Pumunta sa nilalaman

Wikipedia:Kapihan/Arkibo 10

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Archive Isang arkibo ang pahinang ito. Paki-usap, huwag baguhin ang nilalaman nito.. Ilagay ang mga bagong komento sa kasalukuyang pahina ng usapan.
"Ngayong namamanglaw sa pangungulila, ang ginagawa kong pang-aliw sa dusa, nagdaang panaho'y inaalaala, sa iyong larawa'y ninitang ginhawa."

-- Felipe Aira 03:20, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Mayroong bang nakakaalam sa inyo kung ano ang kahulugan ng "ninitang" o kung ano ang salitang-ugat nito? -- Felipe Aira 11:46, 4 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Depende siguro sa gamit niya sa pangungusap. Mayroon ka bang halimbawa? Sang'gre Habagat 03:13, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Mula iyan sa Florante at Laura. -- Felipe Aira 03:20, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Anong taludtod/verso? - AnakngAraw 03:24, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Nasa kanan. -- Felipe Aira 03:27, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Ang salinwika sa Ingles ay: "Gloom with remembrance of your face..." - AnakngAraw 03:33, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Heto ang buong berso sa Ingles para mas mainam ang diwa: Now that the bereavement dims my days,/ I would, their shadows to displace,/ Redeem the past in thought, chase/ Gloom with remembrance of your face- / - AnakngAraw 03:43, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
parang "nakikitang butil ng ginhawa" - AnakngAraw 03:54, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
o "may namamasid / nararamdamang (ginhawa pero) kaunti/ mapusyaw / mapanglaw (na ginhawa)" ; dim glim(mer) of hope ba - AnakngAraw 04:02, 24 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Magandang araw po sa lahat! Matanong ko lang po kung maaari po bang gamitin ang mga larawan mula sa english wikipedia?....naninigurado lang po. :D Squalluto 01:25, 10 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Kung may kopya na ang larawan sa Wikimedia Commons, hindi na kailangang i-upload dito sa Tagalog Wikipedia dahil maari nang gamitin iyon na parang naka-upload dito. Kung wala pa sa Commons, maari mong i-upload dito sa Tagalog Wikipedia kung ang license nito ay PD, GFDL, o CC at kailangang kopyahin mo nang buo ang image description nito at ang pangalan ng unang nag-upload nito sa English Wikipedia. --bluemask 04:48, 10 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat po! Squalluto 14:31, 10 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Paki-check na lang po kung tama ang aking ginawa...sa larawang 666px-HoneyBeeAnatomy.png..salamat po muli! Squalluto 15:26, 10 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Infobox para sa discograpiya

[baguhin ang wikitext]

Ako ang pangunahing awtor ng Tagalog pahina ni Thalía, at ako'y nangangailangan ng tulong. Marunong akong gumawa ng simpleng infobox, pero nais kong magkaroon ng infobox para sa diskograpiya para sa pahina ni Thalía at para sa mga iba pang mang-aawit. Ibase ang infobox diskograpiya sa Ingles na pahina sa Wikipedia http://en.wikipedia.org/wiki/Template:Infobox_Discography.

Maraming salamat Mariel Gutierrez 12:44, 15 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Maaari mong kopyahin ang orihinal na infobox at ang mga fields nito ay isasalin ng ibang mga taga-ambag. --Sky Harbor 02:53, 2 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

2007 Sensus ng Populasyon ng Pilipinas

[baguhin ang wikitext]

Ililimbag na sa Pebrero 28, 2008 ang resulta ng sensus ng populasyon ng Pilipinas. Kasama dito ang populasyon ng mga bayan, lalawigan, lungsod at ng mga barangay. Ano ang mga paghahandang gagawin ng Tagalog Wikipedia? --Exec8 07:28, 16 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Mga mungkahi sa Unang Pahina

[baguhin ang wikitext]

Dahil medyo nakakalito ang sistema riyan sa ibaba, ganito iyon: kung sumasang-ayon kayo, ilagay ang lagda at dahilan sa alin man sa dalawang pagpipilian. Kung tumututol naman kayo, lumagda naman sa seksyong tutol. -- Felipe Aira 10:03, 22 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Alam kong dapat itong ilagay sa unang pahina, pero dahil wala namang papansin ay dito na lamang.

Aking minumungkahi ang sinusunod:

  1. Bagaman may-ilang nagmungkahi at sumang-ayon sa Talk:Unang Pahina#Pamagat ng pahinang ito dalawang taon na ang nakakalipas upang palitan ang pangalan ng "Unang Pahina" papuntang "Pangunahing Pahina", aking minumungkahi ang pangalan nito ay maging "Punong Pahina". Ito ay dahil maling salin ang "una" para sa "main" ng main page, dahil ang tinutukoy nito ay "first", at ang pagkakasunod-sunod (chronological order), hindi ang halaga nito. Bagaman maaari rin ang "pangunahin", mas tinutukoy nito ang "frontier" o anumang kaugnay noon, hindi ang "main" mismo, habang ang "puno" naman ang pinakatumpak na salin dahil tinutukoy nito ang "main", "head" at "lead"; kagaya ng paggamit ng saling "punong guro/punong-guro" para sa "principal[/main teacher]", o kaya sa pangungusap na "Siya ang puno ng pag-aaklas." (He is the head/leader of the revolt.). Kaya nga "pamumuno" ang salin ng "to lead" dahil pang + puno = pa(mu)2no = pamumuno.
  2. Ilipat ang ngalan-espasyo nito sa ilalim ng Wikipedia: kung saan ito ay mas angkop dahil hindi naman ito isang artikulo kundi isang pahina ng proyekto. At ito ay para rin mapahintulutan ang isang artikulo tungkol sa mga punong pahina.

Sa lahat-lahat, ang aking mungkahi ay maging "Wikipedia:Punong Pahina" ang pangalan ng kasalukuyang Unang Pahina.

At huwag pong tumutol kung idadahilan ninyong "kung tama ito bakit hindi pa ito ginagawa ng Wikipedyang Ingles?", hangad ko pong ipaala na hindi kailangan gayahin ang lahat ng ginagawa nila dahil tanging Meta at ang Foundation mismo lamang ang nakakataas sa atin at sa bawat proyekto.

Aking naaalalang nabasa ko ang isang mungkahi para ilipat ang Main Page nila sa Wikipedia:Main Page sa ilalim ng aking ikalawang dahilan diyan sa itaas, hindi ko lamang alam kung bakit hindi pa ito nangyayari sa kanila. Ganito na rin ang nangyari sa ilang wiki kung saan inilipat nila ang kanilang mga punong pahina sa ilalim ng ngalan-espasyo ng proyekto nila. Ito ang nangyari sa Wiktionaryng Ingles.

-- Felipe Aira 11:18, 21 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Paglilipat ng ngalan-espasyo sa Wikipedia:

[baguhin ang wikitext]
Sang-ayon(1)
[baguhin ang wikitext]
  1. Bilang tagapagmungkahi. -- Felipe Aira 11:18, 21 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Pagpapalit ng pangalan

[baguhin ang wikitext]
Punong Pahina(1)
[baguhin ang wikitext]
  1. Bilang tagapagmungkahi. -- Felipe Aira 10:03, 22 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Pangunahing Pahina(0)
[baguhin ang wikitext]

