Wikipedia:Kasalukuyang pangyayari/2022 Hulyo 8
Itsura
Armadong labanan at atake
- Digmaang Ruso-Ukranyo
- Pagsalakay ng Ruso sa Ukranyo, 2022
- Sinabi ni Serhiy Haidai, Gobernador ng Oblast ng Luhansk, na patuloy ang pagbabala (o shelling) sa oblast na nasa bingit na ng disgrasya ang 8,000 residente ng Sievierodonetsk. (ABC News)
- Pagsalakay ng Ruso sa Ukranyo, 2022
- Asasinasyon kay Shinzo Abe
- Nabaril ang dating Punong Ministro ng Hapon na si Shinzo Abe sa likod habang nagbibigay ng talumpati sa Nara, rehiyon ng Kansai, Hapon, at namatay sa kalaunan sa natamong sugat. Naaresto si Tetsuya Yamagami, isang 41-taong-gulang na kasapi ng hukbong-dagat, para sa asasinasyon kay Shinzo Abe. (BBC News)
- Mga pag-atake sa Demokratikong Republika ng Congo, 2021–2022
- Napatay ang labing-dalawang tao - kabilang ang tatlong naghihimagsik - sa isang pag-atake sa ospital sa Lume, Hilagang Kivu, Demokratikong Republika ng Congo,. (Reuters)
Negosyo at ekonomiya
- Mungkahing pagbili ng Twitter ni Elon Musk
- Naghain ang pangkat legal na kinakatawan ang negosyanteng si Elon Musk ng pag-angkin sa Komisyon sa mga Panagot at Palitan ng Estados Unidos (U.S. Securities and Exchange Commission) upang opisyal na tapusin ang kasunduan na bilhin ang Twitter, na sinasabi na gumawa ang kompanya ng "mali at nakaliligaw" na mga pahayag noong negosasyon. (The Verge)
Kalusugan at kapaligiran
- Pandemya ng COVID-19
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
- Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na nagpositibo sa COVID-19 ang Pangulong Bongbong Marcos. Ito na ang pangalawang beses na nagkaroon ng COVID-19 si Marcos. (Rappler)
- Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas
Batas at krimen
- Red-tagging sa Pilipinas
- Pinag-aaralan ng Angat Buhay isang di-pampamahalaang organisasyon ng pinamumunuan ng dating Pangalawang Pangulo ng Pilipinas na si Leni Robredo at ng kanyang mga tagasuporta na idemanda ang isang opisyal ng pamahalaan na nag-red tag sa organisasyon.(News 5)