Super Bagyong Rosing
Matinding bagyo (JMA) | |
---|---|
Kategorya 5 (Saffir–Simpson) | |
Nabuo | Oktubre 25, 1995 |
Nalusaw | Nobyembre 7, 1995 |
Pinakamalakas na hangin | Sa loob ng 10 minuto: 215 km/h (130 mph) Sa loob ng 1 minuto: 285 km/h (180 mph) |
Pinakamababang presyur | 910 hPa (mbar); 26.87 inHg |
Namatay | 936 (kumpirmado) |
Napinsala | $634 million |
Apektado |
|
Bahagi ng Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 1995 |
Ang Super Bagyong Rosing (Pagtatalagang pandaigdig: Super Bagyong Angela) ay isang napakalakas na bagyo noong 1995 ay naitalang pinakamalakas na dumaan sa Pilipinas noong Nobyembre 1995 makalipas ang 26 taon. Si Rosing ay nagtala ng hangin na aabot sa 180 mph (290 km/h). Si Super Bagyong Rosing ay ang ikatlong bagyo sa Pilipinas noong taong 1995 sa pagitan ni Bagyong Yvette at Zack sa Karagatang Pasipiko. Ito ay umabot sa kategoryang 5.
Si Super Bagyong Rosing ay naminsala na aabot sa 9.33 bilyong piso ay isang napakabagsik na bagyong dumaan sa Pilipinas makalipas ang 2 dekada sa taong kasalukuyan at nag-iwan ng resulta sa bilang ng nasawi na aabot sa 882. Ito ay naglandfall sa mga bayan ng: Pandan, Catanduanes,Paracale, Camarines Norte, Mauban, Quezon, Muntinlupa at Balanga, Bataan.
Pagtataya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong Oktubre 25, 1995 ay namatyagan ito sa gitnang karagatan ng Pasipiko bilang Low Pressure Area, binagtas nito ang mga isla ng Marshall patungong kanluran sa kabagalan noong Oktubre 26, ito ay naging typhoon sa kategorya mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 1 ay nagtatala ng lakas na aabot sa 180 mph (290 mp/h) ayon sa JMA (Japan Meteorological Agency).
Impak, Pagreretiro
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Pagtatala
Mahigit 900 na katao ay ang binalaan sa loob ng Kalakhang Maynila. Dahil dito, tatawid ang "Super Bagyong Rosing" galing mula sa Catanduanes, Camarines Norte at Quezon ang unang tatamaan ni Rosing. Pinagbabantaan nitong unang tamaan ang Rehiyon ng Bicol, Calabarzon, Kalakhang Maynila hanggang lumabas ito sa lalawigan ng Bataan. Nagbabala rin ito ng storm surge o daluyong sa bawat barangay sa tabing dalampasigan, ngunit ito ay nagtala ng pagbaha kaya't nakapatay ito ng higit kumulang 121 na katao malapit sa Paracale, Camarines Norte.
Ang Bagyong Angela o Rosing ay maihahalintulad sa mga bagyong nagdaan ang "Super Bagyong Warling" (Tip) noong 1979 at "Super Bagyong Sening" (Joan) noong 1970. at sinundan ni "Super Bagyong Seniang" (Gay) naman noong 1992. na namataan sa karagatang pasipiko.
Sinundan: Pepang |
Kapalitan Rening |
Susunod: Sendang |