Pumunta sa nilalaman

Tortang talong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Tortang talong
Taas: Tortang talong na may kalamansi;
Baba: Relyenong talong mula sa Cebu na pinalamanan ng giniling at gulay
Ibang tawagTortalong, torta talong, eggplant omelette
KursoUlam, pamutat
LugarPilipinas
Ihain nangMainit-init
Pangunahing SangkapTalong, itlog, asin
BaryasyonRelyenong talong
Mga katuladPoqui poqui

Ang tortang talong, kilala rin bilang eggplant omelette,[1] ay isang torta sa lutuing Filipino na gawa sa pagprito ng buong talong na isinawsaw sa pinaghalong itlog.[2][3] Isa itong sikat na pang-almusal at pananghalian sa Pilipinas. Isang karaniwang baryante ng tortang talong ang relyenong talong, na pinalamanan ng karne, lamang dagat, at/o mga gulay. Minsan pinapaikli ang pangalan sa tortalong.[4]

Sa saligang resipi ng tortang talong, iniihaw ang buong talong hanggang sa malambot ang laman at mukhang sunog at halos itim na ang balat. Maaari itong gawin sa parilya, baking pan, o sa ibabaw ng direktang apoy habang nakabalot ang talong sa palara (maaaring sa ibabaw ng gasera). Itong pag-iihaw ang nagbibigay ng lasang usok sa talong. Pagkatapos, binabalatan ang talong, ngunit iniiwan ang tangkay. Minamasa ang laman gamit ang tinidor at isinasawsaw ito sa timpla ng binating itlog na nirekaduhan ng asin at mga espesya ayon sa kagustuhan. Piniprito ang talong hanggang sa ginintuang kayumanggi at malutong ang balat, habang malambot at makrema pa rin ang loob.[5][6][7][8]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. McCarthy, Amy (Marso 13, 2017). "Chef Paul Qui's Forthcoming Restaurant Aqui Will (Probably) Serve Lumpia, Pancit and More" [Ang Restawran ni Kusinerong Paul Qui na Aqui na Malapit Nang Magbukas, (Marahil) Maghahain ng Lumpiya, Pansit at Iba Pa] (sa wikang Ingles). Eater Houston. Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gold, Jonathan (Oktubre 16, 2017). "Jonathan Gold can't stay away from Grand Central's Sari Sari Store" [Jonathan Gold, hindi makalayo mula sa Tindahang Sari-Sari ng Grand Central] (sa wikang Ingles). Los Angeles Times. Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Urbano, Chris. The World of Filipino Cooking [Ang Mundo ng Lutuing Pilipino] (sa wikang Ingles).
  4. Edgie Polistico (2017). Philippine Food, Cooking, & Dining Dictionary [Diksiyonaryo ng Pilipinong Pagkain, Pagluluto & Kainan] (sa wikang Ingles). Anvil Publishing. ISBN 9786214200870.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link]
  5. Heussaff, Erwan. "Tortang Talong". Tastemade (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Smallwood, April. "A Filipino's Food Pride Runs Deep" [Malalim ang Pagmamalaki ng Pagkain ng Isang Pilipino]. Munchies (sa wikang Ingles). Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Mishan, Ligaya (Disyembre 31, 2015). "At Manila Social Club in Williamsburg, Rambling Filipino Cuisine" [Sa Manila Social Club sa Williamsburg, Gumaga-galang Lutuing Pilipino]. Hungry City (sa wikang Ingles). The New York Times. Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. Stead, Brentley (Setyembre 18, 2018). "Silog as You're Here: Take Kare-Kare to make Filipino fare Pata of your life" (sa wikang Ingles). Folio Weekly Magazine. Inarkibo mula sa orihinal noong Disyembre 6, 2018. Nakuha noong Disyembre 6, 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)