Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Agosto 4
Itsura
- Taong pinagsususpetsahang nag-eespiya para sa Israel arestado sa Lebanon. (Aljazeera)
- Hindi bababa sa anim na katao ang patay at mahigit 50 iba pa ang nasugatan sa dalawang pagsabog ng bomba sa kotse sa Kut. (BBC)
- Bagong Selanda nagkaroon ng kauna-unahang tao na namatay sa pakikipaglaban sa Apganistan; siya rin ang kauna-unahang namatay na sundalo sa pakikipaglaban sa ibang lugar sa loob ng isang dekada. (BBC) (The New Zealand Herald) (The Washington Post)
- Pangulo ng Rusya Dmitry Medvedev pinutol ang kanyang bakasyon ngayong tag-init para bumalik at magsisante ng ilang matataas na opisyal ng militar matapos masira ng malawakang sunog ang isang himpilang pandagat sa labas ng Moscow. (BBC)
- Desisyon ng Malacca na payagan ang pagpapakasal ng wala pa sa tamang edad pinuna ng mga grupo ng mga kababaihan. (BBC) (Reuters) (The Sydney Morning Herald)
- Fidel Castro inaasahang magsasalita sa harap ng pambansang asambleya ng Kuba sa Sabado sa unang pagkakakataon sa loob ng apat na taon; inaasahan na ang kanyang talumpati ay nakatuon sa posibleng digmaang nukleyar na kasasangkutan ng Estados Unidos, Israel at Iran. (The Daily Telegraph) (BBC) (The Star)
- Mga taga-Kenya bomoto para desisyunan ang kahihinatnan ng maaaring bagong Saligang Batas. (Aljazeera) (BBC) (Reuters) (CNN)
- Punong Ministro ng Italya Silvio Berlusconi nakaligtas sa boto ng kawalan ng tiwala. (BBC) (The Guardian) (France24) (The Irish Times)
- Dokka Umarov itinangging nagbitiw na siya bilang pinuno ng armadong separatistang grupo ng Chechnya. (Aljazeera)