Eskudo ng Pilipinas

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Sagisag ng Pilipinas

Ang Eskudo ng Pilipinas ay nagpapakita ng walong sinag na araw ng Pilipinas kung saan ang bawat sinag ay sumasagisag sa isa sa walong (8) lalawigan ng Batangas, Bulacan, Cavite, Maynila, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac na ipinasailalim sa Batas Militar ni Gobernador Heneral Ramon Blanco noong Himagsikan ng 1896, at ng tatlong bituing may limang dulo na kumakatawan sa tatlong pangunahing heograpikal na rehiyon ng Luzon, Visayas, at Mindanao. Sa kaliwang dako na kulay bughaw ay ang Agila ng Estados Unidos, at sa kanang dako naman na kulay pula ay ang Leon ng Espanya, kapwang nagpapahiwatig ng kasaysayang kolonyal ng bansa. Ito ay halos magkahitsura sa disenyong ginamit ng Pamahalaang Komonwelt ng Pilipinas noong taong 1940.

Ang paglalarawang ginagamit sa Sagisag na ito ay mula sa website ng Pamahalaan ng Pilipinas:

Paleways of two (2) pieces, azure and gules; a chief argent studded with three (3) mullets equidistant from each other; and, in point of honor, ovoid argent over all the sun rayonnant with eight minor and lesser rays. Beneath shall be the scroll with the words "REPUBLIKA NG PILIPINAS," inscribed thereon.[1]

Ang mga salitang nakikita sa iskrol ay napalitan ng ilang pagkakataon sa Kasaysayn ng Pilipinas. Mula sa pagkasarinlan ng bansa mula sa Estados Unidos noong 1946 hanggang sa taong 1972 noong idineklara ni dating Pangulong si Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar, ang nakasulat ay ang mga salitang "REPUBLIC OF THE PHILIPPINES" ("Republika ng Pilipinas"). Mula taong 1979 hanggang sa pagtalsik kay Marcos sa puwesto noong taong 1986, ang nababasa sa iskrol ay ang mga salitang: "ISANG BANSA ISANG DIWA". Pinalitan noong 1986 ang mga salita sa kasalukuyang pagbasa nitong: "REPUBLIKA NG PILIPINAS". Sa pagpasa ng RA 8491 noong taong 1998, hindi ispinesika ang leon at agila at tuluyan na itong hidi nakasama sa Sagisag. Sa kabila nito, hidi laganap ang paggamit ng ibinagong disenyo ng Sagisag, hanggang sa pagratipika nito gamit ng isang National Referendum ng naayon sa Saligang Batas ng Pilipinas.