Talahulugan kaugnay sa pandemyang COVID-19
Ang sumusunod ay talahulugan ng mga salitang ginagamit tungkol sa pandemya ng COVID-19. Naglalaman ito ng mga terminolohiya sa Ingles at Tagalog (karamihan ay salin) at mga kahulugan na nauugnay sa COVID-19 sa Pilipinas at ilang mga sektor nito sa medisina at kalusugan. Ang pandemya ay nakalikha ng maraming mga salita at terminong nauugnay sa sakit at sa komunikasyon.[1][2][3][4][5][6][7][8]
Airborne
[baguhin | baguhin ang wikitext]Katangian ng isang sakit o birus na nadadala o natatangay ng hangin.
Airborne disease
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sakit na lumalaganap kapag ang taong may impeksiyon ay umubo, bumahing, o nagsalita at ang maliliit na patak ng likido na lumalabas sa kaniyang ilong o bibig ay natatangay ng hangin at maaaring malanghap ng iba o manatili sa mga bagay na kinatalsikan nito. Halimbawa ang mga sakit na dala ng hangin ay ang trangkaso, bulutong, beke, tigdas, at tuberkulosis, Samantala, wala pang patunay na ang COVID-19 ay isang sakit na airborne o dala ng hagin.
Alert System (Sistemang Hudyat sa pagtugon)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Alert System (Sistema ng Hudyat sa Pagtugon) ay ang impormasyon na nagpapakita ng iba't ibang antas ng hudyat sa pagtugon ng Department of Health (DOH) sa COVID-19. Dito nila ibabatay ang magiging pagtugon ng mga awtoridad sa kaso ng COVID-19. Tingnan din ang Code White Alert, Code Blue Alert, Code Red Alert.
Alkohol (Alcohol)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Likidong kemikal na ginagamit pampuksa sa mga mikrobyo, maaaring ito ay ethyl o isopropyl, ngunit yaong may konsentrasyong 70% lamang ang epektibong antiseptiko o panlaban sa impeksiyon.
Antibiyotiko (Antibiotic)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mesidina na pumipigil sa pagdami ng o pumupuksa sa mikroorganismong nagdudulot ng impeksiyon. Mahigpit na paalala ng DOH at WHO na huwag iinom ng anumang antibiyotiko para sa sintomas ng COVID-19 dahil wala pang natutuklasan anumang gamot para dito,
Antiseptiko (Antiseptic)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Substance, tulad ng alkohol, na pumupuksa sa mga mikroorganismong nagdudulot ng sakit. Ginagamit ito sa balat.
Asintomatiko (Asymptomatic)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Walang nakikita o napapansing anumang sintomas ng sakit. May sakit man o wala, maaari itong gamitin. Tingnan din ang presintomatiko.
Bureau of Quarantine (Kawanihan ng Kuwarantena)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ahensiya ng pamahalaan na nasa ilalim ng pamamahala ng Kagawaran ng Kaulusgan na may tungkuling magsubaybay sa lagay ng kalusugan sa loob at labas ng bansa upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit.
Carrier (Tagapagdala)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taong may impeksiyon ngunit asintomatiko o walang ipinapakitang sintomas, at maaaring makahawa sa iba.
Case (Kaso)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taong may karamdaman ng Covid-19 na kailangang bigyan ng solusyon o lunas.
Itinuturing na isang case o kaso ng Covid-19 ang isang indibiduwal kung:
- nagpapakita ito ng mga sintomas na kaakibat ng Covid-19, na tinatawag na probable case
- nakumpirmang may sakit ng SARS-CoV-2 sa laboratoryo at may kaukulang mga dokumento, na tinatawag na confirmed case
- nakumpirmang muli na may sakit ng Covid-19 o ibang uri naman ng sakit (variant), na tinatawag na confirmed case of reinfection
Code Blue Alert
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sistemang hudyat sa pagtugon ng Department of Health (DOH) na nangangahulugang may natukoy nang imported o nakapasok na kaso ng impeksiyon sa loob ng bansa o pagkakaroon ng sakit ng isang taong nagmula sa ibang bansa at natukoy na positibo habang nasa loob ng Pilipinas.
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code Blue Alert nang makumpirma ang pinakaunang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas nang magpositibo ang isang lalaking Tsino mula sa Wuhan, Tsina, na agad ding namatay dahil sa malubhang pulmonya.
