Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2010 Hunyo 9
Itsura
- Pangulo ng Estados Unidos Barack Obama nakipagpulong sa Pangulo ng Pambansang Pangasiwaan ng Palestina Mahmoud Abbas sa Puting Tahanan sa Washington, D.C., Estados Unidos. (The Washington Post)
- Bansang Ehipto pangmatagalan nang tinanggal na ang pagsasara ng Piraso ng Gaza na magpapahintulot sa makataong tulong sa Gaza gamit ang Rafah. (Haaretz)
- Komboy ng NATO malapit sa Islamabad na nagdadala ng mga suplay sa "tropa ng alyansa" sa Apganistan, pinaputukan, hindi bababa sa pitong katao patay. Sasakyan nasunog. (The Sydney Morning Herald) (BBC)
- Dating Pangalawang Pangulo ng Estados Unidos na si Al Gore mainit na tinanggap ng mga dumalo sa kanyang pananalita ukol sa pagbabago ng klima sa Pilipinas. (Philippine Daily Inquirer) (ABS-CBN News)
- Hindi bababa sa 39 katao patay at mahigit 70 pa ang sugatan sa pagsabog sa isang kasalan sa Arghandab, Kandahar. (BBC) (Aljazeera)
- Ilang dosenang manggagawa sa Tsina nasugatan sa pagklilos ng mga manggagawa, kung saan mahigit 2,000 sa mga ito ang nakipagbanggaan sa mga pulis sa lungsod ng Kunshan. (AFP) (Press TV) (China Daily)
- Kapulungang Panseguridad ng Mga Bansang Nagkakaisa muling pinatawan ng bagong parusa ang Iran para sa programang nukleyar ng nasabing bansa. (UN News Centre) (BBC) (Press TV) (Al Jazeera)
- Somalya:
- Ministro ng Tanggulan ng Somalya na si Yusuf Mohammed Siad, na namumuno sa paglaban sa mga naghihimagsik na Islam sa bansa, nagbitiw sa pamahalaan. (news24.com) (BBC)
- Dalawa pang ministro nagbitiw na rin. (IOL) (ABC News)
- Hindi bababa sa 12 katao patay at mahigit 22 pa ang sugatan sa labanan at pagsabog sa isang kalsada sa Mogadishu. (Reuters)
- Pinlandiya muling nalugmok sa resesyon. (Aljazeera)
- Pransiya isinara ang base militar sa Senegal at tinanggal na nag 900 sa 1,200 sundalong nakabase doon. (BBC)
- Asawa ni Ratko Mladic inaresto sa Belgrade. (Aljazeera)
- Labi ng dalawang Awstralyanong sundalo na napatay sa pagsabog ng bomba sa Apganistan iuuwi na. (People.cn) (Chinamil) (thisislondon) (Sky News)
- Isang helikopter ng NATO bumagsak malapit sa Sangin sa Lalawigan ng Helmand, Apganistan sa gitna ng putukan kung saan apat ang namatay. (BNO News), (AP via MSNBC)
- Ari-arian ni Michael Jackson kumita ng $1 bilyon simula nang siya'y mamatay. (Xinhua) (china.org) (Sina)
- Apo ni Nelson Mandela inihayag na planong dumalo nang kanyang lolo sa pasinaya ng 2010 FIFA World Cup sa Timog Aprika ngayong linggo. (CNTV)
- Pinakamatandang sapatos na gawa sa balat natagpuan sa Vayots Dzor, Armenya ng isang internasyunal na grupo ng mga Arkeolohiyo. (National Post)