay nakalikha ng isang fashion trend sa mga mag-aaral na binansagang "SHINee trend" ng media.[2]
Mga miyembro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Onew - lider, Lead Vocalist
- Jonghyun - Main Vocalist
- Key-Vocalist, Lead Dancer, Lead Rapper
- Choi Minho - Main Rapper, Sub-vocalist
- Lee Taemin - Main Dancer, Vocalist
Discography
[baguhin | baguhin ang wikitext]Filmography
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pelikula
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Mga Tala |
---|---|---|
2012 | I AM | SM Town |
Television Drama
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Papel | TV Network |
---|---|---|---|
2008 | My Precious Child | Cameo (Ep. 9 at 10) | KBS2 |
Katotohanan nagpapakita
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pamagat | Papel | TV Network |
---|---|---|---|
2008 | SHINee's Yunhanam | Kanilang mga sarili | Mnet |
2010 | SHINee's Hello Baby | Kanilang mga sarili | KBS Joy |
Mga Tour
[baguhin | baguhin ang wikitext]- The 1st Concert "SHINee World" (2010-2011)
- Japan Debut Premium Reception Tour (2011)
- The 1st Arena Japan Tour "SHINee World 2012" (2012)
Pakikilahok sa mga concert
[baguhin | baguhin ang wikitext]- SMTown Live '08 (2008-2009)
- SMTown Live '10 World Tour (2010-2011)
- SMTown Live '12 World Tour (2012-2013)
Suppporting act
[baguhin | baguhin ang wikitext]- TVXQ The 3rd Asia Tour "Mirotic" (2009)
- Girls' Generation The 1st Asia Tour "Into the New World" (2009-2010)
Mga Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- K-Pop Lovers
! Awards 2011: Artist of the Year
- MBC ng Gayo Daejun 2011: Most Anticipated Group for 2012
Music Show awards
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ay koleksiyon ng mga mga napanalunan ng SHINee sa mga music show na ipinalabas sa telebisyon ng Korea. Ang Inkigayo ay ipinapalabas sa SBS, ang M! Countdown ay sa Korean cable channel na Mnet, Music Bank ay sa KBS at ang Music Show Champion ay sa MBC.
M! Countdown
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Petsa | Kanta | |||
---|---|---|---|---|---|
2008 | Setyembre 18 | "Love Like Oxygen" | |||
2009 | Nobyembre 5 | "Ring Ding Dong" | |||
2012 | Marso 29 | "Sherlock (Clue + Note)" |
Tandaan: Ang isang artista ay maaari lamang manalo nang tatlong beses para sa isang kanta sa M! Countdown bago sila ay alisin listahan ng mga nominado.
Music Bank
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Petsa | Kanta | |
---|---|---|---|
2009 | Hunyo 5 | "Juliette" | |
Hunyo 19 | |||
Oktubre 30 | "Ring Ding Dong" | ||
Nobyembre 6 | |||
2010 | Hulyo 30 | "Lucifer" | |
Agosto 6 | |||
Oktubre 15 | "Hello" | ||
2012 | Abril 6 | "Sherlock (Clue + Note)" | |
Abril 13 |
Inkigayo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Petsa | Kanta | |||
---|---|---|---|---|---|
2008 | Setyembre 21 | "Love Like Oxygen" | |||
2009 | Hunyo 28 | "Juliette" | |||
Hulyo 5 | |||||
Nobyembre 1 | "Ring Ding Dong" | ||||
Nobyembre 8 | |||||
Nobyembre 15 | |||||
2010 | Agosto 8 | "Lucifer" | |||
Agosto 15 | |||||
Oktubre 17 | "Hello" | ||||
2012 | Abril 1 | "Sherlock (Clue + Tandaan)" | |||
Abril 8 | |||||
Abril 15 |
Tandaan: Ang isang artista ay maaari lamang manalo nang tatlong beses para sa isang kanta sa Inkigayo bago sila ay alisin sa "Take 7" na listahan ng mga nominado.