Tugon ng awtoridad:
- Patuloy ang pagsasagawa ng awtoridad sa pag-monitor ng mga kumpirmadong kaso sa ibang bansa.
- Pagbabantay sa mga paliparan o pantalan na nagiging pasukan (point of entry) ng mga taong mula sa ibang bansa.
- Paghihigpit sa pagpapasagot sa Health Declaration Checklist ng Bureau of Quarantine (Kawanihan ng Kuwarantena) sa mga taong pumapasok sa bansa.
- Magsisimula nang bumuo ang pamahalaan ng inter-agency task force sa paglaganap ng nakahahawang sakit at makabuo ng tiyak na patnubay para sa pagsubaybay sa COVID-19.
- Inaasahang may naihanda nang pasilidad sa pagsusuri sa mga sospetsang kaso ng COVID-19.
- Inaasahang kompleto na ang imbentaryo, paghahanap at pagbili (procurement) ng mga kailangang kasangkapang pamproteksiyon at mga suplay, at distribusyon nito sa mga awtoridad na tumutugon sa COVID-19.
- Pagpapataw ng restriksiyon sa paglabas-pasok sa bansa (travel restiction).
- Pagsasagawa ng kuwarantena (quarantine) at pagbubukod (isolation) sa mga pasyente. Pagpapaiwas sa mga mamamayan sa pagpunta sa mga matataong lugar.
Code Red Alert
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sistemang hudyat sa pagtugon ng Department of Health (DOH) na nangangahulugang may natukoy nang lokal na transmisyon ng sakit o tiong nagpositibo sa sakit na COVID-19 kahit hindi lumabas ng bansa, at naging patuloy ang mabilis na tao-sa-tdong paglaganap ng sakit.
Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Code Red Alert nang makumpirma ang pinakaunang kaso ng lokal na transmisyon ng COVID-19 sa Filipinas at naging dahilan din ng pagdedeklara ng pamahalaan ng isang Public Health Emergency (PHE).
Tugon ng awtoridad:
- Mas marami nang ahensiya ng gobyerno ang kasangkot sa pagtugon tulad ng mga Local Government Unit (LGU), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Transportation (DOT), na magiging katuwang ng DOH.
- Magsisimula na ang pagtunton sa mga nakasalamuha (contact tracing) ng tiong nagpositibo sa COVID-19.
- Priyoridad na masuri at mabigyan ng atensiyong medikal ang mga bulnerable o mga taong mahihina ang katawan, gayundin ang mga madaling mahawahan tulad ng matatanda at yaong may nauna nang ibang sakit (high-risk).
- Magiging malawakan din ang diseminasyon ng kaalaman upang pawiin ang takot, pagkabahala, at pagkabalisa ng publiko.
Code White Alert
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sistemang Hudyat sa Pagtugon ng Department of Health (DOH) na nangangahulugang may natukoy nang kaso ng impeksiyon sa labas ng bansa.
Nang mabalitaan ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19 sa China, Hongkong, Italia, America, Singapore, at iba pang bansa sa Asia at Europa, itinaas ng Filipinas ang Code White Alert.
Tugon ng awtoridad:
- Ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang mga embahada ay magsisimula nang makipag-ugnay sa pamahalaan ng ibang bansa, magmonitor ng mga kumpirmadong kaso sa ibang bansa, magbantay sa mga paliparan o pantalan na nagiging pésiikan (point of entry) ng mga taong mula sa ibang bansa, maghihigpit sa pagpapasagot sa Health Declaration Checklist ng Bureau of Quarantine (Kawanihan ng Kuwarantena).
- Pagbuo ng technical working group (TWG) na magtatalakayan sa magiging hakbang sa pagtugon.
- Paghahanda ng lahat ng kinakailangang kagamitang pamproteksiyon (personal protective equipment).
- Pagsasapanahon (updating) ng mga protokol mula sa dating karanasan sa pagharap sa katulad na sakit.
Community Quarantine
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagbabawal sa pagpasok-paglabas ng simumang naninirahan sa isang pook na may pagkalat (outbreak), maliban kung kailangang pumasok sa trabaho, bumili o kumuha ng batayang pangangailangan tulad ng pagkain at tubig, at iba pang katulad; at pagtatalaga ng mga unipormadong personel at mga opisyal na magsasagawa ng kuwarantena sa mga hanggahan ng lugar. Tinatawag itong "general community quarantine" (pangkalahatang kuwarantenang pangkomunidad).
