Pumunta sa nilalaman

Tulong:Ang iyong unang artikulo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Wikipedia:UNA)
Bago ka dito?

Ang paggawa ng isang artikulo ay ang isa sa mas mahirap na gawain sa Wikipedia, at mayroon kang mas mataas na tiyansa kung tutulong ka muna sa ibang gawain upang matuto pa tungkol sa kung papaano gumagana ang Wikipedia. Maari kang bumalik upang lumikha ng artikulo sa ibang pagkakataon; hindi naman ito minamadali!

Maligayang pagdating sa Wikipedia! Bilang isang baguhan na patnugot, magiging Wikipedista ka. Bago ka magsimula ng isang bagong artikulo, pakisuri ang kinakailangang notablidad sa Wikipedia. Sa madaling salita, kailangan ang paksa ng isang artikulo na naging paksa na sa isang maaasahan, sekondarya, at buong malayang mga sanggunian na tinuturing ang paksa sa detalyadong may matatag na batayan, tulad ng mga aklat, pahayagan, magasin, pang-iskolar na talaarawang nasuri ng kauri (peer-reviewed), at websayt na tumutugon sa parehong kinakailangan tulad sa mga kagalang-galang na sangguniang nakalimbag. Kailangang napapatunayan ang impormasyon sa Wikipedia; kung walang mahanap na maaasahang ikatlong-partidong sanggunian tungkol sa paksa, hindi dapat ito magkaroon ng hiwalay na artkulo. Pakihanap muna sa Wikipedia upang matiyak na wala pang artikulo ang napiling paksa.

Mayroong Salamangkero ng Artikulo na isang gabay upang matulungan kang makalikha ng isang artikulo. Para sa impormasyon tungkol sa kung papaano humiling ng isang bagong artikulo na maaring likhain ng sinuman, tingnan ang mga hiniling na artikulo, bagaman, napakaliit ng tiyansa na malikha ang artikulo sa pamamagitan ng pahina na iyan dahil kakaunti lamang ang mga patnugot sa Wikipediang Tagalog. Mas maraming Wikipedista ang sumusubaybay sa Kapihan at maari ka rin na humiling doon sa pagpindot dito.

Kung wala ka pang akawnt sa Wikipedia, hinihikayat ka naming magparehistro ng akawnt. Kapag wala kang akawnt at lilikha ka ng artikulo, marerehistro ang IP address ng kompyuter o device mo. Mas mainam ang mayroong akawnt para matukoy ka at matulungan ka ng mabilisan ng pamayanang Wikipedia. Madali lamang ang paglikha. Kailangan mo lamang ng username (pangalan ng tagagamit) na maaring anonimo (anonymous) at password.

Mga tip o gabay sa paglalathala

Kung naibigan mo na ang paggamit at paghahanap ng mga artikulo dito sa Tagalog Wikipedia, subukan mo nang maglathala ng mga bagong artikulo o magpainam pa ng mga naririto nang pahina o lathalain. Maaari mong gamitin ang mga patnubay o tip na ito:

