Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN
Ang Sonang Malayang Kalakalan ng ASEAN (AFTA) (Ingles: ASEAN Free Trade Area) ay isang kasunduan ng hanay na pangkalakalan ng Kapisanan ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya na nagtataguyod ng mga pampagawaang pampook (local manufacturing) sa lahat ng mga bansa sa ASEAN.
Nilagdaan ang kasunduang AFTA noong 28 Enero 1992 sa Singapura. Nang nilagda nang likas ang kasunduang AFTA, ang ASEAN ay mayroong anim na kasapi na binubuo lamang ng Brunei Darussalam, Indonesya, Malaysia, Pilipinas, Singapura at Thailand. Sumali ang Biyetnam noong 1995, Laos at Myanmar noong 1997 at Cambodia noong 1999. Sa ngayon, ang AFTA binubuo ng mga sampung bansa ng ASEAN. Lahat ng mga nahuling apat ay kinakailangang lumagda ng kasunduang AFTA upang sumanib sa ASEAN, nguni't nabigyan ng balangkas na panahon na mas mahaba upang makamtan ang ang mga obligasyon sa pagbabawas ng taripa ng AFTA.
Ang mga tahasang mithiin ng AFTA ay makamit upang:
- Palakihin ang hangganang pagkainaman bilang batayang pamproduksiyon sa pandaigdigang pamilihan sa pamamagitan ng pag-aawas, sa loob ng ASEAN, ng mga salabid ng taripa at walang-taripa; at
- Akitin ang maraming panlabas na tuwirang pamumuhunan sa ASEAN.
Ang pangunahing mekanismo ukol sa pagsasagawa ng mga mithiin na nakatala sa itaas ay ang planong Mabisang Karaniwang Taripang Preperensiyal (CEPT), na itinatag ang talatakdaan ukol sa simulaing hakbang noong 1992 na may mithiing may sariling-pagsasalarawan upang palawakin ang "kompetitibong kainaman ng rehiyon bilang batayang pamproduksiyon na umakma ukol sa pandaigdigang pamilihan."
Ang oplan Mabisang Karaniwang Taripang Preperensiyal (CEPT)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Di-tulad ng UE, ang AFTA ay hindi naghahain ng kahilingan ng karaniwang panlabas na taripa sa mga inangkat na bilihin. Bawat kasapi ng ASEAN ay maaaring magpataw ng mga taripa sa mga bilihin na pumapasok mula sa labas ng ASEAN batay sa kanyang pambansang talatakdaan. Gayumpaman, ukol sa mga bilihin na nagmumula sa loob ng ASEAN, ang mga kasapi ng ASEAN ay kailangang maghain ng kahilingan ng halaga ng taripang mula 0 hanggang 5 bahagdan ang maraming kamakailan na kasaping Cambodia, Laos, Myanmar at Viyetnam, na kinikilalang mga bansang CMLV, ay binigyan ng karagdagang panahon upang isakatuparan ang halaga ng nabawasang taripa. Ito ay kinikilala bilang oplan Mabisang Karaniwang Taripang Preperensiyal (CEPT)
Ang mga kasapi ng ASEAN ay may pamimilian ng mga pag-aalis na produkto mula sa CEPT sa tatlong kaukulan:
- Pansamatalang pag-aalis;
- Mga maselang produktong pansakahan
- Pangkalahatang kataliwasan
Ang mga pansamatalang pag-aalis ay tumutukoy sa mga produkto na kung saan ang mga taripa ay ibababa nang sukdulan sa 0-5%, nguni't kung saan ay napoprotektahan nang pansamatala sa pamamagitan ng antala sa mga pagbabawas ng taripa.
Ang mga maselang produktong pansakahan ay sumasaklaw ng kalakal tulad ng bigas. Ang mga kasapi ng ASEAN ay nararapat magbawas ng antas ng taripa sa 0-5%.
Ang mga pangkalahatang kataliwasan ay tumutukoy sa mga produkto kung saan ang isang kasapi ng ASEAN at nagtuturing kailangan ukol sa proteksiyon ng pambansang kaligtasan, mga pampublikong moral, ang proteksiyong pantao, ang proteksiyon ng tao, hayop o buhay ng halaman at kalusugan, at proteksiyon ng mga bagay-bagay ng malasining, makasaysayang, o pang-arkeolohiyang halaga. Ang mga kasapi ng ASEAN ay nakapagkasundo na isabatas ang walang halaga ng taripa nang sa kinalabasan lahat ng mga inangkat sa 2010 ukol sa likas na signatoryo, at 2015 sa mga bansang CMLV.
Tuntunin ng pinagmulan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang CEPT ay ginagamit lamang sa mga bilihin na nanggaling sa loob ng ASEAN. Ang pangkalahatang tuntunin ay kung saan ang lokal na lawak ng ASEAN at nararapat na hindi bababa sa 40% ng halaga ng FOB ng bilihin. Ang lokal na lawak ng ASEAN ay maaaring lumaki, na ang halaga ng mga puhunan mula sa mga kasapi ng ASEAN ay maaaring pagsamahin upang makamtan ang 40% na kinakailangan.
Ang sumusunod na pormula ay ginagamit:
Halaga ng hilaw na materyales + Halaga ng tuwirang paggawa + Halaga ng tuwirang gastos sa pamamalakad ng negosyo + Tubo + Halaga ng transportasyong panloob na lupain x 100% halaga ng FOB
Gayumpaman, ukol sa mga tiyak na produkto, ang mga tanging tuntunin ay gumagamit:
- Pagbabago sa Tuntuning Pangkabanata
- Pagbabago ng Taripang Subtitulo para sa mga Produktong Gawa sa Kahoy
- Pagbabago sa Kauriang Taripa para sa Tiyak na Aluminyo at mga Bagay-bagay hinggil doon.
Ang tagapagluwas ay dapat makakuha ng sertipikasyong "Porma D" mula sa pambansang pamahalaan na magpapatunay na nakapagkamit ng bilihin ang hinihiling 40%. Ang Porma D ay dapat ipakita sa pangasiwaan ng adwana ng mga inaangkat upang itakda para sa halaga ng CEPT. Ang mga problema hinggil sa pruwebang ebidensiyaro upang kumandili sa kahilingan ay minsan lumalaki, ganoon din kung paano makapagpatunay ng pambansang adwana ng ASEAN ang mga pagpapasa ng Porma D. Ang mga problemang ito ay lumalaki dahil bawat pangasiwaan ng pambansang adwana ng ASEAN ay isinasalarawan at isinasakatuparan ang hinihiling Porma D na walang pakikipagtulungan.
Pagiging kasapi
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga bansang na pumayag na mabawasan ang taripa nila:
Mga bansa na sasali sa 2012:
Mga panayang tagamasid:
Mga bansa na dumadalo sa mga pagpupulong ng ASEAN bilang tagamasid din: