Pumunta sa nilalaman

San Sebastian, Samar

Mga koordinado: 11°42′N 125°01′E / 11.7°N 125.02°E / 11.7; 125.02
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
San Sebastian
Municipality of San Sebastian
Mapa ng Samar na nagpapakita ng San Sebastian
Mapa ng Samar na nagpapakita ng San Sebastian
Map
San Sebastian is located in Pilipinas
San Sebastian
San Sebastian
Kinaroroonan sa Pilipinas
Mga koordinado: 11°42′N 125°01′E / 11.7°N 125.02°E / 11.7; 125.02
Bansa Philippines
RehiyonSilangang Kabisayaan (Rehiyong VIII)
LalawiganSamar
DistritoIkalawang Distrito ng Samar
Mga barangay14
Pamahalaan
[1]
 • UriSangguniang Bayan
 • mayor of San Sebastian[*]Arnold B. Abalos
 • Bise alkaldeEleuterio M. Mabao
 • KinatawanSharee Ann T. Tan
 • Manghahalal7,050 mga botante (2022)
Lawak
[2]
 • Kabuuan39.07 km2 (15.09 milya kuwadrado)
Populasyon
 (senso ng 2020)
 • Kabuuan8,704
 • Kapal220/km2 (580/milya kuwadrado)
Ekonomiya
 • Klase ng kitaika-6 na klase ng kita ng bayan
 • Kalaganapan ng kahirapan41% (2015)[3]
 • Kita (₱)(2012)
Sona ng orasUTC+8 (PST)
Kodigong postal
6709
PSGC
IDD:area code+63 (0)55
Uri ng klimaTropikal na kagubatang klima
Katutubong mga wikaWikang Waray
wikang Tagalog

Ang San Sebastian, opisyal na Municipality of San Sebastian, ay isang ika-anim na klaseng bayan sa lalawigan ng Samar, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, may populasyon itong 8,704 katao.

Sinanib ang bayan ng San Sebastian aa bayan ng Wright (Paranas sa kasalukuyan) noong pananakop ng mga Amerikano. Noong 1950, sinama ang mga baryo ng San Sebastian, Jitaasan, Dolores, Camanjagay, Bontod, Campidasa, Campiyak, Maslog, Balogo, Maropangpang, Binongtoan, at Bolwan at muling itinatag bilang isang bayan.[4]

Dati nakilala ang bayan ng San Sebastian bilang "Balugo," ang unang pangalan, dahil matatagpuan ito sa wawa ng Ilog Balugo. Ang Balugo ay isang bisita ng Paranas. Kalaunan, pinalitan ni Padre Fray Domingo Ruiz, O.F.M. ang pangalan nito sa San Sebastian, mula sa kaniyang lugar ng kapanganakan sa Espanya. Si Padre Ruiz, na noo'y itinalaga sa bisitang ito, ay gumawa ng unang mga hakbang at rekomendasyon upang iangat ang katayuan ng bisita ng San Sebastian sa isang pueblo sa ilalim ng kura paroko ng Catbalogan.

Sa pagitan ng 1894–1895, binigyan ng katayuang pueblo at malayang parokya ang San Sebastian na hiwalay mula sa pinagmulang bayan nitong Paranas. Nang sumiklab ang Himagsikang Pilipino, muling sinanib ang San Sebastian sa Paranas bilang baryo nito. Kalaunan, nang ipinatupad ng Kongreso ng Pilipinas ang Batas Republika Blg. 543, muli naging malayang bayan ang San Sebastian.

Nahahati ang bayan ng San Sebastian sa 14 na mga barangay.

  • Poblacion Barangay 1
  • Poblacion Barangay 2
  • Poblacion Barangay 3
  • Poblacion Barangay 4
  • Balogo
  • Bontod
  • Camanhagay
  • Campiyak
  • Dolores
  • Hita-asan I
  • Inobongan
  • Cabaywa
  • Canduyucan
  • Hita-asan II
Datos ng klima para sa San Sebastian, Samar
Buwan Ene Peb Mar Abr May Hun Hul Ago Set Okt Nob Dis Taon
Katamtamang taas °S (°P) 27
(81)
28
(82)
28
(82)
30
(86)
30
(86)
30
(86)
29
(84)
29
(84)
29
(84)
29
(84)
28
(82)
28
(82)
28.8
(83.6)
Katamtamang baba °S (°P) 22
(72)
22
(72)
22
(72)
23
(73)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
24
(75)
23
(73)
23
(73)
23.3
(73.8)
Katamtamang presipitasyon mm (pulgada) 114
(4.49)
81
(3.19)
94
(3.7)
81
(3.19)
119
(4.69)
192
(7.56)
186
(7.32)
158
(6.22)
167
(6.57)
185
(7.28)
202
(7.95)
176
(6.93)
1,755
(69.09)
Araw ng katamtamang pag-ulan 18.6 14.7 16.8 17.8 22.3 25.9 27.5 26.2 26.6 27.0 24.6 22.3 270.3
Sanggunian: Meteoblue [5]
Senso ng populasyon ng
San Sebastian
TaonPop.±% p.a.
1903 2,767—    
1960 3,645+0.48%
1970 4,267+1.59%
1975 4,441+0.80%
1980 4,606+0.73%
1990 5,732+2.21%
1995 6,381+2.03%
2000 6,779+1.31%
2007 7,365+1.15%
2010 7,708+1.67%
2015 8,057+0.85%
2020 8,704+1.53%
Sanggunian: PSA[6][7][8][9]


Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Province: Samar (Western Samar)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "PSA releases the 2015 Municipal and City Level Poverty Estimates". Quezon City, Philippines. Nakuha noong 12 Oktubre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "An act re-creating the municipality of San Sebastian, province of Samar". LawPH.com. Nakuha noong 2011-04-09.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "San Sebastian: Average Temperatures and Rainfall". Meteoblue. Nakuha noong Pebrero 29, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Census of Population (2015). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Census of Population and Housing (2010). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Censuses of Population (1903–2007). "Region VIII (Eastern Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: url-status (link)
  8. "Province of Samar (Western Samar)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga Kawing Panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]