Pumunta sa nilalaman

Unibersidad ng Coimbra

Mga koordinado: 40°12′27″N 8°25′35″W / 40.2074°N 8.4265°W / 40.2074; -8.4265
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ang Joanine Library
Ang Pasukan sa Palasyo

Ang Unibersidad ng Coimbra (UC; Portuges: Universidade de Coimbra, binibigkas na: [univɨɾsiˈdad(ɨ) dɨ kuˈĩbɾɐ]; Ingles: University of Coimbra) ay isang pampublikong unibersidad sa Coimbra, Portugal. Itinatag noong 1290 sa Lisbon, ito ay sumailalim sa maraming relokasyon hanggang sa ito ay permanenteng mailipat sa kasalukuyan nitong lungsod noong 1537. Isa ito sa mga pinakamatandang unibersidad na may tuloy-tuloy na operasyon sa mundo, ang pinakalumang unibersidad ng Portugal, at isa sa pinakamalaking institusyon sa mas mataas na edukasyon at pananaliksik sa bansa.[1]

Ang unibersidad ay organisado sa mga walong iba't ibang fakultad ayon sa isang malawak na hanay ng mga erya, na naggagawad ng kwalipikasyon sa sining, inhenyeriyahumanidades, matematika, likas na agham, agham panlipunan, panggagamot, isports at teknolohiya. Ito ay isa sa mga tagapagtatag ng Coimbra Group, isang grupo ng mga nangungunang unibersidad sa pananaliksik sa Europa. Ang University of Coimbra ay may higit sa 20,000 mag-aaral, at naghohost sa isa sa mga pinakamalaking komunidad ng mga internasyonal na mag-aaral sa Portugal, maaring ang pinakakosmopolitanong pamantasang Portuges.[2]

Noong 22 Hunyo 2013, UNESCO idinagdag ang unibersidad sa listagan ng Pandaigdigang Pamanang Pook.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "UNIVERSITY OF COIMBRA". topuniversities. Nakuha noong 21 Agosto 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "International Students and Researchers". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2023-05-06. Nakuha noong 2017-05-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. World Heritage Centre

40°12′27″N 8°25′35″W / 40.2074°N 8.4265°W / 40.2074; -8.4265 Edukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.