  • Maaari mong gawan ng pahina o artikulo ang isang paksang nakapukaw ng iyong pansin mula sa binabasang pahayagan, pinapanood na palabas sa telebisyon o pelikula, o kaya pinakikinggang estasyon o programa mula sa radyo.
  • Kumuha ng iba pang mga impormasyon mula sa iba pang mga babasahin hinggil sa paksang nakapukaw ng iyong interes. Gamitin ito bilang mga sanggunian at huwag kalimutang isama sa iyong itatalang lathalain dito.
  • Mahalaga ang mga sanggunian sapagkat nasusuri at napupuntahan rin ng iba pang mga mambabasa at patnugot, na maaaring makatulong pa sa pagpapainam at pagtatama ng lathalain, lalo na kung may kulang o kamalian.
  • Kung nakikigamit ka lamang ng kompyuter, partikular na sa isang arkilahan lamang ng kompyuter, gamitin mo ng tama ang iyong panahon kung ibig maglathala o makiisa sa pagpapayabong ng mga lathalain dito sa Wikipediang Tagalog. Maaari kang gumawa muna ng balangkas sa iyong pansariling burador o mas nirerekomenda bilang sub-pahina (Halimbawa: Tagagagamit:Juan de la Cruz/Lungsod ng Tralala). Maari ka rin gumawa ng talaan sa iyong pahinang tagagamit at sa talaang yaon mo painamin ang iyong paksa at mga talata na naglalaman ng mga sanggunian. Kung ginamit mo ang Salamangkero ng Artikulo, ang balangkas mo ay magiging sub-pahina ng Wikipedia:Balangkas. Halimbawa, kung lilikha ka ng isang artikulo na nagngangalang "Lungsod ng Tralala", mapupunta ang balangkas mo sa Wikipedia:Balangkas/Lungsod ng Tralala.
  • Unti-unti mo itong itala o ilathala sa Wikipediang Tagalog, sa tuwing makikigamit ka ng kompyuter sa isang arkilahan. Sa ganitong paraan, mapapangasiwaan mo ng husto ang iyong panahong iniaambag para sa Wikipediang Tagalog at hindi nasasayang ang iyong salaping ginugugol habang tumutulong sa patuloy na pagbubuo ng malayang ensiklopedyang ito. Kapag handa na ang iyong artikulo, maaring ilathala ito mula sa iyong balangkas patungo sa pangunahing espasyo. Halimbawa, ang "Tagagagamit:Juan de la Cruz/Lungsod ng Tralala" ay maaring malipat na "Lungsod ng Tralala" bagaman nirerekomenda na humingi ng tulong sa isang tagapangasiwa sa paglipat nito. Ang pinakamadaling paraan na makontak ang tagapangasiwa ay sa pag-iwan ng mensahe sa Kapihan.
  • Mas mainam na ilagay muna ang iyong artikulo sa isang text editor tulad ng Notepad, TextEdit, at Vim kaysa unti-unti mo siyang itala. Kapag natapos na ang sinulat mo sa text editor, maari mo na itong i-copy-paste ng isahan lamang. Ang isa pang pakinabang ng text editor ay hindi mo na kailangan muna ng koneksyon sa internet.
  • Maari ka din humingi ng tulong sa pamayanang Wikipedia sa pamamagitan ng pagtatanong sa Kapihan para sa pagsisimula ng iyong artikulo.
  • Sapagkat nasa Wikang Tagalog ang edisyong ito ng Wikipedia, maaari mong isulat sa pahina ng iyong lathalain ang kaugnayan ng mga Pilipino at Pilipinas sa paksang napili mo kung mayroon.
  • Huwag kalimutang gumamit ng mga talahuluganan o diksyunaryo para sa mas mainam na pagsusulat at paggamit ng mga salitang nasa wikang Tagalog. Maaari mong tingnan ang mga tala ng diksyunaryo at mga gabay na nasa WP:Pagsasalinwika.
  • Lagyan ng mga panloob na link ang mga mahahalaga o piling salita na nasa pahina ng iyong lathalain patungo sa iba pang mga pahinang naririto sa Tagalog Wikipedia, para makatulong sa pag-unawa ng mga mambabasa at para rin sa karagdagan ng kanilang mga kaalaman hinggil sa iyong paksang napili.
  • Pakitandaan lamang na dapat mong gamitin ang iyong mga sariling pananalita sa pagsusulat ng artikulo dito sa Wikipediang Tagalog, na nasa gawi at anyong ensiklopediko, isang pormal na pagsusulat katulad ng pagsusulat ng mga ulat o takdang araling ginagamit sa paaralan. Kapag kinopya mo lamang ng tuwiran sa isang sanggunian, malaki ang pagkakataong mabura lamang ang iyong ambag na artikulo o pahina. Kaya't dapat itong iwasan upang hindi masayang ang iyong pagod.
  • Anyayahan ang ibang Wikipedista o ibang indibiduwal na nais maging Wikipedista upang magkaroon ka ng mga kaisa sa iyong mga proyekto ng paglalathala na pang-Wikipedia. Maaari mong gamitin ang paanyayang nalilimbag.
  • Hinihikayak ka na gumawa ng artikulong hindi bababa sa 300 salita, na hindi kasama ang mga teksto sa infobox, tala at sanggunian. Ang mga artikulong napakaikli ay buburahin ayon sa patakaran ng WP:BURA B1.

Paraan ng pagsisimula ng pahina

Maaari kang magsimula ng isang pahina sa pamamagitan ng mga sumusunod na paraan:

  1. Magsimula ng pahina sa pamamagitan ng mga ghost link (link na may kulay pula) o link na mayroon na (mga nakahandang link ngunit walang pang pahina o artikulong nasusulat; nakaumang lamang ang mga pangawing na ito)
  2. Magsimula ng pahina sa pamamagitan ng pagbago teksto ng URL
  3. Magsimula ng pahina mula sa burador (isa itong pahinang gawaan at sanayan ng isang tagagamit)

Maaring simulan ang pahina mula sa isang link patungo sa bagong pahina na iyong nais simulan. Sa mga artikulo ng Wikipedia, iyong makikita ang mga link na kulay pula na nakahanda patungo sa mga artikulong hindi pa nasimulan (kamukha ng: Titulo ng artikulo). Ito ang mga ghost link o red link, itinuturing ding nakaabang na mga link. Kung iyong pipindutin ang link na ito, dadalhin ka nito sa isang pahinang nagsasabing:

Ang Wikipedia ay wala pang artikulong na may ganitong tumpak na pangalan. Pakihanap ang Titulo ng artikulo sa Wikipedia upang malaman ang mga alternatibong mga pamagat o baybay.