Ikunsidera din ang minungkahing pamagat na Pangunahing Pahina. At saka, gawin din ng konsenso ang mga mungkahi palitan ang Napiling Larawan sa Tinanghal na Larawan (alternatibo Tampok na Larawan na ginagamit ng WikiPilipinas). Nakasaad din ito sa Usapang pahina ng Unang Pahina. Kung papalitan ito dapat palitan din ang Napaling Artikulo sa Tinanghal na Artikulo o kung anumang napagkasunduan. At isa pa, may minumungkahi din si AnakngAraw na magkaroon ng orasan sa Unang Pahina, ikunsidera din natin ito. --Jojit (usapan) 01:08, 22 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Sang-ayon ako sa paglalagay ng orasan. Pero anong oras ang ilalagay natin dito? Ito ba ang GMT (oras sa Gran Britanya, para hindi tayo maging sentro lamang sa Pilipinas) o ang Manila Time - GMT+8:00, para sa karamihan ng ating mga Wikipedista? Kung ako ang tatanungin aking pipiliin ang oras sa Pilipinas. Sa artikulong tanghal naman ay hindi ako sumasang-ayon. Ito ay dahil masyado nang nakagisnan ang NA - Napiling Artikulo at maaaring magbigay-lito lamang ito sa mga bagong Wikipedista na hindi nakakakilala sa mga aktibidad ng pamayanan. -- Felipe Aira 10:03, 22 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Sa tingin ko, sapat na ang ginawa ko riyan sa itaas. Inilagay ko rin ang mungkahi ni AnakngAraw para pormal itong mapagpasiyahan ng pamayanan. -- Felipe Aira 10:04, 22 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Huwag ninyo po sanang kalimutang isama ang petsa sa orasan (puwede kayang dalawa yung orasan? katulad ng mga nabanggit ninyo?). - AnakngAraw 11:23, 22 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]
Pakitingnan dito ang halimbawa kung saan nakalagay ang orasan at petsa ng Kastilang Wikedpedya. Batayan lamang. Salamat. - AnakngAraw 00:32, 5 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Tingnan dito ang Unang Pahinang may orasan. Maaari ninyong palitan ang puwesto o ang format nito sa nais ninyo. --Jojit (usapan) 00:52, 5 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Pakigawan po sana ng isang temporary page na nagpapaloob ng inyong mga pagbabago sa Unang Pahina upang makita ng pamayanan ang inyong nais. --bluemask 02:49, 29 Pebrero 2008 (UTC)[sumagot]

Sa tingin ko dumating na ang panahon kung saan kailangan natin ng isang batayan kung gaano katagal dapat maganap ang mga nominasyon, katulad ng sa pagpili, pagbura at pangangasiwa, upang magkaroon ng pagkakaparepareho sa lahat ng proseso. Sa Wikipedyang Ingles, ito ay 7 araw (1 linggo). Sa tingin ko sapat na kung ang sa atin ay 2 hanggang 3 linggo. Ano ang masasabi ninyo? -- Felipe Aira 10:54, 1 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

At oo nga pala, kailangan din natin ng isang pamantayan patungkol din sa mga botohan upang maituring ang pasya. Sa tingin niyo ano ang dapat na bahagdan (percentage) para sa isang sang-ayunan. Ito ay kung, halimbawa 80%, kailangan ng 80% na sang-ayon upang makapagpaganap ng isang pagbabago sa patakaran. Ano sa tingin niyo dapat ang sa atin: 60%, 65%, 70%, 75% o 80%? Huwag pong ipagsawalang bahala ito at ang nasa itaas kakailanganin ito sa bawat mungkahi, at upang makaiwas sa dagdag na problema sa hinaharap. -- Felipe Aira 09:46, 6 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Tagapangasiwa

[baguhin ang wikitext]

Dahil kapansin-pansin namang walang naganap na sang-ayunan sa nominasyon ni Estudyante sa akin, at wala nang boboto, ako na mismo ang nagsara nito. Huwag magalit dahil sa tingin ninyo ay mga tagapangasiwa at burokrata lamang ang maaaring gumawa nito, alalahanin ang No bureaucracy. Kaya ngayon ninonomina ko ang aking sarili sa proseso. Tandaan po nating hindi mga politiko ang mga tagapangasiwa, sila ay mga tagapaglinis lamang. -- Felipe Aira 10:54, 1 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

