Pinabacdao
Pinabacdao | ||
---|---|---|
Municipality of Pinabacdao | ||
Loob ng Simbahang Paroykal ng Ina ng Pitong Hapis | ||
| ||
Palayaw: "The Home of Mayaw-Mayaw Festival" | ||
Bansag: "Small Town, Big Dreams" | ||
Mapa ng Samar na nagpapakita ng Pinabacdao | ||
Kinaroroonan sa Pilipinas | ||
Mga koordinado: 11°37′N 124°59′E / 11.62°N 124.98°E | ||
Bansa | Pilipinas | |
Rehiyon | Silangang Kabisayaan (Rehiyong VIII) | |
Lalawigan | Samar | |
Distrito | Ikalawang Distrito ng Samar | |
Unang itinatag | 1749 | |
Naging bayan | Hulyo 16, 1946 | |
Mga barangay | 24 | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Sangguniang Bayan | |
• alkalde | Teodorico A. Mabag | |
• Pangalawang alkalde | Rodrigo T. Eguia | |
• Kinatawan | Sharee Ann T. Tan | |
• Manghahalal | 13,536 botante (2022) | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 183.06 km2 (70.68 milya kuwadrado) | |
Populasyon (senso ng 2020) | ||
• Kabuuan | 18,136 | |
• Kapal | 99/km2 (260/milya kuwadrado) | |
Ekonomiya | ||
• Klase ng kita | ika-4 na klase ng kita ng bayan | |
• Kalaganapan ng kahirapan | 45.5% (2015)[3] | |
• Kita (₱) | ₱121,250,668.49 (2020) | |
Sona ng oras | UTC+8 (PST) | |
Kodigong postal | 6707 | |
PSGC | ||
IDD : area code | +63 (0)55 | |
Uri ng klima | Tropikal na kagubatang klima | |
Mga wikang pampook | Wikang Waray wikang Tagalog |
Pinabacdao, opisyal na kilala bilang Municipality of Pinabacdao, ay isang ika class bayan sa lalawigan ng Samar, Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, mayroon itong populasyon na 18,136 katao.
Ito ay nasa gitnang bahagi ng timog-kanlurang baybay-dagat ng pulo ng Samar at dinaraanan ng Pan-Philippine Highway. Hinahangganan ito ng bayan ng Calbiga sa hilaga, lungsod ng Borongan sa silangan na kabisera ng lalawigan ng Silangang Samar, bayan ng Villareal at Look ng Villareal sa kanluran, at mga bayan ng Santa Rita at Basey sa timog.
Itinuturing ito na sentro ng produksiyon ng bigas sa lalawigan ng Samar. Ito ay tahanan din ng pista ng Mayaw-Mayaw, isang pistang etniko at sayawan na taunang idinaraos tuwing Mayo 10.[4] Nakamit ng Pista ng Mayaw-Mayaw ang ikalawang runner-up sa paligsahan ng sayaw ng kapistahan, at nanguna ito sa paligsahan ng disenyo ng float sa Pistang Aliwan ng 2015 na ginanap sa mga lungsod ng Maynila at Pasay noong Abril 23–25.[5]
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Unang itinatag ang Pinabacdao noong 1749, ngunit naging baryo ng Calbiga noong 1902. Naging isang ganap na bayan ito noong ika-16 ng Hulyo, taong 1946 sa bisa ng Kautusang Ehekutibo Blg. 2, seryeng 1946, na nilagdaan ni dating Pangulong Manuel A. Roxas noong ika-8 ng Hulyo sa taong iyon.[6]
Klima
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ini-uri ang klima ng Pinabacdao bilang tropiko. May maraming pag-ulan ang bayan, kahit sa pinakatuyong buwan nito. Itinalaga ang Pinabacdao sa pag-uuring Köppen and Geiger bilang Af. Ang karaniwang taunang temperatura ay 27.1 °C. Ang katamtamang dami ng pag-ulan taun-taon ay 2739 milimetro.[7]
Mga barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nahahati ang Pinabacdao sa 24 na mga barangay.
Para sa mga layuning administratibo at estadistika, nakapangkat sa dalawang mga distrito ang mga barangay - ang mga upland barangay at mga pilot barangay. Ang Upland district ay binubuo ng mga barangay na nasa malalayong lugar at karamihan ay nasa silangang bahagi ng bayan. Ang mga barangay na nasa kahabaan ng Pan-Philippine Highway/Daang Maharlika ay bumubo sa Pilot district na karamihan ay nasa mga baybaying-dagat at kapatagang pook sa kanlurang bahagi ng bayan. Walang anumang uri ng lokal na pamahalaan ang mga distritong ito.