Mula 15 Marso 2020, ipatutupad ang kuwarantenang pangkomunidad (community quarantine) sa buong Kalakhang Maynila na ayon sa pamahalaan ay isang hakbang upang mapigilan ang paglaganap ng COVID-19 sa ibang lugar sa Pilipinas. Pangungunahan ito ng mga Local Government Unit (LGU), Department of Health (DOH), at ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Pinalawig pa ang kuwarantenang pangkomunidad sa pamamagitan ng suspensiyon ng eskuwela, pagsasara ng mga mall, pagpapatupad ng paghahalinhinan ng mga kawani sa bawat opisina, limitasyon sa biyahe ng pampublikong transportasyon tulad ng LRT at MRT, at kanselasyon ng mga biyahe sa eroplano sa mga bansang may naiulat na kaso ng COVID-19, gayundin ang mga biyaheng mulang Maynila patungo sa ibang lugar sa Pilipinas. Tinatawag itong Enhanced Community Quarantine (Pinalawig na Kuwarantenang Pangkomunidad).
Community spread
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paglaganap ng isang sakit sa isang komunidad tulad ng baranggay, at walang nakatitiyak kung paano nahawa sa iba ang taong nagkasakit o kung saan niya ito eksaktong nakuha. May ilang kaso ng coronavirus na natutukoy agad ang pinanggalingan, halimbawa, ang nakasalamuhang tao o lugar na pinuntahan ng taong nagkasakit, ngunit hindi ang COVID-19 na sinasabing nagkaroon na ng paglaganap sa komunidad (community spread).
Comorbid
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakaroon ng sakit ng isang taong may iba pang uri ng sakit. Halimbawa, isang taong may Pulmonya ay nahawaan ng Covid-19 kung saan dalawang magkaibang sakit ang taglay niya sa iisang panahon.
Contact Tracing (Pagtunton sa nakasalamuha)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagtukoy at pagsubaybay sa kondisyon ng mga taong posibleng nakasalamuha ng taong may nakahahawang sakit tulad ng COVID-19.
Coronavirus (CoV)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus na nagdudulot ng sakit mula karaniwang sipon hanggang higit na malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS CoV), Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS CoV), at ngayon, ang COVID-19. Naisasalin ito sa mga hayop at sa mga tao. Gamitin ang coronavirus, itinuturing na siyentipikong termino sa larang ng medisina, sa halip na korona bayrus o korona. Mula ang termino sa wikang Latin na nangangahulugang korona na isinusuot sa ulo o bilog na liwanag na anyong singsing. Sa kontekstong Filipino, korona rin ang tawag sa bulaklak sa patay, bukod sa tunay na kahulugan nitong putong na maraming adorno at karaniwang may hiyas. Karaniwang sintomas ng COVID-19 ang lagnat, pagkaramdam ng matinding pdagod, tuyéng ubo, pasinghap o kapés na paghinga. May ilang pasyente ring maaaring makaranas ng pananakit ng kasukasuan, baradong ilong, tumutulong sipon, maga at masakit na lalamunan, o pagtatae. Kung lumala, maaaring magdulot ng pulmonya (pneumonia), severe acute respiratoty syndrome (SARS), paghina ng bato (kidney), at pagkamatay.
Isang pagpapaikli ng sakit na tinatawag na "coronavirus disease 2019" (naunang nakilala bilang "2019 novel coronavirus"). Isang bagong birus na mula sa pamilya ng coronavirus (CoV), ang SARS-CoV-2, ang nagdulot ng sakit. Ito ay unang natukoy sa Wuhan, Probinsya ng Hubei, Tsina, na lumaganap sa mga tao mula noong Disyembre 2019. Ayon sa ilang pananaliksik ng mga siyentistang Tsino, hinihinalang ito ay naipasa sa mga tao dahil sa pagkain ng pangolin (ant eater), ngunit kailangan pa ng malalimang pag-aaral upang ito ay makumpirma.
Gamitin ang COVID-19 upang tukuyin ang bagong sakit mula sa pamilyang coronavirus sa halip na corona, nCoV, o CoV, dahil ito na ang opisyal na pangalan ng sakit na ito na gamit ng World Health Organization (WHO).
