Palarong Olimpiko sa Tag-init 2020

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Palaro ng Ika-XXXII Olimpiyada
Punung-abalang lungsod Tokyo, Hapon
Seremonya ng pagbubukas
Seremonya ng pagtatapos
Estadyo

Ang Palarong Olimpiko sa Tag-Init 2020, na kinilala nang opisyal bilang Palaro ng Ika-XXXII Olimpiyada, ay isang pandaigdigang palarong pampalakasan na itinakdang isasagawa mula 24 Hulyo – 9 Agosto 2020 sa lungsod ng Tokyo, Hapon. Nahalal ang lungsod na ito noong 7 Setyembre 2013 sa ika-125 sesyon ng Pandaigdigang Lupong Olimpiko sa Buenos Aires, Arhentina.[1]

Ang Lungsod ng Tokyo ay dati naging punong abala ng Palarong Olimpiko sa Tag-init 1964.

Pag-anyaya[baguhin]

Ang Tokyo, Istanbul at Madrid ang tatlong opisyal na kandidato sa pagka-punong abalang lungsod. Natanggap din ng IOC ang mga anyaya galing Baku at Doha ngunit hindi ito tumuloy sa proseso ng pagkakandidato. Binawi naman ang anyaya galing sa Roma.

Narito ang resulta ng halalan na ginanap sa Buenos Aires, Arhentina:

Halalan para sa Pagkapunong-abalang Lungsod 2020 — mga resultang pambalota
Lungsod Bansa (NOC) Unang Yugto Muling paglalaro Ika-2 Yugto
Tokyo Watawat ng Japan Hapon 42 60
Istanbul Watawat ng Turkiya Turkiya 26 49 36
Madrid Watawat ng Spain Espanya 26 45

Mga sanggunian[baguhin]