Pumunta sa nilalaman

Wikang Portuges

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Salitang Portuges)
Ang kulay indigo na mapa ay sinasalita ang wikang Portuges.

Wikang Portuges (Português) ay Wikang Romanseng nagbuhat sa lalawigan ng Galicia (Espanya) at sa hilagang ng Portugal mula sa Wikang Latin na higit dalawang libong taon na ang nakakalipas. Kumalat siya sa buong daigdig noong bandang ika-15 at ika-16 siglo habang itinatag ng Portugal ang imperyo nito (1415-1999) na kumalat sa Brasil, sa Goa (India), at sa Makaw (Tsina).

Ngayon, isa siya sa mga pangunahing wika ng daigdig na may ikaanim na antas, ayon sa dami ng mga katutubong mananalita. Marami itong katutubong mananalita sa Timog Amerika, at isa ring pangunahing lingguwa prangka sa Aprika. Pangunahing wika yaon ng mga bansang Angola, Brasil, Cape Verde, Silangang Timor, Guinea-Bissau, Makaw, Mozambique, Portugal at ng São Tomé at Príncipe.

Paghahambing sa Wikang Romanse

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Makikita ang mga pagkakahambing ng Portuges sa mga katulad nitong Romanseng wika:

Ela fecha sempre a janela antes de jantar/cear. (Portuges)
Ela pecha sempre a xanela/fiestra antes de xantar/cear. (Galiciano)
Ella pieslla siempre la ventana primero de cenar. (Asturiano)
Ella cierra siempre la ventana antes de cenar. (Espanyol)
Ella tanca sempre la finestra abans de sopar. (Katalan)
Ella barra sempre la finestra abans de sopar. (Occittan)
Ella (or lei) chiude sempre la finestra prima di cenare. (Italyano)
Ea închide întotdeauna fereastra înainte de a cina. (Romana)
Elle ferme toujours la fenêtre avant de dîner/souper. (Pranses)
Illa claudit semper fenestram ante quam cenat. (Latin)
Palagi niyang (babae) sinasara ang bintana bago maghapunan.

Paghahambing sa Espanyol

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Madalas inihahambing ang Portuges sa Espanyol. Magkatulad ang dalawa sa anyo at pinagmulan (Romanse ang dalawa), ngunit ang pinakamatingkad na kaibahan ng dalawa ay sa bigkas. Higit na mahihirapang makaunawa kung ang pag-uusapan ay mga taga-Europa at mga taga-Timog Amerika. Narito ang maikling talaan ng mga pagkakatulad ng dalawang wika.

Salita Kahulugan Bigkas sa Portugal Bigkas sa Brasil
mondo daigdig [mon-du] [mon-du]
canção awit [kan-sawng] [kan-sawng]
telefone telepono [te-le-fo-n] [te-le-fo-ni]
água tubig [ag-wuh] [ag-wuh]
fogo apoy [fo-gu] [fo-gu]
livro aklat [liv-ru] [liv-ru]
lapiz lapis [la-pish] [la-pis]
casa bahay [ka-zuh] [ka-zuh]
cama kama [kuh-muh] [kuh-muh]
vida buhay [vi-duh] [vi-duh]
negro itim [neg-ru] [neg-ru]
branco puti [brang-ku] [brang-ku]
menino lalaki [me-ni-nu] [me-ni-nu]
menina babae [me-ni-na] [me-ni-na]
amor mahal [a-mur] [a-mur]
grande malaki [gran-di] [gran-dyi]
pequeno maliit [pe-ke-nu] [pe-ke-nu]
noite gabi [noy-ti] [noy-tsi]
manhã umaga [mang-yang] [mang-yang]
día araw [di-yuh] [dyi-yuh]
mês buwan [mesh] [mes]
porque sapagkat [pur-ki] [pur-ki]
mas ngunit [mash] [mas]
Portugal Portugal [pur-tu-gal] [poh-tu-gaw]
Português Portuges [pur-tu-gesh] [poh-tu-ges]
Brazil Brasil [bra-zeew]
Ilhas Filipinas Pilipinas [il-yash fi-li-pi-nash] [il-yas fi-li-pi-nas]
Mga Pangungusap na Portuges
Tagalog Portuges
(Pagbati) Olá
Kumusta? Como está?

Como vai você?

Magandang umaga Boa día
Magandang tanghali Boa tarde
Magandang gabi Boa noite
Paalam Adeus

Tchau (Italyano)

Pasensiya Me desculpe

Perdão

Salamat Obrigado (Panlalaki)

Obrigada (Pambabae)

Walang anuman De nada

Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Talasalitaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Wikang Ingles para sa mga Baguhan

[baguhin | baguhin ang wikitext]