Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hulyo 17
Itsura
- Paul Allen, isa sa mga nagtatag ng Microsoft nangakong ibibigay ang malaking bahagi ng kanyang kayamanan na umaabot ng 13.5 bilyong dolyar sa pagkakawanggawa kapag siya'y namatay. (BBC) (The Daily Telegraph)
- Sunog sa isang hotel sa lungsod ng Sulaimaniya sa hilagang Irak nagdulot ng pagkamatay ng hindi bababa sa 29 katao at pagkasugat ng may 21 pa. (Xinhua) (Aljazeera) (Arab News)
- 800 mga pugad ng sugalan sinalakay sa Malaysia, Singapore, Thailand at Tsina, (kasama ang Hong Kong at Macau) at mahigit 5,000 katao ang naaresto dahil sa ilegal na pagtaya sa Pandaigdigang Laro ng Sipaan ng Bola 2010. (Aljazeera) (BBC News)
- Isang umanong "pagkakamali" ang pagpapalaya noong nakaraang taon mula sa bilangguan ng Eskosya kay Abdelbaset Ali Mohmed Al Megrahi na taga Libya ayon sa Estados Unidos at Nagkakaisang Kaharian. (Aljazeera) (BBC)
- Mga ministrong panlabas ng Pakistan binatikos ang pag-uugali ng mga ministrong panlabas ng Indiya sa kanilang unang pag-uusap sa loob ng dalawang taon. (BBC)
- Ousmane Conté, ang panganay sa mga anak na lalaki ng patay nang pinuno ng Guniya na si Lansana Conté, pinakawalan na matapos ang labing-anim na buwan. (BBC) (News24.com)
- Pangulo ng Beneswela Hugo Chávez ipinahayag ang paghukay sa mga labi ng rebolusyonero noong ika-19 na siglo na si Simón Bolívar para imbestigahan ang pinaghihinalaang hindi tama sa pagkamatay nito. (AP)