Pumunta sa nilalaman

Usapang tagagamit:Darwgon0801

Page contents not supported in other languages.
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Mabuhay!

Magandang araw, Darwgon0801, at maligayang pagdating sa Wikipedia! Salamat sa iyong mga ambag. Sana ay magustuhan mo at manatili ka sa websayt na ito. Ito ay isang talaan ng mga pahina na sa tingin ko ay makatutulong sa iyo:

Sana ay malibang ka sa pagbabago ng mga artikulo at pagiging isang Wikipedista! Maaari ninyo pong ilagda ang inyong pangalan sa pamamagitan ng paglalagay ng apat na tildes (~~~~); ito ay automatikong maglalagay ng pangalan at petsa. Kung kailangan mo ng tulong, maaari kang pumunta sa Wikipedia:Konsultasyon, tanungin mo ako sa aking pahinang pang-usapan, o ilagay ang {{saklolo}} sa iyong pahinang pang-usapan at isang Wikipedista ang madaling lalabas upang sagutin ang iyong mga tanong. Huwag rin ninyo pong makalimutang lumagda sa ating talaang pampanauhin (guestbook). Muli, mabuhay!


Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embajada · Embassy · 大使館


--Sky Harbor (usapan) 11:02, 1 Pebrero 2016 (UTC)[tugon]

Inaayos ko lang

[baguhin ang wikitext]

Inayos ko ang mga ispeling ng mga salita sa Krisis sa Marawi at nilalagyan ng tuldik pero binalik mo lang ito nang may pagmamatigas ng ulo. Hindi malakas na patinig ang O at I kung magkasama kayâ hindi puwede ang "tsekpoint", "tsekpoynt" dapat o di kayâ "checkpoint" at ano ang layunin mo sa pagtatanggal ng tuldik?. MAKOMPLETO. POLITIKAL. REAKSIYON. IADRES (Walang gitling!) Leogregoryfordan (makipag-usap)

Magandang araw, Leogregoryfordan. Inalis ko ang mga tuldik dahil naniniwala akong hindi na ito kinakailangan. Alam kong pangunahing layunin mo ang maglagay ng mga tuldik sa mga artikulong nakasulat sa Tagalog upang magkaroon ng pagkakaiba sa mga magkakaparehong baybay na salita tulad ng "baka" at "pito" ngunit sa tingin ko'y hindi na nararapat na bigyan ito nang pansin. At sa pagsasaayos ng mga baybay ("Baybay" nga pala ang Tagalog ng "spelling" kung hindi mo alam), ganoon ang pagbabaybay ko sa mga salita dahil ganoon ang baybay sa pangkaraniwan. Pinaninindigan kong may gitling dapat ang "i-adres" upang maiwasan ang pagkalito ng mga mambabasa (tulad ng i-tsek, i-customize, i-demonitize, etc.). Gayon pa man, salamat sa pagbibigay oras mo sa pahinang ito - Darwgon0801 (makipag-usap) 06:25, 2 Hunyo 2017 (UTC)[tugon]

ISPELING ang ginagamit na salita ng Komisyon sa Wikang Filipino kayâ huwag mo akong mahusgahan na hindi ko alam ang "baybay" (hindi nakikita ang husay ng tao sa paggamit ng mga lumang salita). Kung sariling pananaw mo lang ang pagbabasehan mo ng sa tingin mong "tama" ay ewan ko na lang, hangga't maaari sinusunod natin anh estandardisadong baybay dahil hindi naman ito "pangkaraniwan" lang ah? Ensiklopedya ito e. Sa kabiláng dako, hindi kailangang gitlingan ang i- para sa mga salitang Filipino kayâ walang gitling ang itsek. Parang "isara", "itapon", atbp. Leogregoryfordan (makipag-usap)