Pumunta sa nilalaman

Sungnyung

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Sungnyung
Pangalang Koreano
Hangul숭늉
Binagong Romanisasyonsungnyung
McCune–Reischauersungnyung

Ang sungnyung ay isang tradisyunal na Korea na inumin na ginawa mula sa pinakuluang sunog na kanin.

Gawa sa nurungji , o tutong na kanin na nagkakaroon sa ilalim ng isang palayok pagkatapos ng pagluto ng bigas, ang inuming ito.[1] Ibinubuhos ang kumukulong tubig sa kayumangging tutong na ito sa isang palayok, at hinahayaan itong kumulo hanggang natamo na ng tubig ang sapat na lasa ng tutong.

Tradisyonal na niluluto ang kanin sa Korea gamit ng isang tradisyonal na kaserola (na gawa sa mabigat na bakal, tulad ng hurnong Olandes), hanggang sa makulo ang lahat ng tubig at may maiiwang tutong sa ilalim ng kaserola. Iniiwasan nito ang pagkasayang ng kaning niluto, at mas pinapadali ang paglilinis ng kaserola. Dahil ginagawa ang sungnyung pagkatapos isinaing ang kanin, karaniwa'y iniinom ito pagkatapos kumain.

Sa pagdating ng mga modernong elektronikong panluto ng kanin (rice cooker), hindi na naging popular ang sungnyung dahil sa kakayahan ng mga panluto ng kanin na magluto ng kanin nang hindi nagtututong ito. Subalit, sa huling bahagi ng ika-20 siglo, ito ay nagsimulang maging tanyag muli at maraming mga elektronikong panluto ng kanin ngayon ay may kakayahan na lutuin ang sungnyung. Sa ilang mga supermarket, may pulbos na nurungji na matatagpuan, na maaaring magamit upang gumawa ng mga sungnyung sa maikling oras sa pagdagdag lamang ng kumukulong tubig .

Para sa ilang mga Koreano na hindi nagkakagutom na masyado sa umaga, iniinom ang sungnyung bilang isang regular na almusal.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://asiansupper.com/recipe/nurungji-crispy-rice-sungyung-scorched-rice-tea

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]