Pumunta sa nilalaman

Zedekias

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Zedekiah
Guhit ni Zedekias ni Guillaume Rouillé's Promptuarii Iconum Insigniorum, 1553
Kaharian ng Juda
Panahon 597–586 BCE
Sinundan Jeconiah, pamangkin
Sumunod Ang kaharian ng Juda ay nagwakas
Ama Josias
Ina Hamutal
Kapanganakan posibleng 617 o 618 BCE
Herusalem, Kaharian ng Juda
Kamatayan hindi aalam
Babilonya, Imperyong Neo-Babilonya

Si Zedekias[a] ( /ˌzɛdˈkə/) o Tzidkiyahu na orihinal na may pangalang Mattanyahu or Mattaniah ayon sa Bibliya ang huling hari ng Kaharian ng Juda na hinirang ni Nabucodonosor II pagkatapos ng pagkubkob ng Babilonya sa Herusalem upang palitan ang kanyang pamangking si Jeconias na ipinatapon sa Babilonya. Ayon kay Albright, siya ay naging hari noong 598 BCE ngunit ayon kay Thiele ay noong 597 BCE.[1]

Kuwento ayon sa Bibliya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sinuportahan ni Paraon Necho II ang humihinang Imperyong Neo-Asirya laban sa lumalakas na Babilonya at Medes. Noong 609 BCE, si Necho II ay nagmartsa sa Syria upang tulungan ang pinuno (tinawag na hari ngunit hindi pinangalanan sa Bibliya) ng Asirya na si Ashur-uballit II. Ayon sa 2 Hari 23, hinarang at pinilit ni Josias na hari ng Kaharian ng Juda na labanan si Neco II sa Megiddo kung saan pinatay ni Necho II si Josias. Ayon sa Tekstong Masoretiko ng 2 Hari 23:39, nilabanan ni Necho II ang hari ng Asirya. Dahil sa kamaliang ito, ito ay binago at ginawang "tinulungan ni Necho II ang hari ng Asirya" sa NIV. Ang mga hukbo ni Necho II at mga hukbo ng Asirya ay tumawid sa Ilog Eufrates upang bawiin ang Harran na itinatag ni Ashur-ubbalit II matapos bumagsak ang Nineveh sa magkasanib na puwersa ng Babilonya at Medes noong 612 BCE. Ang Asirya at Ehipto ay nabigo at umurong sa puwersang Babilonya at Medes na humantong sa pagtatapos ng Imperyong Neo-Asirya. Ayon sa 2 Hari, sa pagbalik ni Necho II sa Ehipto, pinalitan niya ang haring si Jehoahaz na anak ni Josias ng isa pang anak ni Josias na si Jehoiakim. Si Jehiakim ay naging isang basalyo ng Ehipto at nagbibigay ng tributo dito.(2 Hari 23:35). Nang matalo ang Ehipto ng Babilonya sa Labanan ng Carcemish noong 605 BCE, kinubkob ni Nabucodonosor II ang Herusalem na nagtulak kay Jehoiakim na lumipat ng katapatan tungo sa Babilonya at naging basalyo nito sa loob ng 3 taon. Nang mabigo ang mga Babilonyo na muling sakupin ang Ehipto, lumipat si Jehoiakim na katapatan tungo sa Ehipto. Noong 598 BCE, kinubkob ni Nabudonosor ang Herusalem sa loob ng 3 at si Jehoiakim ay tinakilaan upang dalhin ni Nabudonosor II sa Babilonya(2 Kronika 36:6) ngunit namatay at hinalinhan ng kanyang anak na si Jeconias. Pagkatapos ng 3 buwan sa ika-7 ni Nabucodonosor II sa buwan ng Kislev 598 BCE, ipinatapon ni Nabucodonosor si Jeconias at mga mamamayan ng Kaharian ng Juda sa Babilonya at nilagay na kapalit ni Jeconias si Zedekias na maging hari ng Kaharian ng Juda. Si Zedekias ay nag-alsa laban sa Babilonya at nakipag-alyansa sa Paraong si Apries. Dahil dito, kinubkob ni Nabudonosor II ang Juda na tumagal ng 30 buwan at pagkatapos ng 11 taong paghahari ni Zedekias, nagwagi si Nabudonosor II sa pananakop sa Juda kung saan pinatay ni Nabucodonosor II ang mga anak ni Zedekias at si Zedekias ay binulag at tinakilaan at dinala sa Babilonya kung saan siya naging bilanggo hanggang sa kanyang kamatayan. Ang Herusalem at Templo ni Solomon ay winasak ng mga Babilonyo noong 587/586 BCE. Pagkatapos bumagsak ang hari ng Babilonya na si Nabonidus kay Dakilang Ciro noong 539 BCE, pinabalik ni Ciro ang mga taga-Juda sa Herusalem at pinayagan ang mga ito na muling itayo ang templo ni Solomon noong 516 BCE. Ang Juda ay naging probinsiya ng Imperyong Persiya bilang Yehud Medinata. Ayon sa mga iskolar, dito napakilala at naimpluwensiyahan ng mga Persiyano at relhiiyong Zoroastrianismo ang mga Hudyo sa kanilang mga paniniwalang gaya ng mga anghel, demonyo, dualismo at mesiyas at tagapagligtas(Saoshyant).

Ayon sa Aklat ni Jeremias 34:4-5, si Zedekias ay mamamatay sa kapayapaan at ililbing kasama ng kanyang mga ninuno. Ayon naman sa 2 Hari 25:7 at Jeremias 39:6-9, 52:10-11 siya ay binulag at binihag at kinulong sa Babilonya hanggang sa kanyang kamatayan.


Maling banggit (May <ref> tag na ang grupong "lower-alpha", pero walang nakitang <references group="lower-alpha"/> tag para rito); $2

  1. Edwin Thiele, The Mysterious Numbers of the Hebrew Kings, (1st ed.; New York: Macmillan, 1951; 2d ed.; Grand Rapids: Eerdmans, 1965; 3rd ed.; Grand Rapids: Zondervan/Kregel, 1983). ISBN 0-8254-3825-X, 9780825438257, 217.