  • Mayroon lang akong katanungan para sa iyo, kung mamarapatin mo. Ibig kong malaman kung, sa tingin mo, paano mo (at nating lahat) mahihikayat ang mga bagong tagagamit, kasalukuyang tagagamit (kabilang ang mga tagapangasiwa), at iba pang magiging tagagamit upang mahikayat silang sumulat ng mga lathalain sa Tagalog na Wikipedia (hindi lamang maiiksing artikulo kundi yung mahahaba at may katuturang artikulo). Salamat po. - AnakngAraw 01:37, 5 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
    • Inililipat (kinopya) ko ang aking katanungan dito. Doon na lamang po tumugon (para samasama ang kumento ng lahat). - AnakngAraw 01:57, 5 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
    • Aba! Ang maisasagot ko diyan ay siguro maaari nating mahihikayat ang mga bagong Wikipedista at matagal ng Wikipedista sa paggawa ng mga mapagpaalam na NAng artikulo sa:
      1. Pagbibigay sa mga baguhan ng isang mainit na pagbati at pagtulong. Ito ay upang magtagal sila. WP:Mabuhay! (Wikiproyekto Pagbati); baka gusto niyong sumali.
      2. Pagpapaalam sa kanilang ang ginagawa natin dito sa Wikipedya ay isang mabuting bagay para sa mundo, lalo na sa mga may-hangad na makaalam at walang alam tungkol sa bagay na isinasalaysay ng artikulo, at sa pagpapayabong ng wikang Tagalog.
      3. Na mayroong nagbabasa at lubhang nagpapasalamat sa kanilang isinusulat/isusulat, dahil kahit hindi tayo isang sikat na wiki, kapansin-pansin namang marami ring bumibisita sa atin. At ito ang dahilan kaya nga laganap ang bandalismo.
    • Hangad ko lang po muling ipaalalang hindi mga politiko ang mga tagapangasiwa, at tanging mga tagapaglinis lamang, at hanggang ngayon nasusuklam pa rin ako sa mga artikulong isa lamang ang pangungusap, ngunit hindi nangangahulugan itong kapag naging tagapangasiwa na ako, sana, ay buburahin ko ang mga iyon, kailangan pa rin ng pagsang-ayon mula sa pamayanan. -- Felipe Aira 08:37, 5 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Mungkahi: Kampanya para sa Tagalog na Wikipedya

[baguhin ang wikitext]

Maaari po kaya - na sa tulong ng mga tagapangasiwa - e padalhan natin ng mga mensahe (kalatas at e-liham ang mga mayroong nang akawnt na tagagamit) para mangampanya ng pagtulong sa pagpapalawig ng mga kasalukuyang artikulo at pagdaragdag ng mga bago pang lathalain. Maaari rin po siguro na yung may mga kakilalang guro e mahingan ng tulong ang mga mag-aaral na makibahagi sa proyektong Tagalog na Wikipedya. Mungkahi lamang po. Salamat. - AnakngAraw 02:06, 10 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Tama iyon, at lubha akong sumasang-ayon. Ang Wikipedya ang ikapitong pinakapinpuntahang sayt sa Pilipinas, ngunit halos lahat naman ng bisitang iyon ay napupunta lamang sa Ingles at hindi sa atin bagaman ang sa atin ang pinakabinibigkas na wika sa Pilipinas. Bakit?
  1. Hindi tayo kilala.
  2. Lubhang mababa ang kalidad ng Wikipedya natin kung ihahambing sa Ingles kaya maaaring hindi nila pinipiling magsaliksik dito.
  3. Dahil sa pangkolonyal na pag-iisip ng napakaraming Pilipino, at ang hindi pa rin tumigil na pagtangkilik ng pamahalaan sa wikang Ingles, mas maraming Pilipino ang naghahangad magsaliksik sa Ingles upang ikopipeyst ang mga artikulo ng Wikipedyang Ingles sa "kanilang" mga proyekto kinakailangan sa mga asignatura ng paaralan nilang tumatangkilik din sa Ingles.
Paano natin lulutasin iyon? Ito ang sa tingin ko ang maaari gawin ninuman, hindi lamang mga tagapangasiwa, dahil iginigiit ko pa rin nang napakariin na hindi mga pinuno ang mga tagapangasiwa kundi mga tagapaglinis lamang. Kagaya nga ng sinabi ni Wales, ang Tagapagtatag, walang awtoridad na bumabalot sa mga tagapangasiwa (en:WP:Admin#No big deal).
  1. Pagdaragdag ng mga pang-aanyaya o pagsuporta sa Wikipedyang Tagalog o sa Wikimedia Foundation sa inyong mga lagda sa e-liham kagaya ng hiniling ko sa inyo dati noong mayroon pang pangalap-pondo ang WMF noong isang taon. Wikipedia:Kapihan/Arkibo_6#Suportahan ang Wikimedia
  2. Hindi maitatangging kailangan din natin ng tulong mula sa midya kagaya ng diyaryo o ng mga palabas sa telebisyon. Kahit isang pagtatampok lamang ay siguradong makikilala na tayo. Ito ang nangyari sa Wikipilipinas kung saan biglang dumami ang kanilang mga bisita. Ngunit mukhang magiging mahirap ito hanggang wala pang Wikimedia Pilipinas.
  3. Ang problema sa kalidad ay agad na sigurong malulutas kapag marami na tayong nagtutulungan dito.
-- Felipe Aira 11:22, 10 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Isa pang kahilingan para sa mga tagapangasiwa at mungkahi sa pamayanan

