Simbahan ng Santo Domingo (Lungsod Quezon)
Simbahan ng Santo Domingo | |
---|---|
Pambansang Dambana ng Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo ng La Naval de Manila Santuario Nacional de Nuestra Señora del Santísimo Rosario de La Naval de Manila | |
14°37′36″N 121°00′37″E / 14.626635°N 121.010202°E | |
Lokasyon | 537 Abenida Quezon, Lungsod Quezon |
Bansa | Pilipinas |
Denominasyon | Katolikong Romano |
Websayt | La Naval de Manila.com |
Kasaysayan | |
Itinatag | Ika-10 ng Oktubre, 1954 (bilang Pambansang Dambana) Ika-23 ng Pebrero, 1972 (bilang parokya)[1] |
Arkitektura | |
Katayuang gumagana | Aktibo |
Pagtatalaga ng pamana | Pambansang Kayamanang Pangkultura |
Designated | Oktubre 2012 |
Arkitekto | José María Zaragoza |
Uri ng arkitektura | Gusaling Simbahan |
Istilo | Art Deco |
Pasinaya sa pagpapatayo | 1952 |
Natapos | 1954 |
Pamamahala | |
Arkidiyosesis | Maynila |
Diyosesis | Cubao |
Lalawigang eklesyastikal | Maynila |
Klero | |
Arsobispo | Sede vacante |
Obispo | Honesto F. Ongtioco, D.D. |
Rektor | Roger C. Quirao, O.P. |
(Mga) Pari | Mhandy S. Malijan, O.P. (Kura Paroko) |
Ang Simbahan ng Santo Domingo, pormal na kilala bilang Pambansang Dambana ng Mahal na Ina ng Santo Rosaryo ng La Naval de Manila (Kastila: Santuario Nacional de Nuestra Señora del Santísimo Rosario de La Naval de Manila, ay ang pinakamalaking simbahan sa Kalakhang Maynila at isa sa mga pinakamalaking simbahan sa Asya. Ito ay nakatuon kay Maria, ina ni Hesus sa ilalim ng kanyang titulong Mahal na Ina ng Banal na Rosaryo, La Naval de Manila.
Ito ay ikaanim na hugnayan ng simbahan na nagsilbi bilang inang-bahay o punong himpilan ng Orden Dominikana ng Pilipinas. Ang mga Dominikano ay isa sa "mga nagsisimulang misyonero" ng Pilipinas.[2] Inilipat ang inang-bahay sa lokasyon ng Lungsod Quezon mula sa lokasyon ng Maynila na nasira sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pambansang Museo idedeklarang pambansang kayamanan ang Simbahan ng Santo Domingo". Tanggapan ng Pangulo. Setyembre 28, 2012. Inarkibo mula sa orihinal noong 2014-09-07. Nakuha noong Setyembre 4, 2014.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Simbahan ng Santo Domingo, dambanang La Naval de Manila idedeklarang mga Pambansang Kayamanang Pangkultura". Inquirer Lifestyle.
Mga panlabas na kawing
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Mga simbahang Katolikong Romano sa Lungsod Quezon
- Mga dambanang Katolikong Romano sa Lungsod Quezon
- Mga Pambansang Kayamanang Pangkultura ng Pilipinas
- Mga simbahang Katolikong Romano na natapos noong 1954
- Mga establisyamento sa Pilipinas noong 1954
- Mga Likha ng mga Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas