Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Ika-XX Palaro ng Olimpikong Taglamig
Ika-XX Palaro ng Olimpikong Taglamig

La Passione Vive Qui
Dito Nagtatahan ang Matinding Damdamin

Ipinakita ang emblema ang istilong anyo ng
Mole Antonelliana,na iginuhit sa kristal na yelo sa
puti at bughaw, na nangangahulugang ang apoy
at ang langit. Ang lawa-lawang kristal ay naglalarawan
din ng lawa-lawa ng mga bagong teknolohiya
at ang diwa ng Olimpiko ng pamayanan.

Punung-abalang lungsod Turino, Italya
Mga bansang kalahok 80[1]
Mga manlalarong kalahok 2,508 (1,548 lalaki; 960 babae)[1]
Mga kaganapan 84 sa 7 palakasan
Seremonya ng pagbubukas Pebrero 10
Seremonya ng pagtatapos Pebrero 26
Opisyal na sisimulan ni Carlo Azeglio Ciampi[2]
Panunumpa ng Manlalaro Giorgio Rocca[3]
Panunumpa ng Hukom Fabio Bianchetti[3]
Olimpikong Sulo Stefania Belmondo[2]
Estadyo Stadio Olimpico
Ang Lungsod ng Turino kung saan pinagdausan ang Olimpikong Taglamig 2006

Ang Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006, opisyal na kinilala bilang Ika-XX Palaro ng Olimpikong Taglamig, ay isang kaganapang pampalakasang pangmaramihan sa kapanahunan ng taglamig na ipinagdiwa sa Turino, Italya mula 10 Pebrero 2006 hanggang 26 Pebrero 2006. Ito ay minarkahan ng pangalawang pagkakataon na ang Italya ay nakapagpunong-abala ng Palarong Olimpiko sa Taglamig, ang unang kaganapan ay ang Ika-VII Palarong Olimpiko sa Taglamig sa Cortina d'Ampezzo noong 1956. Nagpunong-abala rin ang Italya ng Palaro ng Ika XVII Olimpiyada sa Roma noong 1960. Napili ang Turino bilang punong-abalang lungsod para sa palarong 2006 noong 1999.

Ang Turino, na may kalakhang lawak ng 1.7 angaw,[4] ay ang pinakamalaking lungsod na nakapagpunong-abala ng Olimpikong Taglamig,[5] bagama't nakipagtalo ang Lungsod ng Salt Lake sa pagkakaiba.[6] Ang titulo ay bumagsak sa Vancouver, Britanikong Kolumbya, Kanada, (2.5 angaw) nang ang lungsod ay nagpupunong-abala ng Ika-XXI Palaro ng Olimpikong Taglamig.[7]

Proseso ng pagpili ng punong-abala[baguhin | baguhin ang batayan]

Napili ang Turino bilang punong-abala ng Olimpiko noong 1999 sa Seoul, Koriya sa Ika-109 Pagpupulong ng IOC.[8] Ito ay matuwid pagkatapos nakapagkandili ng IOC ang mga bagong pamamaraan ng halalan sa Ika-108 Tanging Pagpupulong ng IOC sa ibis ng mga aliwaswas na pangungurakot na naglilibot sa mga boto ukol sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1998 at 2002.[9] Mula binawalan ang mga kasapi ng IOC na dumalaw sa mga kandidatong-lungsod (sa mga ikabubuti ng pagbabawas ng panunuhol), naghalal ng Ika-109 na Pagpupulong IOC para sa tanging lupon, ang Dalubhasaan ng Pagpipili, na pumili ng mga lungsod na kalahok sa huling yugto ng pag-anyaya mula sa linaw ng mga kandidatong lungsod pagkatapos ang bawat ay nakapaggawa ng kanilang mga huling pagpapalabas sa lipos na Pagpupulong ng IOC: pagkatapos naghalal ang lipos na Pagpupulong ng IOC sa mga lungsod na napili bilang mga lungsod na kalahok sa huling yugto ng pag-anyaya ng Dalubhasaan ng Pagpipili. Bagama't ang mga anim na lungsod ay naglunsad ng mga kandidatura at gumawa ng mga pagpapalabas sa lipos na Pagpupulong ng IOC sa Seoul noong Hunyo 1999, pumili ng Dalubhasaan ng Pagpipili ang dalawang lungsod lamang na sumulong na ihahalal sa lipos na Pagpupulong ng IOC: Siyon at Turino.[8] Ang mga kandidatura ng Helsinki, Pinlandiya; Poprad-Tatry, Eslobakya; Zakopane, Polonya; at Klagenfurt, Awstrya ay nilaglag ng Dalubhasaan ng Pagpipili pagkatapos lumikha ng mga pagpapalabas na pangkandidatura ang lahat ng mga anim na kandidatong lungsod sa lipos na pagpupulong.[10]