[baguhin ang wikitext]

Pakihatid naman sa WP:Tambay ng Ingles na Wikipedia para masundan ang kampanya nating pinag-uusapan dito. Narito sa ibaba ang magagamit nating kalatas, kung sasang-ayunan agad (sana) ng pamayanan. Maaari ninyong baguhin ang nilalaman ng kalatas sa ibaba kung may mas maganda kayong ideya. Nasa Ingles ito dahil dadalhin doon e. Salamat. - AnakngAraw 23:38, 20 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Tagalog Wikipedia Campaign March 2008!

Tagalog Wikipedia is campaigning for your participation in writing, editing, assessing and translating articles!
The purpose of this campaign is to expand and improve articles at Tagalog Wikipedia. Your participation will be highly appreciated by the community.

There are over 16,000 articles to view, read, review, edit, and expand, so please visit the Wikipedia Café and the WikiProject Philippines at Tagalog Wikipedia to help out!

The campaign includes seeking your assistance in:

Thank you in advance and regards, Tagalog Wikipedia Editors
Y Tapos na. --Jojit (usapan) 00:43, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat sa mabilis na paghahatid ng kalatas. Mabuhay ka! - AnakngAraw 00:49, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Siguro makakatulong din kung tahasang iimbitahin ang mga Pilipinong Wikipedista. Ako na ang bahala roon. Gagamitin ang banderang ginawa ni AnakngAraw at siguro isang sariling survey sheet kung alam ba nilang nandito lang tayo, at kung pipiliin nilang tumulong sa Ingles o sa Tagalog. Magbibigay na lang ako ng dagdag na impormasyon kapag na gawa ko na. Marahil malapit na ang pagsikat ng Wikipedyang Tagalog, at lahat ay dahil sa pagpupursige ni AnakngAraw. -- Felipe Aira 01:50, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Hindi na ako maglalagay ng survey. Iniimbitahan ko kayong lahat na ilagay itong (en:User:Felipe Aira/Campaign (suleras)) sa mga usapan ng mga Wikipedistang Pilipino. -- Felipe Aira 02:33, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat sa pagiging maagap ninyo! - AnakngAraw 03:47, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Sa tingin ko, napasyalan ko na lahat (siguro) yung mga pahina ng mga Pilipinong wikipedista sa Ingles na Wikipedia (nagsasalita ng Tagalog at ibang wika sa Pilipinas, nag-aaral sa mga pamantasan, at iba pa), pati na yung mga hindi-Pilipinong wikipedista na marunong mag-Tagalog. At saka meron bang makapagbibigay ng estadistika kung ilan ang bilang ng mga ito, na maaaring makatulong sa Tagalog na Wikipedia sa anumang paraan. Para lamang sana magkaroon tayo ng ideya. Mababakas ba ito mula sa mga nakaturo sa pahina ng kalatas na ipinamahagi? Kung merong makapagbibigay na ng bilang, pakitala naman sa ibaba, pagkatapos nito. Salamat. - AnakngAraw 14:54, 22 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Eto ang mga pahinang napaglagyan ng paanyaya. Mga 350 - 400 iyang napaanyayahan. -- Felipe Aira 01:35, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Baka makatulong sa kampanya itong mga estadistika sa tungkol sa Wikipedyang Tagalog. Tabla at Charts. -- Felipe Aira 02:13, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Nakuha ko po ito sa isang artikulo/pahina dito sa ating wikipedya...ang mga ito po ba ang kinakailangang taglay ng isang tagapangasiwa?....1.)naging aktibo at palagiang taga-ambag sa Wikipedia sa tuwi-tuwina, 2.)ginagalang at alam ang mga panuntunan ng Wikipedia at 3.)pangkalahatang pinagkakatiwalaan ng mga kasapi ng komunidad...baka mayroon pa pong iba. Maraming Salamat po. Squalluto

There are no official requirements to becoming a Wikipedia administrator. Anybody can apply regardless of their Wikipedia experience. However this does not mean that there are no standards to be aware of. Instead, adminship is oriented to communal trust and confidence, rather than checklists and edit counts; each user will have their own way to assess their confidence in a candidates' readiness for the role.

-- Felipe Aira 11:22, 10 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Hangad ko lamang linawing wala opisyal na pamantayan ang pagiging isang tagapangasiwa, at ang lahat ng ito ay umiikot lamang sa hangarin ng pamayanang bigyan ang isang manggagamit ng mga kagamitang pampangangasiwa. Basahin na lamang po ang en:WP:Admin. -- Felipe Aira 11:22, 10 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Pananda para sa Napiling Larawan

[baguhin ang wikitext]

Sa tingin ko po ay napapanahon na gumamit tayo rito ng katulad ng halimbawang pananda sa ibaba (mula sa Ingles na Wikipedia) para sa mga napipiling tampok na larawan. Ipinapakita ko lang po muna ng halimbawa rito kasi baka mayroon kayong ibang gustong anyo, kulay o estilo para sa gagamitin (at mas naaangkop para sa panlasa natin) rito sa Tagalog na Wikipedia. Ibigay po ang inyong mga opinyon para mapatupad agad ng mga tagapangasiwa. Salamat po. Tingnan na lamang po ang susunod na halimbawa. - AnakngAraw 05:03, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Ang halimbawang pananda (alam na po ninyo na may bituin 'yang kaagapay kapag inilalagay sa pahina ng usapan ng larawan [paalala lang po]):
Featured picture star
Ito ay isang Napiling Larawan noon pang Pebrero 30, 2010, nangangahulugang itinuring ng pamayanang isa ito sa mga pinakamabuting larawan sa Wikipediang Tagalog.
Sang-ayon Inilagay at isinalin ko na rin. -- Felipe Aira 07:41, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Inilagay ko na ito sa lahat ng Napiling Larawan. -- Felipe Aira 12:52, 21 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat. Mailalagay po ba iyan bilang gabay/hakbang doon sa pahina, katulad ng sa Alam Ba Ninyo? - AnakngAraw 16:14, 22 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Ano pong ibig sabihin niyo? -- Felipe Aira 01:35, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Parang ganito ba ayon sa nabasa ko rito: "Lagyan ng "tag" o tatakan" atbp... (<-- ako ito kanina - AnakngAraw 02:44, 23 Marso 2008 (UTC))[sumagot]
Ah ang ibig mong sabihin ay ilalagay sa suleras kung kailan ang araw ng pagkakapili. Iyon ba? Oo naman. -- Felipe Aira 02:11, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Kasama na nga po iyang petsa. Pero isa ko pa pong ibig sabihin ay wala pala tayong sariling pahina na katulad nito: en:Wikipedia:Featured pictures. - AnakngAraw 02:43, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Wikipedia:Supnayan ng mga nagdaang napiling larawan -- Felipe Aira 03:40, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
  • Pero wala nga po nitong pambungad at paliwanag na para lang sa napiling larawan; kasama lang siya dun sa napiling artikulo. Kelangan meron siyang sariling pahina na may lamang ganito (nasa Ingles, dahil nakuha sa Ingles na Wikipedia):
Featured pictures in Wikipedia
This page highlights images that the Wikipedia community finds beautiful, stunning, impressive, and/or informative. It is the visual equivalent to featured articles and as such even more subjective. Images are categorized by the topic they represent, which is not necessarily what you might expect just by looking at the picture. There is also a category on Wikimedia Commons for images with aspect ratios suitable for wallpapering.
There are currently 1158 featured pictures.
If you wish to add a specific image to this page, please nominate it on Wikipedia:Featured picture candidates. Images listed here should be either in the public domain or covered by a free license.
One featured picture is chosen as the picture of the day. You can include this box anywhere (e.g., your user page) by adding the text Padron:Pic of the day or Padron:POTD where you want the picture to be shown.