Ang pagsisikap na tuklasin ang pinagmulan ng virus, tulad ng COVID-19, ay upang maiwasan ang lalo pang paglaganap nito. Ang hinalang mula sa hayop ang patohené (pathogen) ng sakit na ito ay mula sa kasaysayan din ng pinagmulan ng ibang coronavirus tulad ng SARS-CoV na mula sa paniki at naipdsa sa tao sa pamamagitan ng miisang (civet cat) at ng MERS-CoV na naipasa sa tao dahil sa kontak sa kamelyo (camel).
Department of Health
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang ahensiya sa pamamahala ng sangay ehekutibo ng Pilipinas na may pangunahing tungkuling magkaloob ng serbisyo sa batayang kalusugan ng publiko (basic public health services) ng mga Filipino sa pamamagitan ng paglikha ng mga probisyon sa de-kalidad na pangangalagang pangkalusugan at regulasyon ng lahat ng serbisyo at produktong pangkalusugan. Kilala rin sa tawag na Kagawaran ng Kalusugan. Alinman sa dalawa ay maaaring gamitin. Ang Department of Health ay kasalukuyang pinamumunuan ni Dr. Francisco Duque, bilang kalihim. Samantala, si Dr. Maria Rosario S. Vergeire na madalas na naririnig na nagpapaliwanag hinggil sa COVID-19 at katuwang ni Kalihim Duque, ay ang kasalukuyang Katuwang na Kalihim Pangkalusugan ng Pangkat na namamahala sa mga Serbisyong Pangkalusugan ng Publiko (Public Health Services Team).
Disinfectant (Pamatay-bakterya)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Likidong kemikal na pumupuksa sa bakterya tulad ng lisol. Hindi ginagamit sa balat kundi sa mga bagay o di-buhay na rabaw (surface) lamang.
Dose
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dami o kantidad ng gamot na kinakailangan ng pasyente upang mapuksa o mabawasan ang epekto ng sakit o karamdamang nararanasan. Kalimitang ginagamit na termino para sa pagpapabakuna at pagpapagamot ng mga taong may sakit na Covid-19.
Droplet (Patak)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Patak na tumatalsik mula sa bibig o ilong (laway, hininga, uhog o sipon) kapag umubo o bumahing, nagsalita, o kahit sa paghinga, at naiiwan sa mga bagay o lugar na tinalsikan nito. Ito ang sinasabing pinakapangunahing dahilan ng pagkalat ng COVID-19, dahil sa hindi nakikitang mga patak na nahahawakan at pagkaraa'y hindi namamalayang idadampi ang kamay sa mata, ilong, o bibig.
Efficacy (Bisa)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Efficacy Rate (Taas ng bisa)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Epidemya (Epidemic)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Halos katulad ng "outbreak" ngunit mas malawakan ang naging paglaganap ng sakit sa isang komunidad sa loob ng isang panahon. Mas maliit ang sakop nito kaysa sa pandemya (pandemic). Dahil sa napakabilis at malawakang paglaganap ng COVID-19 sa buong China, agad itong itinuring na epidemya.
Exposure (Pagkalantad/Eksposyur)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagkakalantad sa taong may sakit. Itinuturing na PUM (Person under monitoring) ang isang taong nalantad sa pasyenteng kumpirmadong may COVID-19.
Face Mask
[baguhin | baguhin ang wikitext]Anumang pantakip sa ilong na gawa sa tela o gasa (gauze) na kayang tumakip sa ilong at bibig upang magbigay ng proteksiyon sa alikabok o usok: o kaya'y gawa sa esterilisadong gasa at isinusuot upang maiwasan ang pagkakaroon ng impeksiyon ng sinumang nagsusuot (tulad ng isinusuot ng mga nasa ospital. pasyente man o naglilingkod sa ospital). Upang mas espesipiko, tinatawag na "surgical face mask" ang ikalawa.
Sa kaso ng COVID-19, ang surgical face mask ang higit na magbibigay ng proteksiyon upang maiwasan ang pagkahawa sa sakit o pagkakalat ng sakit kaysa face mask na gawa sa ordinaryong tela.
Tingnan ang N95-respirator.