Magsimulang sumulat ng artikulo sa edit-box o kahong mapagsusulatan mo. Pagkatapos, pindutin ang buton ng "paunang tingin" o "pasilip" upang siyasatin ang buong pahina. Pindutin naman ang buton na nagsasabing "Ilathala ang pahina" para mailathala na ang iyong ginawa.

Habang binabago mo ang ilang mga artikulo, at napagisipan mong dapat may sariling artikulo ang isang salita o parirala, ilagay ito sa loob ng double square brackets (parisukat na braket), [[tulad nito]]. "Wikifying" o pagsasa-wiki ang tawag dito. Ang bagong link na binuo ang magdurugtong sa pahinang ginawa mo sa iba pang mga pahinang dati nang buo, o magiging "ghost link" o "umang" din para sa pagsisimula ng iba at panibagong artikulo.

Magsimula ng pahina sa pamamagitan ng pagbago ng URL

Maaring palitan ang URL na nasa page address ng iyong web browser gaya ng sumusunod:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Titulo_ng_artikulo

Palitan mo ang kabuntot o kadugtong na titulo na nasa dulo ng URL address ("Titulo_ng_artikulo" na makikita sa URL). Matapos mong gawin ito, tipahin o idugtong mo na ang pamagat na gusto mong gawin o simulan. Halimbawa, nais mong simulan ang artikulong Katipunan:

http://tl.wikipedia.org/wiki/Katipunan

Dadalahin ka nito sa isang pahinang walang nilalaman. Pindutin ang "Gawin" o "Gawin ang wikitext" sa kanang-itaas ng pahina at doon mo maaring simulan ang bagong artikulo.

Ngunit, sa pamamagitan ng ganitong paraan, maaring nabubuo ang mga tinatawag na orphan o ulila, mga artikulong hindi dinudugtungan o walang kakawing na kahit anumang artikulo sa Wikipedia. Kung kaya't mas mabuti na iwasan ang paggamit ng paraang ganito sa pagsisimula ng isang bagong artikulo.

Magsimula ng pahina mula sa burador

Maari din gamitin ang burador! (gawaan at sanayan). Dito ka maaaring mag-eensayo sa paggawa ng artikulo at pahina. Maaaring tingnan mo muna ang halimbawa ng balangkas na nasa ibaba (kasunod ng bahaging ito):

  • Mula sa iyong burador, pindutin ang "baguhin" o "baguhin ang wikitext" na link sa kanang-itaas, at gumawa ng bagong link patungo sa pahinang nais mong simulan.
  • Pindutin ang "Ilathala ang binago" na buton ng burador.
  • Pindutin ang link patungo sa pahinang nais mong simulan.

Paalala: Regular na binubura ang nilalaman ng burador, kung kaya't mainam na i-bookmark o tandaan ang pahinang iyong binuo upang iyong mabago o madagdagan itong muli. Makikita din ito sa loob ng pahina ng "mga ambag ko" ng isang tagagamit na naka-rehistro. Kaya't hinihikayat ka na naming gumawa ng isang akawnt upang magkaroon ng ganitong kakayahan sa pag-aambag, pagsusulat at pagdadagdag ng mga artikulo at kaalaman. Huwag sanang kalimutan ang paalala namin tungkol sa mga orphan o ulilang mga pahina. Kailangan ka ng Wikipediang Tagalog, at ang tulong mo! Manghikayat ka pa sana ng ibang Wikipedista.

Halimbawa at itsura ng lilikhain mong artikulo

Ang mga sumusunod na halimbawaw ay payak lamang. Mayroon pang mas masulong na paraan sa pagpapatnugot tulad ng pagdaragdag ng mga tala, infobox at larawan. Kung ikaw ay baguhan, ito munang mga halimbawang ito ang iyong parisan.