Para hindi napupuno at nagsisiksikan dun sa pahina ng pilian ng napiling artikulo. Mungkahi lamang na magkaroon ng pambungad na tulad sa itaas. Kayo po ang bahala kung ano ang mas malinaw o gawi rito. Para lang sana mas maliwanag lalo na sa mga bagong dating at naghahanap kung paano nagiging napiling larawan ang isang larawan. - AnakngAraw 04:17, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]

Puwede na lang siguro idagdag ang naisaling pambungad (tulad sa nabanggit kong halimbawa sa itaas) doon sa pahina ng kawing na ipinakita ninyo. Alam ko pong puntahan iyan, pero wala nga lang talagang mga pambungad na pananalita. Sana malinaw na yang paliwanag ko. - AnakngAraw 04:41, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Maaari mo namang gawan kung gusto mo. Iyan din ang kaso sa lumang WP:NA. -- Felipe Aira 04:49, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Ayun naman pala. Mabuti na yung isinasangguni kasi baka mayroon lang po na dating kasunduan na yung kasulukuyang anyo lang ang dapat. Kung ganoon, gagawin ko... Pero paghahandaan ko muna para natatangi para dito sa Tagalog na Wikipedia at batay sa kasalukuyang gawain natin. Salamat uli! Gagawin iyan, hintay-hinay/hinay-hintay lang... - AnakngAraw 04:53, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Salamat at sa wakas bumubuti na rin ang Wikipedya natin. "Wikipedya, ang malayang ensiklopdyang maaaring baguhin ninuman". -- Felipe Aira 04:59, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Halos tapos na, pero may kulang na kawing para sa talatang ito:

Maaari mong ilagay sa iyong pahina ng tagagamit ang kahon ng napiling larawan, sa pamamagitan ng pagdaragdag ng tekstong {{napiling larawan}} o {{NL}} kung saan mo man ibig palitawin ang larawan.

Ano ba ang mas mainam? Para mailagay ng mga tagagamit sa mga pahina nila kung gusto nila. Paki naman... Salamat. - AnakngAraw 14:49, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
At isa pa, maaari bang gawing awtomatiko ang pagbilang ng mga napili nang larawan? - AnakngAraw 14:53, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]
Naririto ang mga sumusunod na kawing para makita ang idinagdag ko sa:
Pakitingnan at gawin ang mga pagbabago kung kailangan. Salamat. - AnakngAraw 16:25, 23 Marso 2008 (UTC)[sumagot]