Takipsilim (nobela)
May-akda | Stephenie Meyer |
---|---|
Orihinal na pamagat | Twilight |
Tagapagsalin | Armine Rhea Mendoza |
Gumawa ng pabalat | Gail Doobinin (disenyo) Roger Hagadone (potograpo) |
Bansa | Estados Unidos |
Wika | Ingles |
Serye | Takipsilim |
Tagapaglathala | Little, Brown and Company |
Petsa ng paglathala | 5 Oktubre 2005 |
Mga pahina | 498 (matigas na pabalat) 544 (malambot na pabalat) |
ISBN | 0-316-16017-2 |
Sinundan ng | Bagong Buwan |
Ang Takipsilim (Twilight) ay isang nobelang romantiko para sa kabataang may edad na isinulat ni Stephenie Meyer, isang Amerikanang manunulat. Bilang una sa apat na aklat ng magkapangalang serye nito, kinikilala dito ang dalagang si Isabella "Bella" Swan, na lumipat mula sa Phoenix sa bayan ng Forks, Washington, at ang paglagay sa panganib ng kaniyang buhay nang umibig siya sa isang bampira, si Edward Cullen. Sinundan ito ng mga aklat na Bagong Buwan ("New Moon"), Eclipse ("Eklipse") at Breaking Dawn ("Bukang Liwayway").
Unang inilabas sa wikang Ingles noong 2005, agarang naging mabenta ang Takipsilim: lumabas ito bilang ikalima sa tala ng mga pinakamabentang aklat ng The New York Times sa loob ng isang buwan makatapos ito inilabas, at umabot rin ito ng unang puwesto pagkatapos iyon. Isinalin ang aklat sa 37 wika,[1] kasama ang isang bersiyon sa Filipino (Taglish) na isinalin ni Armine Rhea Mendoza at inilimbag ng Precious Pages Corporation (sa ilalim ng tatak na Precious Hearts Romances) noong Mayo 2012.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Kenneth Turan (2002-11-21). "Movie Review: 'Twilight'". Los Angeles Times. Nakuha noong 2008-11-21.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Panitikan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.