Kampeon ng Music Show
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Petsa | Kanta | |
---|---|---|---|
2012 | Marso 27 | "Sherlock (Clue + Note)" | |
Abril 3 |
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ (sa Koreano) "SM's new 5-member group - SHINee". Newsen. Kim Hyeong Woo. 19 Mayo 2008. Nakuha noong 21 Mayo 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 2.2 "SHINee Open to New Opportunities". The Korea Times. Han, Sang-hee. 10 Nobyembre 2008. Nakuha noong 25 Nobyembre 2008.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 (sa Hapones) "SHINee". SM Entertainment Japan and EMI Music Japan. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Abril 2016. Nakuha noong 26 Disyembre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano)"2008 First Half-year Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-22. Nakuha noong 18 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "Jewelry, ET Unique Martial Arts, Dance, Dance In Public". Star News. 7 Hunyo 2008. Nakuha noong 9 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "Photo-Shinee "Poses a Different"". Star News. 7 Hunyo 2008. Nakuha noong 9 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "[Video] Alex's' fern ', Source Cyworld Month award!". Afpbb. 23 Hunyo 2008. Nakuha noong 2009-02-04.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ "Concerts to Rock Independence Day". The Korea Times. Han, Sang-hee. 10 Agosto 2008. Nakuha noong 18 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "Lee Hyori- 2 Gold The Harmony". Star News. 23 Agosto 2008. Nakuha noong 9 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "SHINee "Newcomer Goals, Still Stands Out!" (Interview)". Star News. 28 Agosto 2008. Nakuha noong 9 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "August Album Sales". Music Industry Association of Korea. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2008-12-11. Nakuha noong 18 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "SHINee Sanso Gateun Neo (Love Like Oxygen)". Star News. 20 Agosto 2008. Nakuha noong 19 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 13.0 13.1 "SHINee iple Album Review Page, In English". S.M. Entertainment. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-01-23. Nakuha noong 18 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "SHINee, No. 1 Debut, The First Four Months Tears". Joins. 26 Oktubre 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-27. Nakuha noong 19 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "5th Asia Song Festival Bigger Than Ever". The Korea Times. Cathy Rose A. Garcia. 19 Setyembre 2008. Nakuha noong 18 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "SHINee - Michael Jackson Surprise Transformation". Joins. 30 Oktubre 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-27. Nakuha noong 19 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "SHINee New Song, Amigo". Yahoo Korea. 26 Oktubre 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-02-18. Nakuha noong 19 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "SHINee and Davichi Win At MKMF". Newsen. 15 Nobyembre 2008. Nakuha noong 19 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) "Golden Disk SHINee Newcomer". Joins. 10 Disyembre 2008. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-03-27. Nakuha noong 19 Enero 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang18sma
); $2 - ↑ (sa Koreano) "샤이니, 로미오로 누나들 마음 '설레게 한다'". IB Times. 12 Mayo 2009. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-04-19. Nakuha noong 12 Mayo 2009.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) Park, Se-yeon. '로미오' 변신 샤이니 '줄리엣' 노래하다 .. 21 일 2nd 미니 앨범 공개 (ang SHINee Pagbabago sa "Romeos" at kantahin ang "Juliette" ... 2nd Mini-Album Inilabas sa 21) . Newsen. 18 Mayo 2009. Ikinuha 12 Nobyembre 2009.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangonewteeth
); $2 - ↑ (sa Koreano) Kang, Seung-hoon (21 Mayo 2009). "SHINee Releases Second Mini Album on 1-Year Anniversary". Asia Economy. Nakuha noong 22 Mayo 2009.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ (sa Koreano) Kim, Hyeong-Wu. 샤이니 컴백 첫 무대 에 눈물 흘린 사연 은? 신곡 '줄리엣' 뮤직 뱅크 1 위 대박 (SHINee ng Dahilan para sa pag-iyak sa Unang pagbalik Pagganap? New Song "Juliette" Music Bank # 1) . Joins.com / Newsen. 5 Hunyo 2009. Ikinuha 5 Hunyo 2009.
- ↑ (sa Koreano) 샤이니, 19 일 세번째 앨범 발표 (SHINee, Third Mini-album Inilabas sa 19) . Yonhap News. 8 Oktubre 2009. Ikinuha 7 Oktubre 2009.
- ↑ (sa Koreano) 샤이니 19 일 깜짝 컴백 '파격 변신 선언 기대 증폭' (SHINee Nagbabalik nakakagulat na sa 19, natatanging mga katangian sa Showcased) . Joins.com / Newsen. 31 Oktubre 2009. Ikinuha 7 Oktubre 2009.
- ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalangpopular
); $2 - ↑ Maling banggit (Hindi tamang
<ref>
tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang19SEOULMUSIC
); $2 - ↑ "SHINee(샤이니)_LUCIFER_티져무비(TEASER MOVIE)". SM Entertainment. YouTube. 14 Hulyo 2010. Nakuha noong 7 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 31.0 31.1 (sa Koreano) "Countdown to SHINee's Comeback + flame's Revealed Concept Teaser Photo". Newsen. 8 Hulyo 2010. Nakuha noong 13 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 32.0 32.1 (sa Koreano) "샤이니, 민호 부상 딛고 23일 '뮤직뱅크' 컴백". Newsen. 17 Hulyo 2010. Nakuha noong 15 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee(샤이니)_LUCIFER_뮤직비디오(MusicVideo) HD". SM Entertainment. YouTube. 19 Hulyo 2010. Nakuha noong 7 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "샤이니, '루시퍼' 음반·음원차트 1위 '올킬'" (sa wikang Koreano). Baek, Sol-mi. 20 Hulyo 2010. Nakuha noong 20 Hulyo 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "The Second Album: Lucifer - Introduce". smtown.com. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-07-16. Nakuha noong 2010-07-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee(샤이니) - LUCIFER_Dance ver". SM Entertainment. YouTube. 3 Agosto 2010. Nakuha noong 7 Oktubre 2010.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ SM Entertainment upang ilunsad ang mundo sa paglilibot Ang mga Times Korea. 2 Hulyo 2010. Ikinuha 5 Hulyo 2010.
