Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2013 Setyembre 16
Itsura
- Alitang armado at mga pag-atake
- Kinumpirma ng Mga Nagkakaisang Bansa na gumamit ng sarin gas sa nakaraang 2013 Pag-atakeng Kemikal sa Ghouta.(The Guardian)
- 2013 Krisis sa Lungsod ng Zamboanga: Naglunsad ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ng isang pag-atake gamit ang helikopter laban sa mga rebeldeng Moro National Liberation Front sa ilang parte ng Lungsod ng Zamboanga. (AFP)
- Sakuna at aksidente
- Inaasahang tatama sa lupain ng Mehiko ang bagyong Ingrid kung saan katatapos lang magdulot ng malakas na pag-ulan ang Bagyong Manuel sa baybayin ng Pasipiko. Sa kasalukuyan, 21 katao ang naiulat na nasawi dahil sa dalawang bagyo kabilang ang 14 na katao mula sa estado ng Guerrero.(AP via ABC News America)
- Tumama sa gitanang Hapon ang Bagyong Man-yi kung saan pinangangambahan ang psibleng pag-tama nito sa Plantang Nukleyar ng Fukushima Daiichi.(The Australian)
- Patuloy ang pag-ulan sa estado ng Colorado sa Estados Unidos kung saan 1,200 katao ang naapektuhan ng pagbaha. (Los Angeles Times)
- Isang pang-kargamentong bapor ng Singapore ang bumangga at nag-palubog sa isang bapor na pangingisda ng Vietnam sa timog ng Vũng Tàu, isa ang nasawi sa trahedya. The Maritime Executive
- Internasyonal na relasyon
- Nagkasundo ang bansang Estados Unidos at Rusya na puksain ang kemikal na armas ng Sirya. Ang pamahalaan ni Bashar al-Assad, Pangulo ng Sirya ay sumangayot sa kasunduan ngunit tinututulan ng mga oposisyon.(AFP/Reuters via ABC News Australia)