Volapük
Volapük | |
---|---|
Volapük, Volapük nulik | |
Ginawa ni/ng | Johann Martin Schleyer |
Petsa | 1879–1880 |
Lugar at paggamit | Pandaigdigan: kadalasan sa Europa |
Users | 20 (2000)[1] |
Gamit | |
Latin | |
Sanggunian | bokabularyo mula sa Ingles, Aleman, at Pranses |
Opisyal na katayuan | |
Pinapamahalaan ng | Kadäm Volapüka |
Mga kodigong pangwika | |
ISO 639-1 | vo |
ISO 639-2 | vol |
ISO 639-3 | vol |
Glottolog | vola1234 Volapük |
IETF | vo-rigik (orihinal) |
Ang Volapük ( /ˈvɒləpʊk/ sa Ingles;[2] IPA: [volaˈpyk] sa Volapük) ay isang wikang artipisyal na nilikha noong 1879 at 1880 ni Johann Martin Schleyer, isang Romano Katolikong pari sa Baden, Alemanya. Kutob ni Schleyer na sinabi sa kanya ng Diyos sa isang panaginip na lumikha siya ng isang wikang internasyunal. Naganap ang mga pagpupulong para sa Volapük noong 1884 (Friedrichshafen), 1887 (Munich) at 1889 (Paris). Gumamit ng wikang Aleman ang unang dalawang pagpupulong at ikatlong pagpupulong ay Volapük lamang. Noong 1889, tinatayang mayroong 283 mga kapisanan, 25 peryodikal sa o tungkol sa Volapük, at 316 aklat-aralin sa 25 mga wika;[3] noong panahon na iyon, nagkaroon ang wika ng halos isang milyong sumusubaybay.[4] Noong huling bahagi ng ika-19 na siglo at unang bahagi ng ika-20 siglo, malawak na napalitan ang Volapük ng Esperanto.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Pük, Memory: Why I Learned a Universal Language No One Speaks" by Paul LaFarge. The Village Voice, August 2000.
- ↑ OED (sa Ingles)
- ↑ Handbook of Volapük Naka-arkibo 2016-04-23 sa Wayback Machine., Charles E. Sprague (1888) - (sa Ingles)
- ↑ A History of the English Language, 5th ed. Albert C. Baugh and Thomas Cable. Ch. I English Present and Future; Prentice Hall, Upper Saddle River (2002), (sa Ingles)
- ↑ The Loom of Language F. Bodmer and L. Hogben (eds.) Ch. XI Pioneers of Language Planning; Allen & Unwin Ltd, London (1944) - (sa Ingles)