Barangay[A] | Distrito | Populasyon | ±% p.a. | Pag-uuri | PSGC[8] | |||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Bangon | Pilot | 7.8% | 1,425 | 1,243 | 2.64% | Rural | 086013001 | |||||
Barangay 1, Poblacion | Pilot | 3.5% | 641 | 656 | −0.44% | Urbano | 086013002 | |||||
Barangay 2, Poblacion | Pilot | 4.9% | 895 | 766 | 3.01% | Rural | 086013003 | |||||
Botoc | Pilot | 4.1% | 750 | 697 | 1.41% | Rural | 086013004 | |||||
Bugho | Upland | 1.4% | 254 | 237 | 1.33% | Rural | 086013005 | |||||
Calampong | Pilot | 3.1% | 572 | 512 | 2.13% | Rural | 086013006 | |||||
Canlobo | Upland | 2.1% | 392 | 276 | 6.91% | Rural | 086013007 | |||||
Catigawan | Upland | 0.7% | 135 | 134 | 0.14% | Rural | 086013008 | |||||
Dolores (Kasang-an) | Pilot | 4.1% | 742 | 670 | 1.96% | Rural | 086013010 | |||||
Lale | Pilot | 5.2% | 945 | 820 | 2.74% | Rural | 086013011 | |||||
Lawaan | Upland | 1.8% | 327 | 305 | 1.33% | Rural | 086013012 | |||||
Laygayon | Pilot | 5.4% | 994 | 816 | 2.64% | Rural | 086013013 | |||||
Layo | Upland | 1.4% | 260 | 219 | 3.32% | Rural | 086013014 | |||||
Loctob | Upland | 1.4% | 262 | 213 | 4.02% | Rural | 086013015 | |||||
Madalunot (Antol) | Pilot | 5.0% | 914 | 730 | 4.37% | Rural | 086013016 | |||||
Magdawat | Upland | 2.5% | 459 | 468 | −0.37% | Rural | 086013017 | |||||
Mambog | Pilot | 7.7% | 1,412 | 1,368 | 0.60% | Rural | 086013018 | |||||
Manaing | Upland | 1.7% | 312 | 233 | 5.72% | Rural | 086013019 | |||||
Nabong | Pilot | 7.2% | 1,323 | 1,084 | 3.87% | Rural | 086013026 | |||||
Obayan | Pilot | 6.8% | 1,234 | 1,105 | 2.12% | Rural | 086013020 | |||||
Pahug | Pilot | 5.0% | 921 | 830 | 2.00% | Rural | 086013021 | |||||
Parasanon | Pilot | 10.4% | 1,902 | 1,736 | 1.75% | Rural | 086013022 | |||||
Pelaon | Upland | 4.5% | 829 | 754 | 1.82% | Rural | 086013023 | |||||
San Isidro | Pilot | 1.9% | 352 | 336 | 0.89% | Rural | 086013025 | |||||
Kabuoan | 18,252 | 16,208 | 2.29% | |||||||||
|
Calampong
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Calampong ay isa sa dalawang mga baybaying-dagat na barangay ng Pinabacdao. Hinahangganan ito ng Calbiga, sa hilaga at kanluran at Look ng Maqueda sa kanluran at timog. Karamihan sa mga mamamayan nito ay kumukuha ng kabuhayan sa pangingisda at pagsasaka.
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 2,142 | — |
1948 | 5,214 | +2.00% |
1960 | 7,472 | +3.04% |
1970 | 9,723 | +2.67% |
1975 | 8,373 | −2.95% |
1980 | 9,389 | +2.32% |
1990 | 10,361 | +0.99% |
1995 | 11,590 | +2.12% |
2000 | 13,167 | +2.77% |
2007 | 14,492 | +1.33% |
2010 | 16,208 | +4.16% |
2015 | 18,252 | +2.29% |
2020 | 18,136 | −0.13% |
Sanggunian: PSA[9][10][11][12] |
Mga Paaralan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mababang Paaralan
- Mababang Paaralan ng Bangon
- Mababang Paaralan ng Botoc
- Mababang Paaralan ng Calampong
- Mababang Paaralan ng Lale
- Mababang Paaralan ng Laygayon
- Mababang Paaralan ng Madalunot
- Mababang Paaralan ng Mambog
- Mababang Paaralan ng Nabong
- Mababang Paaralan ng Obayan
- Mababang Paaralan ng Pahug
- Mababang Paaralan ng Parasanon
- Mababang Paaralan Sentral ng Pinabacdao
Mataas na Paaralan
- Paaralang Agrikultural ng Quintin Quijano, Sr. (dating Mataas na Paaralang Agrikultural ng West Coast)
- Mataas na Paaralang Pambansa ng Pinabacdao-Punong Paaralan
- Mataas na Paaralang Pambansa ng Pinabacdao-Paaralang Parasanon
Sentro ng Pagsasanay/Kolehiyo/Pamantasan
- Pinabacdao One-Stop Training Center
- Pamantasan ng Silangang Pilipinas-Kolehiyo ng Pinabacdao
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
- ↑
"Province: Samar (Western Samar)". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA releases the 2015 Municipal and City Level Poverty Estimates". Quezon City, Philippines. Nakuha noong 12 Oktubre 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Eastern Visayas Festivals and Events". Visit My Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 15 Agosto 2016. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Aliwan Fiesta 2015". Aliwan Fiesta. Inarkibo mula sa orihinal noong 4 Agosto 2016. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Executive Order No. 2, s. 1946". Official Gazette of the Republic of the Philippines. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Hunyo 2023. Nakuha noong 10 Enero 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Pinabacdao Climate". Climate-Data Org. Nakuha noong 5 Hunyo 2015.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSGC Active Statistics". Philippine Statistics Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 23 Marso 2016. Nakuha noong 30 Hunyo 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 9.0 9.1
Census of Population (2015). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region VIII (Eastern Visayas)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region VIII (Eastern Visayas)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Samar (Western Samar)". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2016-03-23 sa Wayback Machine.
- Philippine Census Information
- Local Governance Performance Management System[patay na link]
- freewebs.com/postc_eom/
Zumarraga / Look ng Villareal | Calbiga | |||
Villareal | Borongan | |||
Pinabacdao | ||||
Santa Rita | Basey |