Klasikong pagpapatnugot

Maari kang masulat sa loob ng kahon ng sulatan o tinatawag na classic editor o klasikong pagpapatnugot para masimulan ang iyong artikulo. Lilitaw ang kahon kapag napindot mo ang "Baguhin ang wikitext" o "Gawin ang wikitext" na link. Sa klasikong paraan, ginagawa o binabago mo ang wikitext ng artikulo na gumagamit ng mga code (o kodigo) para iporma ang iyong artikulo tulad nito: '''makapal na titik''' — na ginagawang makapal na titik sa aktuwal na artikulo. Ang sumusunod ay mga halimbawa para maging parisan mo:

Unang halimbawa:

Pangalan ng pahina (wala ito sa loob ng kahong sinusulat mo; nasa itaas ito sa gawing kaliwa)
Ang '''paksa''', '''pamagat''' o '''pangalan ng pahina''' ay ang (nasa loob na ito ng kahong sulatan)....pambungad na mga [[pangungusap]], paglalarawan, at iba pang mga talata na nagpapakilala sa paksa.
==Pamagat ng unang seksyon==
Katawan ng unang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)
==Pamagat ng pangalawang seksyon==
Katawan ng ikalawang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)
==Pamagat ng pangatlong seksyon==
Katawan ng ikatlong seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)
==Mga sanggunian==
*[http://www.halimbawa.com May-akda ng sanggunian mula sa internet. Pamagat, petsa], nakuha noong: petsa kung kailan nakuha ang sanggunian mo.
*May-akda ng aklat o ibang babasahin. Pamagat, petsa ng pagkakalimbag o pagkakalathala, pahina, nakuha noong: petsa kung kailan ka sumangguni sa aklat.
==Mga panlabas na link==
*[http://www.halimbawa.org Pamagat ng link]
[[Kaurian:Pamagat ng kategorya]]

Pangalawang halimbawa:

Pangalan ng pahina (wala ito sa loob ng kahong sinusulat mo; nasa itaas ito sa gawing kaliwa)
Ang '''paksa''', '''pamagat''' o '''pangalan ng pahina''' ay ang (nasa loob na ito ng kahong sulatan)....pambungad na mga [[pangungusap]], paglalarawan, at iba pang mga talata na nagpapakilala sa paksa.<ref name=halimbawa1>[http://www.halimbawa.com May-akda ng sanggunian mula sa internet. Pamagat, petsa], nakuha noong: petsa kung kailan nakuha ang sanggunian mo.</ref>
==Pamagat ng unang seksyon==
Katawan ng unang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata).<ref name=halimbawa2>May-akda ng aklat o ibang babasahin. Pamagat, petsa ng pagkakalimbag o pagkakalathala, pahina], nakuha noong: petsa kung kailan ka sumangguni sa aklat.</ref>
==Pamagat ng pangalawang seksyon==
Katawan ng ikalawang seksyon (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)<ref name=halimbawa1/>
==Pamagat ng pangatlong seksyon==
Katawan ng ikatlong seksyong (binubuo ng mga pangungusap at mga talata)<ref name=halimbawa2/>
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
==Mga panlabas na link==
*[http://www.halimbawa.org Pamagat ng link]
[[Kaurian:Pamagat ng kategorya]]

Pangatlong halimbawa

Para masilip at mabasa ang isang payak at aktuwal na halimbawa ng tunay at totoong artikulo: pindutin mo ito.

Biswal na pagpapatnugot

Kung nahihirapan kang kabisaduhin ang mga syntax ng wikitext, maari ka namang pumatnugot sa pamamagitan ng biswal na pagpapatnugot o visual editor. Madali ito dahil maari kang gumawa o magbago ng artikulo na para kang nasa isang dokumento ng Microsoft Word, LibreOffuce Writer o Google Docs. Makakapunta ka paraang ito kung napindot mo ang "Baguhin" at "Gawin" na mga link. Para masilip at mabasa ang isang payak at aktuwal na halimbawa ng tunay at totoong artikulo: pindutin mo ito.

Tungkol sa mga sanggunian

Kailangang masisiyasat ng mga tagapangasiwa (administrator) at ng ibang mga patnugot (editor) o tagagamit (user) ang sangguniang pinagkunan mo ng impormasyon, kaya't iminumungkahing:

  • Kopyahin at gamitin ang mga URL address na pinagkunan ng mga impormasyon ng iyong mga isinulat.
  • Itala ang mga impormasyon hinggil sa mga aklat at iba pang mga babasahin na pinagkunan mo. Isama ang pamagat ng libro, pangalan ng mga may-akda, kabanata, pahinang pinagkunan, wika ng aklat na pinagkunan, kumpanyang naglimbag, taon ng pagkakalimbag, bilang ng ISBN, at iba pa.
  • Maaari mong gamitin ang padrong {{cite web}} sa paglalagay ng mga sanggunian; pakitingnan ang Padron:Cite web at Wikipedia:Pagsisipi ng mga sanggunian (kapuwa sa Wikipediang Ingles) para sa karagdagang kabatiran.
  • Tatanggapin namin ang kahit na anong kinikilalang mga sanggunian, huwag lamang sana ang mga weblog o blog. Kung maaari, humanap ka ng mga sangguniang nasusulat na sa wikang Tagalog, pero maaari rin ang mga nasa wikang Ingles at iba pang mga wika at diyalekto sa Pilipinas, lalo kung wala pang salin sa Tagalog. Hinggil sa mga sangguniang nasa ibang wika at iba pang diyalekto, minumungkahing iwasan sana ang mga ito, maliban na lamang kung wala talagang salin sa Tagalog o Ingles, at sadyang mahalaga ang impormasyong maiaambag mo mula rito. Pakibanggit na lamang kung anong wika ang gamit ng sangguniang ito, at kailangang nakasalin sa Tagalog ang mga sinipi mong kataga.

Karagdagang kaalaman

Isang magandang ugali din na basahin ang nilalaman ng pahinang iyong binubuo bago pinduting ang "Ilathala ang pahina"). Kung may nalalaman kang software na may kakayahang siyasatin ang baybay sa Tagalog ay mas mainam at ipaalam ito sa Tagalog na Wikipedia.

Mga paalala

Ang Wikipedia ay isang ensiklopedyang malayang nilalaman. Ang lahat ng iyong isinusulat ay magagamit ng publiko at masasama sa ilalim ng Lisensiyang GNU para sa Malayang Dokyumentasyon. Maari mo lamang isulat ang iyong nais kung ikaw ang nagmamayari ng karapatan sa paggamit ng impormasyong iyong isusulat, o kaya ay nanggaling ito sa isang public domain (nasa dominyong publiko). Huwag gumamit ng mga materyal na copyrighted (may karapatang-ari) nang walang paalam mula sa nagmamayari.

Mga mungkahi

Gamiting mabuting halimbawa ang mga Napiling Artikulo sa Unang Pahina.

Magpalawig ka o magdagdag ng impormasyon sa mga maiikling artikulong nasa Alam Ba Ninyo? ng Unang Pahina.

Lumikha ka na ng sarili mong akawnt o patnugutan. Huwag ka sanang umayaw sa unang pagsubok, sapagkat kailangan lamang na masanay ka at makagamayan ang pagsusulat dito sa Wikipedia. Gawin mo sana itong isang mabuting libangan. Umiisip ka ng paksang wala pa rito o magdagdag ka ng impormasyon sa mga artikulong naisulat na. Lagi kang magbalik dahil bagaman ikaw ang nagaambag ng impormasyon dito natututo ka rin, hindi lamang mula sa inambag na paksa ng ibang mga tagagamit, kundi mula na rin sa sarili mong mga ambag na artikulo at impormasyon. Dahil nagkakaroon ka rin ng dagdag na kaalaman mula sa mga sangguniang ginagamit mo habang nagsusulat dito sa Wikipediang Tagalog. Halina, maging kasaping patnugot ka na!

Tungkol sa mga larawan

  • Gamiting halimbawa ang mga kalidad ng mga larawan mula sa mga Napiling Larawan na ipinakikita sa Unang Pahina.
  • Makakakuha ka ng mga magagamit na larawan na may kaugnayan sa iyong artikulo mula sa Wikimedia Commons. Mayroon ding panghanap na kahon (search engine) doon.
  • Maitatala mo ito sa loob ng iyong pahina sa pamamagitan ng paglalagay nito:
[[Image:Pamagat o pangalan ng larawan|thumb|right|200px|Dito nakalagay ang kapsyon ng larawang napili mo.]].
Mababago mo ang laki ng larawan sa pamamagitan ng pagbabago ng halagang px. Halimbawa: 100px, 200px, 300px o 400px. Hanggang 500px lamang ang pinahihintulutan.

Saan maaaring magtanong

Maaari kang kumonsulta sa mga sumusunod na pahina:

Puntahan ito para sa mabilisang pagsasanay

Tingnan din

Pang-anyaya at panghikayat

Maaari mong ilimbag at ipamigay ang kopya ng ating Wikipedia:Paanyayang nalilimbag para mag-anyaya at manghikayat pa ng ibang mga mamamayang ibig maging Wikipedista. Salamat sa iyong tulong.

Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.