Pumunta sa nilalaman

Seksuwal na panliligalig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Sekswal na panliligalig)

Ang seksuwal na panliligalig (Ingles: sexual harassment) ay isang pananakot (intimidasyon), paghahari-harian (pagmamaton), o pamimilit (koersiyon o pamumuwersa) na may katangiang seksuwal o pampagtatalik, o ang hindi kinagigiliwan, hindi pinahihintulutan, o hindi nababagay o hindi marapat na pangako ng mga pabuya bilang kapalit ng mga biyaya o pabor na seksuwal.[1] Sa pinaka modernong pambatas na mga diwa o konteksto, ang panliligalig na seksuwal ay ilegal. Ayon sa pagpapakahulugan ng Equal Employment Opportunity Commission (EEOC) ng Estados Unidos, hindi makabatas na ligaligin ang isang (isang aplikante man o empleyado) dahil sa kasarian ng taong iyon). Ang panliligalig ay maaaring kabilangan ng "panliligalig na seksuwal" o hindi kinasisiyahang mga pagsugod na seksuwal, mga kahilingan para sa mga pabor na seksuwal, at iba pang mga panliligalig na sinasabi o pisikal na may katangiang seksuwal.

Ang panliligalig ay hindi kinakailangang may katangiang seksuwal o likas na seksuwal, at maaaring kasangkutan ng nakapananakit na mga pananalita hinggil sa kasarian ng isang tao. Halimbawa, ilegal na ligaligin ang isang babae sa pamamagitan ng paggawa ng mga punang nakasasakit ukol sa kababaihan sa pangkalahatan.

Ang biktima at ang nanliligalig ay maaaring isang babae o kaya isang lalaki, at ang biktima o manliligalig ay maaaring magkapareho ng kasarian.

Bagaman hindi ipinagbabawal ng batas ang payak na panunukso, pagbibiro, o panunudyo, biglaang mga kumento, o nakabukod na mga insidente na hindi talaga seryoso, ang panliligalig ay ilegal kapag ito ay madalas o malubha na nakalilikha ito ng isang mapoot o nakapananakit na kapaligirang panghanapbuhay o kapag nagresulta ito sa isang masalungat o masamant pagpapasyang pangpaghahanapbuhay (katulad ng pagsisisante o paggawad ng demosyon sa biktima).

Ang manliligalig ay maaaring ang superbisor ng biktima, isang superbisor sa ibang lugar, isang kasamahan sa trabaho, o isang tao na hindi empleyado ng nagpapahanapbuhay, katulad ng isang kliyente o isang kostumer.[2]

Kabilangan dito ang isang kasaklawan ng ugali mula sa tila maamo o malumanay na mga transgresyon (pagsuway o paglabag) at mga pagkayamot hanggang sa talagang pang-aabusong seksuwal o seksuwal na pagsalakay.[3] Ang seksuwal na panliligalig ay isang uri ng ilegal na diskriminasyon sa trabaho sa maraming mga bansa, at isa itong uri ng pang-aabuso (seksuwal at sikolohikal) at pagiging siga. Para sa maraming mga negosyo at iba pang mga organisasyon, ang pagsawata sa panliligalig na seksuwal, at pagtatanggol ng mga empleyado mula sa mga pagsasakdal na panliligalig na seksuwal, ay naging mga susing layunin ng legal na paggawa ng mga kapasyahan.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Paludi, Michele Antoinette; Barickman, (1991). Academic and Workplace Sexual Harassment. SUNY Press. pp. 2–5. ISBN 0-7914-0829-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: extra punctuation (link)
  2. "Sexual Harassment". U.S. Equal Employment Opportunity Commission.
  3. Dziech et al. 1990, Boland 2002

SeksuwalidadBatas Ang lathalaing ito na tungkol sa Seksuwalidad at Batas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.