Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Palaro ng Ika-XXVI Olimpiyada
Palaro ng Ika-XXVI na Olimpiyada

The Celebration of the Century
Ang Pagdiriwang ng Siglo

Punung-abalang lungsod Atlanta, Georgia,
Estados Unidos
Mga bansang kalahok 197
Mga manlalarong kalahok 10,320
(6,797 lalaki, 3,523 babae)
Mga kaganapan 271 sa 26 na palakasan
Seremonya ng pagbubukas Hulyo 19
Seremonya ng pagtatapos Agosto 9
Opisyal na sisimulan ni Pangulong Bill Clinton
Panunumpa ng Manlalaro Teresa Edwards
Panunumpa ng Hukom Hobie Billingsley
Olimpikong Sulo Muhammad Ali
Estadyo Sentenaryong Estadyong Olimpiko

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-init 1996 ay kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXVI na Olimpiyada at nang di-opisyal bilang Olimpikong Sentenyal, ay isang sabansaang kaganapang pampalakasang pangmaramihan na ipinagdiriwang noong 1996 sa Atlanta, Georgia, Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika.

Pagpili[baguhin]

Napili ang Atlanta noong Setyembre 1990 sa Tokyo, Hapon, sa Atenas, Belgrado, Manchester, Melbourne at Toronto.

Ang kabatiran ng talahanayan sa ibaba ay nagmumula sa pahina ng websayt na Kasaysayan ng Halal ng Pandaigdigang Lupon ng Olimpiko hinggil sa mga lungsod na nag-aanyaya ukol sa Atlanta para sa Palarong Olimpiko 1996. Nangyari ang halalan sa Ika-96 na Pagpupulong ng IOC sa Tokyo, Hapon.

Mga resulta ng pag-aanyaya ng Olimpikong Tag-init 1996
Lungsod Pangalan ng NOC Unang Yugto Ika-2 Yugto Ika-3 Yugto Ika-4 Yugto Ika-5 Yugto
Atlanta, Georgia Flag of the United States Mga Nagkakaisang Estado 19 20 26 34 51
Atenas Watawat ng Greece Gresya 23 23 26 30 35
Toronto, Ontario Watawat ng Canada Kanada 14 17 18 22 -
Melbourne Watawat ng Australia Awstralya 12 21 16 - -
Manchester Flag of the United Kingdom Mga Nagkakaisang Kaharian 11 5 - - -
Belgrado Watawat ng Yugoslavia Yugoslabya 7 - - - -

Mga sagisag[baguhin]

Si Izzy, ang Olimpikong maskot ng Palarong Atlanta 1996

Maskot[baguhin]

Ang maskot para sa Olimpiyada ay isang basal, animadong karakter na may pangalang Izzy. Sa pagkakaiba ng tagal na nakaugalian ng mga maskot ng pambansa o panrehiyong kahalagahan ng lungsod na nagpupunong-abala ng Olimpiko, si Izzy ay isang walang tiyak na anyo, pagkukunwa-kunwariang pigura na nadisenyo sa kompyuter.

Mga awit at tikha[baguhin]

Ang opisyal na tikha ng Olimpiko, Summon the Heroes (Atasan ang mga Bayani), ay isinulat ni John Williams, na naging pangatlong Olimpiyada na nakapaglikha siya. Ang awit na "The Power of the Dream" ("Ang Kapangyarihan ng Pangarap"), na nilikha nina Kenneth "Babyface" Edmonds at David Foster at itinitik ni Linda Thompson ay ipinalabas sa seremonya ng pagbubukas ni Celine Dion na sinamahan ni Foster at ng Orkestrang Simponya ng Atlanta at Kantores Sentenyal. Umawit si Gladys Knight ng "Georgia on My Mind" ("Georgia sa Aking Isip"), ang opisyal na pang-estadong awit ng Georgia, sa seremonya ng pagbubukas. Nagpalabas sa seremonya ng pagtatapos si Gloria Estefan na umaawit na "Reach" ("Abutin"), ang opisyal na tikhang awit ng Olimpikong 1996. Sa pagtatapos ng seremonya nagtanghal si Trisha Yearwood ng Olimpikong awit na "The Flame" ("Ang Apoy").