Panangga ng mga dumi at iba pang mga lumilipad na maliliit na bagay tulad ng usok at alikabok. Maari itong gawa sa plastik at inilalagay sa harapan ng mukha upang makaiwas sa pagdapo sa balat ng tao ng mga nakakahawang sakit at birus.
Gen-Amplify Coronavirus Kit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lokal na kit para sa deteksiyon ng COVID-19 na dinevelop ng pangkat ng mga siyentistang pinamunuan ni Dr. Raul Destura na mula sa UP Philippine Genome Center (PGC) at National Institutes of Health ng Unibersidad ng Pilipinas Maynila.
Genome
[baguhin | baguhin ang wikitext]Genome Sequencing
[baguhin | baguhin ang wikitext]Handwashing (Paghuhugas ng kamay)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan ang paghuhugas ng kamay.
Health Declaration Checklist (HDC)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pormularyong pinasasagutan ng Bureau of Quarantine (BoQ) sa mga kararating na biyaherong lumalapagpag sa paliparan. Naglalaman ito ng personal na impormasyon at detalye ng naging biyahe sa loob ng huling 30 araw.
Herd Immunity
[baguhin | baguhin ang wikitext]Lupon ng mga taong may sapat na kakayahang labanan ang sakit na kadalasang nabakunahan na o malakas ang resistensya ng katawan.
High-risk (Pinakananganganib)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga taong may mas mataas na posibilidad ng pagkakasakit o mahawahan ng sakit. Sa ngayon, inaalam pa ng mga siyentista ang epekto ng COVID-19 sa mga tao ngunit batay sa mga datos na lumilitaw sa komparasyon ng iba-ibang kaso ng mga pasyenteng may COVID-19, pinakananganganib na dapuan nito ang matatanda at mga taong may nauna nang ibang sakit tulad ng alta-presyon (high blood pressure), diyabetes, sakit sa puso, sakit sa baga, o kanser.
Hoarding (Pag-iimbak)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Labis na pag-iimbak o pagtitinggal ng mga kayamanan o kagamitan. Pag-iipon at pag-iimbak ng mga bagay para sa gamit sa hinaharap, halimbawa tulad ng pagkain, sa oras ng kakulangan sa suplay.
Depensa ng katawan laban sa sakit tulad ng impeksiyon, pinupuksa nito ang mga mikrobyong pumapasok sa katawan at tumutulong na mapanatili ang malusog na pangangatawan. Bukod sa pagpapanatili ng kalinisan, isang pinakamabisang panlaban sa COVID-19 ang malakas na immune system na matatamo sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tulog, pag-inom ng maraming tubig, pagkain ng masusustansiyang pagkain, at pag-eehersisyo.
Impeksiyon (Infection)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagpasok sa katawan ng alinman sa mikro-organismong tulad ng bakterya, virus, mikrobyo, at iba pa na nagdudulot ng sakit.
Incubation period (Yugto ng ingkubasyon)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panahon mula sa pagpasok ng birus sa katawan hanggang sa pagsisimula ng pagkalantad ng mga sintomas nito. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang yugto ng ingkubasyon ng COVID-19 ay 1 araw hanggang 14 na araw, ngunit karamihan ay nakikitahan na ng sintomas pagkaraan ng limang (5) araw. Sa ilang pagkakataon, tinatagalan pa ito hanggang 20 araw upang maiwasan at masiguro na wala talagang sakit.
Isolation (Pagbubukod)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Paghiwalay sa taong may sakit sa mga taong walang sakit upang mapigilan ang paglaganap ng sakit. Protokol sa mga ospital na ibukod sa ibang pasilidad ang mga pasyenteng may nakahahawang sakit tulad ng COVID-19 sa ibang pasyente.
Lisol
[baguhin | baguhin ang wikitext]halo ng cresol (uri ng kemikal) at sabon at ginagamit na pang-alis ng mikrobyo.
Local Transmission (Paghahawang Lokal)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nagaganap na paghahawa ng sakit sa loob o kalapit na komunidad.
Lockdown
[baguhin | baguhin ang wikitext]Karaniwang ipinapataw ng awtoridad sa isang pook o rehiyon. Isang striktong protokol na nagbabawal sa mga tao na umalis sa isang lugar.
Mortality
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mortality Rate (Antas ng Pagkakamatay)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Bilang ng namamatay sa isang partikular na lugar sa isang partikular na panahon, at sinusukat sa pamamagitan ng paghahati ng kabuuang bilang ng namatay sa bilang ng maysakit.
