Pumunta sa nilalaman

Simbahan ng Tumauini

Mga koordinado: 17°16′31″N 121°48′26″E / 17.275395°N 121.807124°E / 17.275395; 121.807124
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Simbahan ng Tumauini
Parokyang Simbahan ni San Matias
Iglesia Parroquial de San Matías
Dayag at hugis-tubong kampanaryo ng Simbahan ng Tumauini
17°16′31″N 121°48′26″E / 17.275395°N 121.807124°E / 17.275395; 121.807124
LokasyonTumauini, Isabela
BansaPilipinas
DenominasyonKatoliko Romano
Kasaysayan
Itinatag1707
NagtatagFrancisco Nuñez, O.P
DedikasyonSan Matias
Arkitektura
EstadoParokyang simbahan
Katayuang gumaganaAktibo
Pagtatalaga ng pamanaPambansang Yaman Pangkalinangan
ArkitektoP. Domingo Forto
Uri ng arkitekturaSimbahan
IstiloBaroko
Pasinaya sa pagpapatayo1783
Natapos1805
Pamamahala
ArkidiyosesisTuguegarao
DiyosesisIlagan
Lalawigang eklesyastikalIsabela
Klero
ArsobispoLubhang Kagalang-galang Sergio L. Utleg, D.D
ObispoLubhang Kagalang-galang David William V. Antonio, D.D.

Ang Parokyang Simbahan ni San Matias (Ingles: San Matias Parish Church; Kastila: Iglesia Parroquial de San Matías), kilala rin bilang Simbahan ng Tumauini, ay isang simbahang Katolika Romana sa bayan ng Tumauini, Isabela, Pilipinas, sa loob ng hurisdiksyon ng Katoliko Romanong Diyosesis ng Ilagan. Naging hiwalay itong parokya sa Cabagan sa pagtataguyod ni San Matias noong 1751.

Idineklara ang simbahan, kilala para sa kanyang de-ladrilyong, arkitekturang mala-Baroko bilang Pambansang Yaman Pangkalinangan ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Kasabay ng mga simbahan ng Boljoon, Guiuan, Loboc at Lazi, isinaalang-alang ang Simbahan ng Tumauini para sa Pansamantalang Talaan ng Pandaigdigang Pamana ng UNESCO mula noong 2006 sa ilalim ng kolektibong pangkat ng Mga Simbahang Baroko ng Pilipinas (Pagpapalawig).

Itinayo ang unang simabhang gawa sa nipa at mga iba pang magaang materyales ni Francisco Nuñez, isang Dominikanong pari, noong 1707, at nakaalay kay San Matias.[1][2] Humiwalay ang parokya ang Tumauini sa Cabagan noong 1751.[1] Itinayo ang kasalukuyang simabhan sa ilalim ng tangkilik ng isa pang Dominikano, Domingo Forto, noong 1783 at itinuloy ni paring Antonio Herrera noong 1788.[3] Sa pagtatayo ng simbahan, umupa si Forto ng mga artisano mula sa katimugan malapit sa Pampanga.[3] Natapos ito noong 1805.[1]

Ang Tumauini ay isang ubod na barokong simbahan na kilala para sa malawakang paggamit ng mga pulang ladrilyo sa kanyang panlabas at panloob na palamuti.[3] Ginamit ang laryo dahil sa kakulungan ng mga de-kalidad na bato sa pook.[4]

Ang simbahan ay pawang binubuo ng mga maadornong pulang ladrilyo sa kanyang dayag at panloob na pader.[5] Kung titingnan ito nang mabuti, ipinapakita ng dayag ang mga bilang at petsa para sa tamang pagkakasunud-sunod ng mga ladrilyo sa disensyo ni Forto.[3] Pinapaligiran ang dayag ng dalawang huwad na Corintong haligi at nitso, isang nakatagpo sa taas ng pasukan at ang dalawang natitirang nitso sa bawat panig ng mga tudling.[3] Katangi-tangi ang pabilog na pedimento ng simbahan kumpara sa lahat ng mga ibang simbahang itinayo noong Panahon ng Kastila.[3]

Nakakabit sa dayag ng simbahan ang isang kakaibang silindrikong kampanaryong itinayo noong 1805.[5][6] Ito ang tanging silindrikong tore mula sa panahon ng pananakop ng mga Kastila sa bansa.[7] Magkahawig ang maandanang kampanaryo sa isang pangkasal na keyk.[8][9]

May mga butas ng bala ang kampanang nakalagay sa loob ngunit hindi na ito hinubog muli.[10]

Matatagpuan ang mga guho ng kumbeto ng simbahan sa panig ng ebanghelyo ng simbahan.[5]

Mga makasaysayang at kultural na pagpapahayag

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Idineklarang Pambansang Yaman Pangkalinangan ang Simbahan ng Tumauini ng Pambansang Museo ng Pilipinas. Idineklara ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Simbahan ng Tumauini bilang Pambansang Makasaysayang Pook noong Pebrero 24, 1989.[2]

Isinasaalang-alang din ang pagdagdag nito sa Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO sa Pilipinas sa ilalim ng Mga Simbahang Baroko ng Pilipinas (Pagpapalawig) kasama ng mga simbahan ng Patrocinio de María sa Boljoon, Cebu; La Inmaculada Concepción sa Guiuan, Samar; San Pedro Ápostol sa Loboc, Bohol; at San Isidro Labrador sa Lazi, Siquijor.[5]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 National Historical Institute 1993, p. 176
  2. 2.0 2.1 Mangubat, Kaye (Setyembre 20, 2012). "Five unique churches in the Philippines". Yahoo News Philippines. loQal.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 22, 2012. Nakuha noong Setyembre 11, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 Gaspar, Roger (1996). "Flowers in Brick: The Tumauini Church in Isabela". Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 1, 2009. Nakuha noong Oktubre 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lim-Castillo 2007, p. 117
  5. 5.0 5.1 5.2 5.3 "Baroque Churches of the Philippines (Extension)". UNESCO World Heritage Centre. Nakuha noong Oktubre 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Villalon, Augusto. "Significant Examples of Church Architecture in the Philippines". National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 14, 2014. Nakuha noong Setyembre 11, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Ortiguero, Romsanne (Marso 17, 2013). "Why visit Isabela this summer? 10 great reasons to check out the Queen Province of the Philippines". Interaksyon. Inarkibo mula sa orihinal noong Agosto 24, 2014. Nakuha noong Setyembre 11, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Alba, Reinerio (Setyembre 29, 2003). "The Restoration of 26 Philippine Churches". National Commission for Culture and the Arts. Inarkibo mula sa orihinal noong Setyembre 3, 2014. Nakuha noong Setyembre 11, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Enriquez, Marge (Abril 10, 2011). "Edifices of a people's faith". Philippine Daily Inquirer. Inarkibo mula sa orihinal noong Oktubre 23, 2014. Nakuha noong Setyembre 14, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Jose, Regalado Trota. "What to do with an Old Church (or Mosque or House)?". National Commission for Culture and the Arts. Nakuha noong Oktubre 9, 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]