Halalan ng Punong-abalang Lungsod 2006 — mga resulta ng balota
Lungsod bansa (NOC) Unang Yugto
Turino Watawat ng Italy Italya 53
Siyon Watawat ng Suwisa Swesya 36
Helsinki Watawat ng Finland Pinlandiya
Klagenfurt Watawat ng Austria Awstrya
Poprad-Tatry Watawat ng Eslobakya Eslobakya
Zakopane Watawat ng Poland Polonya

Mga sagisag[baguhin | baguhin ang batayan]

Sina Neve at Gliz, ang mga Olimpikong maskot ng Turino 2006

Ang opisyal na logo na may nakalagay na pangalang "Torino", ang Italyanong pangalan ng lungsod; ang lungsod ay nakikilala bilang "Turino" sa Filipino, "Turin" sa parehong Inggles at ang pampook na nakaugaliang diyalekto, Pyemontes.[11]

Mga maskot[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang mga Olimpikong maskot ng Turino 2006 ay sina Neve ("niyebe" sa Italyano), isang babaeng bolang-niyebe, at Gliz, isang lalaking kubong yelo.[12]

Sawikain[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang opisyal na sawikain ng Ika-XX Palaro ng Olimpikong Taglamig ay "Dito nagtatahan ang matinding damdamin" ("La passione vive qui")[13]

Palaro[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Seremonya ng Pagbubukas ng Olimpikong Taglamig 2006

Palakasan[baguhin | baguhin ang batayan]

Nagbantad ng Palaro ang 84 na kaganapang pangmedalya sa mga 15 disiplina na ipinangkat sa 7 palakasan.[1] Ibinilang ng mga kaganapan na naglikha ng Olimpikong pasinaya sa Turino ang masang panimula ng biyatlon, kuponang-hagibis na pag-iisking pangbagtas, tablang-pangniyebe bagtas at kuponang panghagad na tuling-iskeyting.[14] Ang mga klasikal na layong panlalaking 50 km at pambabaeng 30 km, na ginanap sa dating Palarong Taglamig noong 2002, ay hindi ginanap sa Palarong ito, na ang mga kaganapang ito ay iniba sa mga kaganapang pangmalayang-estilo ng mga magkatulad na layo;[15] Sa katotohanan, karamihan sa mga kaganapang pag-iisking pangbagtas sa Palarong ito ay ibinilang ang iba't ibang layo mula sa mga nasa Lungsod Salt Lake.

Ang mga sumusunod ay ang mga disiplina na pinaligsahan sa palaro. Ang mga bilang sa mga saklong pagkatapos ng bawat disiplinang palakasan ay naghihiwatig ang mga bilang ng mga ganapan na pinaligsahan.

Mga lumahok na NOC[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga lumahok na NOC. luntian: 1-10; bughaw: 10-49; kahel: 50-99; pula: 100 o higit pa.

Isang tala ng 80 Pambansang Lupon ng Olimpiko (NOC) na pinasok ang mga manlalaro sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2006. Ito ay ang paglaki ng tatlo mula sa 77 na kumatawan sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 2002. Ang bilang sa saklong ay naghihiwatig ang bilang ng mga lumahok na iniambag ng NOC. Isang kabuuan ng 15 bansa na nagpadala ng isang manlalaro lamang. Ito ay unang pagbungad para sa Albanya, Etiyopya at Madagaskar. Ito rin ay pagbungad sa Olimpikong Taglamig para sa Serbya at Montenegro, na dumating sa pagitan ng kanilang pagbabago ng pangalan noong 2003 at ang boto ng Montenegro ukol sa kalayaan noong Mayo.

Talahanayan ng medalya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Olimpikong Apoy ng Olimpikong Taglamig ng Turino 2006

      Punong-abalang bansa (Italya)

Antas  Bansa  Gold medal.svg Ginto Silver medal.svg Pilak Bronze medal.svg Tanso Olympic rings with white rims.svg Kabuuan
1 Alemanya Alemanya (GER) 11 12 6 29
2 Estados Unidos Estados Unidos (USA) 9 9 7 25
3 Austria Austria (AUT) 9 7 7 23
4 Rusya Rusya (RUS) 8 6 8 22
5 Kanada Kanada (CAN) 7 10 7 24
6 Suwesya Suwesya (SWE) 7 2 5 14
7 Timog Korea Timog Korea (KOR) 6 3 2 11
8 Suwisa Suwisa (SUI) 5 4 5 14
9 Italya Italya (ITA) 5 0 6 11
10 Olanda Olanda (NED) 3 2 4 9
10 Pransiya Pransiya (FRA) 3 2 4 9
12 Estonya Estonya (EST) 3 0 0 3
13 Noruwega Noruwega (NOR) 2 8 9 19
14 Republikang Popular ng Tsina Republikang Popular ng Tsina (CHN) 2 4 5 11
15 Republikang Tseko Republikang Tseko (CZE) 1 2 1 4
16 Kroasya Kroasya (CRO) 1 2 0 3
17 Australya Australya (AUS) 1 0 1 2
18 Hapon Hapon (JPN) 1 0 0 1
19 Pinlandiya Pinlandiya (FIN) 0 6 3 9
20 Polonya Polonya (POL) 0 1 1 2
21 Belarus Belarus (BLR) 0 1 0 1
21 Bulgarya Bulgarya (BUL) 0 1 0 1
21 Eslobakya Eslobakya (SVK) 0 1 0 1
21 Gran Britanya Gran Britanya (GBR) 0 1 0 1
25 Ukranya Ukranya (UKR) 0 0 2 2
26 Latbiya Latbiya (LAT) 0 0 1 1
Lahat-lahat 84 84 84 252