N95-Respirator
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pantakip sa ilong upang magbigay ng higit na proteksiyon laban sa sakit sa baga o pulmon dahil ginawa itong mas sukat at lapat sa kurba ng ilong at mukha kaya mas mataas ang kakayahan nitong sumala ng maliliit na partikulo sa hangin, gayundin, mas tiyak na hindi makalalanghap ng mikrobyo. Bukod sa surgical face mask, inrekomenda rin ng Department of Health (DOH) ang pagsusuot ng N95-respirator lalo na yaong nagtatrabaho sa mga ospital.
Novel
[baguhin | baguhin ang wikitext]Nangangahulugang bago at walang katulad. Mula sa Latin na novellus o novus. Nang biglang kumalat ang isang bagong sakit na nagdudulot ng lagnat at malubhang ubo, tinawag itong novel coronavirus bago naging COVID-19 upang maiba sa SARS at MERS na may parehong sintomas. Ang salitang ito ay inaprubahan ng WHO noong 2015 bilang paunang pantawag sa mga bagong sakit na nakikita bago ito pormal na pangalanan.
Novel Coronavirus (nCoV)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Dating katawagan sa COVID-19 na binago ng WHO noong kahulihan ng taong 2020. Dati rin itong ginagamit bilang pantukoy sa mga sakit bago ang paglaganap ng Covid-19 tulad ng Middle East respiratory syndrome–related coronavirus (MERS-CoV) at Human coronavirus HKU1 (HCoV-HKU1).
Outbreak (Paglaganap)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Biglang paglaganap ng sakit sa maraming tao. Unang naitala ang paglaganap ng sakit na COVID-19 (outbreak) noong Disyembre 2019 sa Wuhan, Tsina. Tingnan ang epidemya at pandemya.
Paghuhugas ng kamay (Hand-washing)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pandemya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panic buying
[baguhin | baguhin ang wikitext]Panlipunang pagdidistansiya (Social Distancing)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Tingnan ang Social Distancing.
Pathogen
[baguhin | baguhin ang wikitext]Person Under Investigation (PUI)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Person-to-person/human-to-human (Tao-sa-tao)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Personal Protective Equipment (PPE)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Philippine Genome Center (PGC)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Presintomatiko (Pre-symptomatic)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Public Health Emergency (PHE)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Publiko (Public)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga taumbayan na maaaring maapektuhan ng sakit. May ilang mga tao mula sa populasyon na maituturing bilang kabilang sa vulnerable population, mga indibiduwal na madaling tamaan ng sakit. Bilang pantugon dito, kailangang maagapan ang pagkabuo ng herd immunity, pangkat ng mga taong nabakunahan o may malakas na resistensiya upang labanan ang sakit.
Quarantine (Kuwarantena/Kuwarantin)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagbabawal sa mga taong walang sakit na umalis sa isang lugar sa loob ng isang tiyak na panahon, upang maobserbahan ang posibilidad na nahawahan sila dahil sa kanilang pagkakalantad sa isa o ilang mga taong may nakahahawang sakit. Isang paraan ito ng pagpigil sa pagkalat ng sakit. Itinatakda ang tagal ng kuwarantena ng mga dalubhasa sa nakahahawang sakit depende sa katangian ng sakit, at sa kaso ng epidemya o pandemya, maaaring ipataw ito ng pamahalaan sa mga mamamayan nito. Halimbawa nito ang pagsasailalim sa ilang buwan na kuwarantena ng lahat ng mga sakay ng barkong Diamond Princess na dumaong sa Hapon noong unang bahagi ng 2020 at ang mandatoryong pagsasailalim ng mga OFW sa kuwarentena sa loob ng 2-3 linggo tuwing dumarating sa Pilipinas. Tingnan din ang pagbubukod (isolation), awtokuwarantena (self-quarantine), at kuwarantenang pangkomunidad (community quarantine).