Palaro[baguhin]

Palakasan[baguhin]

Mga lumahok sa Olimpikong Tag-init 1996
Bughaw = Lumahok sa unang pagkakataon. Luntian = Mga dating nakalahok. Ang dilaw na parisukat ay ang punong-abalang lungsod (Atlanta)

Mga bansang lumahok[baguhin]

Isang kabuuan ng 197 bansa na kumatawan sa Palarong 1996, at ang pinagsamang kabuuan ng mga manlalaro ay halos 10,318.[1] Napasinaya ang dalawampu't apat na bansa sa kanilang Olimpiko sa taong ito, kabilang ang labing-isang bansa na dating bahagi ng Sobyet na nakapagpaligsahan bilang bahagi ng Pinagsamang Kuponan noong 1992. Malayang nakipagpaligsahan ang Rusya sa unang pagkakataon mula 1912, nang ito ay Imperyong Ruso. Nakipagpaligsahan ang Republikang Pederal ng Yugoslabya bilang Yugoslabya.

Ang mga 14 na bansa na nakapasinaya sa kanilang Olimpiko ay: Aserbayan, Burundi, Dominika, Gineya-Bisaw, Kabong Lunti, Komoros, Masedonya, Nawru, Palestina, Santa Kitts at Nevis, Santa Lucia, Santo Tomas at Prinsipe, Tayikistan at Turkmenistan.

Ang mga 10 bansa na nakapaglikha ng pasinaya sa kanilang Olimpikong Tag-init (pagkatapos nakipagpaligsahan sa Palarong Olimpiko sa Taglamig 1994 sa Lillehammer) ay: Armenya, Belarus, Eslobakya, Giyorgya, Kasakstan, Kirgistan, Moldoba, Republikang Tseka, Ukrayna at Usbekistan.




Talahanayan ng medalya[baguhin]

      Punong-abalang bansa (Mga Nagkakaisang Estado)

Antas  Bansa  Gold medal.svg Ginto Silver medal.svg Pilak Bronze medal.svg Tanso Olympic rings with white rims.svg Kabuuan
1 Estados Unidos Estados Unidos (USA) 44 32 25 101
2 Rusya Rusya (RUS) 26 21 16 63
3 Alemanya Alemanya (GER) 20 18 27 65
4 Republikang Popular ng Tsina Republikang Popular ng Tsina (CHN) 16 22 12 50
5 Pransiya Pransiya (FRA) 15 7 15 37
6 Italya Italya (ITA) 13 10 12 35
7 Australya Australya (AUS) 9 9 23 41
8 Kuba Kuba (CUB) 9 8 8 25
9 Ukranya Ukranya (UKR) 9 2 12 23
10 Timog Korea Timog Korea (KOR) 7 15 5 27
11 Polonya Polonya (POL) 7 5 5 17
12 Unggarya Unggarya (HUN) 7 4 10 21
13 Espanya Espanya (ESP) 5 6 6 17
14 Rumanya Rumanya (ROU) 4 7 9 20
15 Olanda Olanda (NED) 4 5 10 19
16 Gresya Gresya (GRE) 4 4 0 8
17 Republikang Tseko Republikang Tseko (CZE) 4 3 4 11
18 Suwisa Suwisa (SUI) 4 3 0 7
19 Dinamarka Dinamarka (DEN) 4 1 1 6
19 Turkiya Turkiya (TUR) 4 1 1 6
21 Kanada Kanada (CAN) 3 11 8 22
22 Bulgarya Bulgarya (BUL) 3 7 5 15
23 Hapon Hapon (JPN) 3 6 5 14
24 Kasakstan Kasakstan (KAZ) 3 4 4 11
25 Brasil Brasil (BRA) 3 3 9 15
26 Bagong Selanda Bagong Selanda (NZL) 3 2 1 6
27 Timog Aprika Timog Aprika (RSA) 3 1 1 5
28 Irlanda Irlanda (IRL) 3 0 1 4
29 Suwesya Suwesya (SWE) 2 4 2 8
30 Noruwega Noruwega (NOR) 2 2 3 7
31 Belhika Belhika (BEL) 2 2 2 6
32 Nigerya Nigerya (NGR) 2 1 3 6
33 Hilagang Korea Hilagang Korea (PRK) 2 1 2 5
34 Alherya Alherya (ALG) 2 0 1 3
34 Etiyopiya Etiyopiya (ETH) 2 0 1 3
36 Gran Britanya Gran Britanya (GBR) 1 8 6 15
37 Belarus Belarus (BLR) 1 6 8 15
38 Kenya Kenya (KEN) 1 4 3 8
39 Hamayka Hamayka (JAM) 1 3 2 6
40 Pinlandiya Pinlandiya (FIN) 1 2 1 4
41 Indonesya Indonesya (INA) 1 1 2 4
41 Yugoslabya Yugoslabya (YUG) 1 1 2 4
43 Iran Iran (IRI) 1 1 1 3
43 Eslobakya Eslobakya (SVK) 1 1 1 3
45 Armenya Armenya (ARM) 1 1 0 2
45 Kroasya Kroasya (CRO) 1 1 0 2
47 Portugal Portugal (POR) 1 0 1 2
47 Taylandiya Taylandiya (THA) 1 0 1 2
49 Burundi Burundi (BDI) 1 0 0 1
49 Kosta Rika Kosta Rika (CRC) 1 0 0 1
49 Ekwador Ekwador (ECU) 1 0 0 1
49 Hongkong Hongkong (HKG) 1 0 0 1
49 Sirya Sirya (SYR) 1 0 0 1
54 Arhentina Arhentina (ARG) 0 2 1 3
55 Namibya Namibya (NAM) 0 2 0 2
55 Eslobenya Eslobenya (SLO) 0 2 0 2
57 Austria Austria (AUT) 0 1 2 3
58 Malasya Malasya (MAS) 0 1 1 2
58 Moldoba Moldoba (MDA) 0 1 1 2
58 Usbekistan Usbekistan (UZB) 0 1 1 2
61 Aserbayan Aserbayan (AZE) 0 1 0 1
61 Bahamas Bahamas (BAH) 0 1 0 1
61 Tsinong Taipei Tsinong Taipei (TPE) 0 1 0 1
61 Latbiya Latbiya (LAT) 0 1 0 1
61 Pilipinas Pilipinas (PHI) 0 1 0 1
61 Tongga Tongga (TGA) 0 1 0 1
61 Zambia Zambia (ZAM) 0 1 0 1
68 Heorhiya Heorhiya (GEO) 0 0 2 2
68 Moroko Moroko (MAR) 0 0 2 2
68 Trinidad at Tobago Trinidad at Tobago (TRI) 0 0 2 2
71 Indiya Indiya (IND) 0 0 1 1
71 Israel Israel (ISR) 0 0 1 1
71 Litwaniya Litwaniya (LTU) 0 0 1 1
71 Mehiko Mehiko (MEX) 0 0 1 1
71 Monggolya Monggolya (MGL) 0 0 1 1
71 Musambik Musambik (MOZ) 0 0 1 1
71 Portoriko Portoriko (PUR) 0 0 1 1
71 Tunisya Tunisya (TUN) 0 0 1 1
71 Uganda Uganda (UGA) 0 0 1 1
Lahat-lahat 271 273 298 842