- ↑ (sa Koreano) "SM 타운 LA 공연, 美 빌보드 선정 세계 공연 흥행 10위 기염". My Daily. 15 Oktubre 2010. Nakuha noong 3 Agosto 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Jonathan Hicap: SM Entertainment artist na kasama ang Super Junior sa hawakan ang paglilibot ng mundo . Manila Bulletin. 3 Hulyo 2010. Ikinuha 4 Hulyo 2010
- ↑ "SM Town Live in Tokyo rescheduled for September". 27 Abril 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2011-08-17. Nakuha noong 9 Mayo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SM Town wraps up world tour at N.Y." koreaherald.com. The Korea Herald. 24 Oktubre 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 24 Oktubre 2011. Nakuha noong 9 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee - JAPAN DEBUT SINGLE 「Replay -君は僕のeverything-」Music Video". Nakuha noong 27 Mayo 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "ゴールド等認定作品一覧 2011年06月". RIAJ (sa wikang Hapones). 10 Hulyo 2011. Nakuha noong 14 Hulyo 2011.
{{cite web}}
: Unknown parameter|trans_title=
ignored (|trans-title=
suggested) (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee - JULIETTE (Japanese ver.) Music video - full". Nakuha noong 9 Agosto 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee - 「LUCIFER」Music Video". Nakuha noong 9 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee sets a new record in the 44 year history of the Oricon". allkpop.com. Allkpop. 19 Oktubre 2011. Nakuha noong 9 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee to release first Japanese album in November". allkpop.com. Allkpop. 17 Oktubre 2011. Nakuha noong 9 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee's The First tracklist is made public". soompi.com. Soompi. 7 Nobyembre 2011. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-04-07. Nakuha noong 9 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee to perform at the London Korean Film Festival". theeast.org. Nakuha noong 31 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee's London concert tickets sell out in a minute". allkpop.com. 31 Oktubre 2011. Nakuha noong 1 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee's Onew, Key, and Taemin to release book about their travels in Barcelona". allkpop.com. 18 Nobyembre 2011. Nakuha noong 18 Nobyembre 2011.
{{cite web}}
: Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SM Town 2011 Winter SMTown - Ang Warmest na release ng Regalo". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2012-06-01. Nakuha noong 2012-04-16.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee announces their first Japanese tour at Christmas Eve event". allkpop.com. O24 Disyembre 2011. Nakuha noong 24 Disyembre 2011.
{{cite web}}
: Check date values in:|date=
(tulong); Italic or bold markup not allowed in:|publisher=
(tulong) - ↑ ["http://www.allkpop.com/2011/12/shinee-and-b1a4-win-artist-and-rookie-of-the-year-on-japans-tower-records" "SHINee wins 'Artist of the Year' aware at K-Pop Lovers! Awards 2011"]. allkpop.com. 28 Disyembre 2011. Nakuha noong 6 Enero 2012.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "SHINee Korean comeback confirmed". allkpop.com. 1 Enero 2012. Nakuha noong 1 Enero 2012.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ["http://www.allkpop.com/2012/03/shinee-releases-new-mini-album-sherlock" "'Sherlock' released digitally"]. allkpop.com. 19 Marso 2012. Nakuha noong 19 Marso 2012.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ["http://www.allkpop.com/2012/03/shinee-releases-mv-for-sherlock" "SHINee's "Sherlock" MV released"]. allkpop.com. 22 Marso 2012. Nakuha noong 22 Marso 2012.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ["http://www.allkpop.com/2012/03/kim-shin-young-shindong-perform-parodies-of-touch-bubble-pop-shinees-win-on-show-champion" "SHINee wins #1 on Show Champion"]. allkpop.com. 27 Marso 2012. Nakuha noong 29 Marso 2012.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ["http://www.allkpop.com/2012/03/shinee-wins-1-performances-from-march-29ths-m-countdown" "SHINee wins #1 on M! Countdown"]. allkpop.com. 29 Marso 2012. Nakuha noong 29 Marso 2012.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ ["http://www.allkpop.com/2012/04/shinee-to-release-japanese-version-of-sherlock "SHINee to release japanese version of sherlock"]. allkpop.com. 2 Abril 2012. Nakuha noong 2 Abril 2012.
{{cite web}}
: Check|url=
value (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
Panlabas na mga koneksiyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website (sa Koreano)
- Opisyal na website (sa Hapones)
Mga Parangal at Natanggap | ||
---|---|---|
Sinundan: Big Bang |
Mnet/KM Music Festival/ MNET Asian Music Festival(MAMA)-Best New Male Group 2008 |
Susunod: Supreme Team |
- CS1 errors: URL
- Mga artikulong may tonong pang-promosyonal - Abril 2012
- Lahat ng mga artikulong may tonong pang-promosyonal
- Mabuting artikulo
- Good articles
- SHINee
- Mga artista ng SM Entertainment
- Mga South Korean dance music group
- Mga musical group na itinatag noong 2008
- Musical quintets
- Mga banda mula sa Timog Korea