Quarantine Facility (Pasilidad ng Kuwarantena/Kuwarantin)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang pook kung saan mananatili ang mga taong napagalamang nakisalamuha o nakapitan ng sakit. Ang mga ito ay sarado at ipinagbabawal ang mga pisikal na pagbisita at pakikisalamuha sa publiko. Layunin nitong bawasan ang dami ng mga nagkakahawaan at ang mabilisang pagkalat ng sakit. Ang mga lugar na kadalasang ginagamit bilang pasilidad ay mga ospital, paaralan, bahay, estadyo, arena, at iba pa. Kadalasan ang Department of Health (DOH) ay nagtatalaga sa mga batayan ng lugar at kung gaano katagal mananatili ang isang indibidwal sa pasilidad. Matapos makakuha ng kumpirmasyon na hindi positibo ang isang indibidwal sa Covid-19 mula sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), maaari siyang makaalis. Kadalasang nanatili ang tao sa pasibilidad nang 14 araw bago makaalis.
Research Institute for Tropical Medicine (RITM)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sangay ito ng Department of Health (DOH) na may pangunahing tungkuling kaugnay ng pagpaplano at pagpapatupad ng mga programang saliksik para sa mga nakahahawa at tropikong sakit. Itinatag ito noong 25 Marso 2001 sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 674. Ginagamit ang terminong 'Research Institute for Tropical Medicine' (RITM) dahil ito ang mas kilalang pangalan. Sa Filipino, maaaring gamitin ang 'Linangan ng Saliksik para sa Tropikong Medisina'. Ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay ang tanging ahensiya na nangangasiwa sa pagsasagawa ng mga pagsusuri at pagbibigay ng kumpirmasyon kung ang isang pasyente ay positibo sa COVID-19.
Sanitizer (Panlinis)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Likido (tulad ng hand sanitizer) o makina na ginagamit na panlinis nang mapuksa ang bakteryang nagdudulot ng sakit.
Self-Quarantine (Awtokuwarantena)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang uri ng paraang kuwarantena na ipinapagawa sa mga taong naglakbay mula sa isang lugar na napabalitang may nakahahawang sakit tulad ng COVID-19. Sa Pilipinas, kabilang sa mga restriksiyon sa loob ng 14 na araw ang sumusunod: paglabas sa kuwarto o bahay, pagdalo sa mga publikong pagtitipon at okasyon tulad ng misa, pisikal na kontak sa mga tao, at paggamit ng mga kasangkapang gamit ng iba. Tingnan din ang community quarantine (paglaganap sa komunidad).
Sequencing & Analysis
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Genome Sequencing & Analysis ay isang paraan upang masuri kung ang isang tao ay positibo o negatibo sa sakit ng Covid-19. Nakikita ito sa pamamagitan ng maigting na pagsusuri sa DNA ng likido mula sa lalamunan o ilong ng tao. Matapos makuha ang sample, inilalapat ito sa isang makinang nagtitingin at nagpapabago sa DNA sequence upang makita kung may pinagkaiba ba ito mula sa orihinal na pagkakaayos ng iba pang bahagi ng sequence. Ginagamit din ito bilang patunay at paraan ng paghahanap ng iba pang baryant ng Covid-19.
Sintomas (Symptoms)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga katangian at pahiwatig ng isang sakit na nakikita sa isang pasyente.
Mga kapansin-pansing mga sintomas ng COVID-19:
- lagnat
- pagkaramdam ng matinding pagod
- tuyong ubo
- pasinghap o kapos na paghinga.
- pananakit ng kasukasuan, baradong ilong, tumutulong sipon, maga at masakit na lalamunan, o pagtatae (sa ilang pasyente).
Sintomatiko (Symptomatic)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ito ang yugto ng sakit na mayroon nang sintomas na nakikita sa taong nagtataglay ng isang partikular na sakit. Ayon sa World Health Organization (WHO), sintomatiko ang isang pasyenteng hinihinalang may COVID-19 kung siya ay may lagnat, nakararamdam ng matinding pagod, may tuyong ubo, at pasinghap o kapos ang paghinga. May ilang pasyente ring nakararanas ng pananakit ng kasukasuan, baradong ilong, tumutulong sipon, pamamaga at pananakit ng lalamunan, o nagtatae. Tingnan din ang presintomatiko (pre-symptomatic) at asintomatiko (asymptomatic).