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. 1.0 1.1 1.2 "Turino 2006—Ika-XX Palaro ng Olimpikong Taglamig". Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. http://olympic.org/uk/games/past/index_uk.asp?OLGT=2&OLGY=2006. Hinango noong 2007-04-18. 
  2. 2.0 2.1 "Turino 2006: Ang Apoy sa Pinakamataas na Kawang". Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. 2006-02-11. http://www.olympic.org/uk/games/torino/torch_relay/full_story_uk.asp?id=1670. Hinango noong 2007-04-18. 
  3. 3.0 3.1 "Balitang Pang-araw-araw ng Olimpiko". The Sports Network. 2006-02-10. http://www.sportsnetwork.com/default.asp?c=sportsnetwork&page=olymp/2006/archive/summary10.htm. Hinango noong 2007-04-18. 
  4. "Torino - Balangkas panlungsod ng Turino Italya". http://www.archaeolink.com/torino_turin_city_profile.htm. Hinango noong 2007-04-18. 
  5. "Olimpiko sa pamamagitan ng mga bilang". USA Today. 2006-01-19. http://www.usatoday.com/sports/olympics/torino/2006-01-19-gns-by-numbers_x.htm. Hinango noong 2007-04-18. 
  6. Nagpahayag din ang palarong Lungsod Salt Lake ang titulo sapagka't sa pamahon ng Olimpiko and populasyong pangkalakhan ay 1,516,227 (mga pigura ng populasyon ng Salt Lake ng Senso ng Mga Nagkakaisang Estado) at ang mga ibang kaganapan ay ginanap sa kalakhang lugar ng Provo ng 400,209 (mga pigura ng populasyon ng Provo ng Senso ng Mga Nagkakaisang Estado), kung saan nanawagan ng estado ng Utah ng isahang kalakhang lugar ng 1.9 na angaw (pansin ng Utah pahina 10 ng estado ng Utah) at ang pamahalaan ng Mga Nagkakaisang Estado ay naglalarawan bilang dalawang kalakhang lugar sa isang isahang panglungsod na pook.
  7. Judd, Ron C. (2003-07-02). "Magpupunong-abala ang Vancouver ng Palarong Olimpiko sa Taglamig 2010". The Seattle Times. http://archives.seattletimes.nwsource.com/cgi-bin/texis.cgi/web/vortex/display?slug=webvancouver02&date=2003-07-02. Hinango noong 2007-04-18. 
  8. 8.0 8.1 "Olympic Bid Election History—Voting Records and Results". GamesBids. http://www.gamesbids.com/english/archives/past.shtml. Hinango noong 2007-04-19. 
  9. "Balitang Palarong Pandaigdig" (PDF) (pdf). International World Games Association. Abril 1999. http://www.worldgames-iwga.org/vsite/vfile/page/fileurl/0,11040,1044-163474-180689-13798-0-file,00.pdf. Hinango noong 2007-04-19. 
  10. "Turino 2006—Halalan". Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. http://www.olympic.org/uk/games/torino/election_uk.asp. Hinango noong 2007-04-19. 
  11. "Turin or Torino? Depends on whom you ask". Associated Press/MSNBC. 2006-02-09. http://www.msnbc.msn.com/id/10896852/. Hinango noong 2007-04-18. 
  12. "Mga Maskot ng Turino 2006". Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko. http://www.olympic.org/uk/games/torino/open_mascotte_uk.asp. Hinango noong 2007-04-18. 
  13. "Italyanong Matinding Damdamin sa Sawikain ng Turino 2006" (PDF) (pdf). http://www.torino2006.org/ENG/OlympicGames/bin/page/C_3_page_eng_283_paragraphs_paragrafo_0_attachments_allegato_7_object.pdf. Hinango noong 2007-04-18. 
  14. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang Events); $2
  15. Sa mga kamakailang taon, ang mga Malayang-estilong kaganapan at mga Klasikong kaganapan ay nakapaghalinhinan sa bawat Palarong Olimpiko.


Mga panlabas na kawing[baguhin | baguhin ang batayan]

Sinundan:
Lungsod Salt Lake
Palarong Olimpiko sa Taglamig
Punong-abalang Lungsod

Ika-XX Palaro ng Olimpikong Taglamig (2006)
Susunod:
Vancouver