Mga tampok na pangyayari[baguhin]

Pambabaeng 100 m luksuhan sa Olimpikong istadyum

Isang tala ng 197 bansa, lahat ng mga kasalukuyang bansang-kasapi ng IOC, na may talang 79 sa kanila ay napanalunan ng hindi bababa sa isang medalya. Pinayagan ang Palestina na lumahok sa Olimpiko sa unang pagkakataon. Sa unang pagkakataong din, ang mga Olimpikong medalya ay napanalunan ng mga manlalaro mula sa Armenya, Aserbayan, Belarus, Burundi, Ekwador, Eslobakya, Giyorgya, Hong Kong, Kasakstan, Moldoba, Musambike, Tongga, Ukrayna, at Usbekistan. Nanalo si Lee Lai Shan ng gintong medalya sa paglalayag, ang kaisa-isang Olimpikong medalya na napanalunan ng Hong Kong bilang Britanikong kolonya (1952-1997). Ang ibig sabihin sa panahong ito, ang watawat na pangkolonya ng Hong Kong ay itinaas na may pambansang awit ng Britanyang God Save the Queen (Iniligtas ng Poong Maykapal ang Reyna), bilang kahigpunuan ng Hong Kong na kasunod inilipat sa Tsina noong 1997.

Napasinaya ang mga larong sopbol, pambaybaying balibol at pamimisikletang pambundok sa Olimpikong programa, kasama ang pambabaeng saker/putbol at pangmagaan na timbang na paglalayag.