Ang social distancing ay ang pagpapanatili ng tiyak na distansiya sa isa't isa. Sa larangan ng pampublikong kalusugan, isa ito sa natukoy na paraan ng pag-iwas sa paglaganap ng isang nakahahawang sakit na wala pang natutuklasang lunas tulad ng COVID-19. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpapanatili ng tiyak na distansiya ng mga tao sa isa't isa. Halimbawa, isang metrong layo o kapares ng sukat ng bisig ng isang tao (mula sa kamay hanggang sa hugpungan ng balikat), na rekomendasyon ng Department of Health (DOH). Saklaw din ng social distancing ang mga ipinagbabawal na gawain tulad ng beso, pagkakamayan, yakap, pista, at pagdalo sa mga malaking pagtitipon. Bukod dito, maaaring isagawa rin ito sa pamamagitan ng pagbubukod (isolation) o kuwarantena (quarantine).
Swab test
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsusuri ng mga indibidwal upang makita kung positibo o negatibo sa mga sakit tulad ng Covid-19. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagpasok at pagpahid ng swab sa loob ng bibig, lalamunan, o ilong ng tao at saka inilalagay sa isang aparatong nagsusuri sa mga komposisyon nito. Karaniwang gawa ito sa koton, polyester, o nylon upang kapitan kaagad ang laway at iba pang likido ng tao.
Task Force
[baguhin | baguhin ang wikitext]Yunit o pangkat ng mga opisyal o tauhan na gumagabay sa ibang mga tao na sumunod sa mga alituntunin na ibinigay ng pamahalaan o ng lokal na pamahalaan (LGU) upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit. Sila rin ang tumutulong sa mga gawaing pangkalusugan tulad ng pagpapabakuna at panghihikayat sa publiko na magpabakuna laban sa Covid-19. Tingnan din ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF).
Temperature check/scan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagsusuri sa temperatura ng tao upang makita ang mga sintomas ng sakit. Ginagamitan ito ng temperature scanner na hugis baril na tinututok sa noo upang makuha ang temperatura o init ng tao. Kapag mataas ang temperatura at hindi normal, isinasailalim ang tao sa kuwarentena.
Test kit
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kasangkapang ginagamit sa pagsusuri ng kondisyong pangkalusugan.
Ang virus o birus ay napakaliit na nakakahawang ahente o mikrobiyo na maaaring dumami sa selyula (cell) ng buhay na hayop, halaman, o bakterya. Ang virus na nagdudulot ng sakit ng Covid-19 ay ang SARS-CoV-2.
Work from home (trabaho sa bahay)
[baguhin | baguhin ang wikitext]Konsepto at espesyal na kasunduan sa pagitan ng empleo kung saan ang isang indibidwal ay maaaring gumawa ng mga gawain at trabaho sa bahay nang hindi na lumalabas upang hindi na rin makakahawa o makakapitan ng sakit. Nakabatay ang mga gawaing ito sa mga nagkasunduang desisyon ng bawat panig. Dahil sa ipinatupad na kuwarantenang pangkomunidad upang mapigil ang paglaganap ng COVID-19, iminungkahi ang work-from-home ng mga empleado, sa pribado man o sa gobyerno.
Isang katuwang ng mga Nagkakaisang Bansa (United Nations) upang mamahala at manguna sa mga aspeto ng pandaigdigang kalusugan.
Isang software na ginagamit sa komunikasyon online. Sumikat ito noong pandemya ng Covid-19 bilang isang alternatibo sa pakikisalamuha sa ibang mga katrabaho at kasosyo.
Zoom bombing
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pagpasok sa pagpupulong ng Zoom (Zoom meeting) nang walang pahintulot sa mga gumagamit na maaaring maging distorbo para sa iba.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ https://philippineculturaleducation.com.ph/terminolohiya-kaugnay-ng-covid19/
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-04-04. Nakuha noong 2021-02-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ https://pgc.up.edu.ph/salin-sa-filipinong-mga-terminolohiya-kaugnay-ng-covid-19/
- ↑ https://www.fda.gov/emergency-preparedness-and-response/coronavirus-disease-2019-covid-19/multilingual-covid-19-resources
- ↑ https://www.who.int/hhr/news/QA%20on%20HHR%20Tagalog.pdf
- ↑ https://www.health.gov.on.ca/en/pro/programs/publichealth/coronavirus/docs/2019_case_definition.pdf
- ↑ https://www.cbc.ca/news/health/covid19-glossary-1.5510230
- ↑ https://www.brmc.org.au/coronavirus-covid-19/translated-fact-sheets/tagalog/