  • Nagsindi si Muhammad Ali ng Olimpikong apoy sa seremonya ng pagbubukas ng palaro at nakatanggap ng kapalit na gintong medalya para sa kanyang tagumpay sa boksing sa Palarong Olimpiko sa Tag-init 1960.
  • Tumindig ang Eslobenong manlalaro ng himnastika na si Leon Štukelj sa seremonya ng pagbubukas bilang isa sa pinakamatandang nabubuhay na manlalaro sa buong daigdig (taong 97)
  • Si Naim Suleymanoglu ay naging unang manlalaro ng pagbuhat ng mga pabigat na nanalo ng tatlong gntong medalya.
  • Nanalo si Donovan Bailey ng Kanada ng panlalaking 100 m, nakapagtala ng bagong tala ng 9.84 na segundo sa panahong iyon. Inangkla rin niya ang ginto ng kanyang kuponan sa 4x100 m pagpasa ng baton.
  • Nanalo si Michael Johnson ng ginto sa parehong 200 m at 400 m, na nakatala ng bagong tala ng 19.32 segundo sa 200 m. Pagkatapos nagsimulang makipaglaban sa di-opisyal na pamagat ni Bailey bilang "pinakamalakas na tao sa daigdig", na kasunod humantong sa 150-metrong karera sa pagitan ng dalawa upang isaayos ang isyu.
  • Napantayan ni Marie-José Perec ang pagsasagawa ni Johnson, bagama't walang pandaigdigang tala, sa pamamagitan ng pambihirang dalawahang 200 m/400 m.
  • Nanalo si Carl Lewis sa kanyang ika-4 na medalyang ginto ng malayuang lundag sa taon ng 35. Naghati sina Lewis, Paavo Nurmi at Mark Spitz ng tala para sa pinakamaraming Olimpikong medalyang ginto (9) hanggang sa pag-aabot ni Michael Phelps ng 14 na may kanyang walong gintong medalya sa Beijing.
  • Tinanggap ang mga propesyonal sa pamimisikleta sa Olimpiko, kasama si Miguel Indurain na nanalo nang limang beses sa Tour de France (Paglalakbay sa Pransiya) kung saan nanalo sa pampasinayang kaganapang pangisahang pagsubok na oras.
  • Nanalo si Michelle Smith ng Irlanda ng tatlong gintong medalya at isang tansong medalya sa paglalangoy. Napanatili niya bilang pinakamagawad na Olimpiyana. Gayumpaman, ang kanyang mga tagumpay ay nabalutan ng mga bintang sa paggamit ng narkotiko kahit hindi lumabas sa kanya na positibo noong 1996. Nakatanggap siya ng suspensiyon sa apat na taon noong 1998 sa pakikialam ng sampol sa ihi, kahit ang kanyang mga medalya at mga tala ay mapanatili sa kanya.
  • Si Kerri Strug ng pambabaeng kuponan ng Mga Nagkakaisang Estado sa himnastika ay lumukso na may sugatang bukung-bukong at bumaba sa isang paa.
  • Nanalo si Amy Van Dyken ng apat na gintong medalya sa Olimpikong paglalangoy, ang unang Amerikana na nanalo ng apat na titulo sa isang Olimpiyada.
  • Si Deon Hemmings ay naging unang babae na nanalo ng Olimpikong medalyang ginto para sa Hamayka at sa nagsasalitang-Inggles na Kanlurang Indiyas
  • Nadiskwalipika ang mga limang manlalaro dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na droga. Ang ilang sa mga manlalaro ay ibinalik mula ipinahayag na iligal ang droga na ginamit nila sa isang linggo lamang bago ang Olimpiko.
  • Nanalo si Andre Agassi ng gintong medalya sa tenis. Ito ay nakakatulong sa kanya bilang unang lalaking manlalaro na nanalo ng karerang Malaking Talak.
  • Nanalo si Kurt Angle ng mga Nagkakaisang Estado ng gintong medalya sa 100 kg (220 libra) malayang-estilong pagbubuno habang naghihirap sa nabaling leeg.
  • Si Deng Yaping ng Tsina ay nanalo ng dalawang gintong medalya sa mga Pambabaeng isahang at dalawahang pingpong. Nanalo siya sa mga dalawang titulong ito sa Olimpikong Barselona 1992.
  • Ang pambabaeng kuponan ng saker ng Mga Nagkakaisang Estado ay nanalo ng gintong medalya sa unang kaganapan ng pambabaeng saker.
  • Nanalo si Xeno Müller ng ginto para sa Panlalaking isahang kaganapang sagwan (pagsasagwan) sa kanyang unang Olimpikong pagpapalabas. Ang kanyang oras na 6:44.85 ay nananatiling kasalukuyang Olimpikong tala.

Silipin din[baguhin]

Sanggunian[baguhin]


Mga panlabas na kawing[baguhin]

Sinundan:
Barselona
Palarong Olimpiko sa Tag-init
Punong-abalang Lungsod

Ika-XXVI na Olimpiyada (1996)
Susunod:
Sidney