Pumunta sa nilalaman

Mga Aklat ng mga Hari

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa 2 Hari)
Mga Aklat ng Bibliya

Ang Mga Aklat ng mga Hari o Book (s) of Kings (Hebreo: Sepher M'lakhim, ספר מלכים‎ - ang dalawang mga aklat na orihinal na isa [1]) na nagtatanghal ng isang salaysay ng kasaysayan ng sinaunang Israel at Judah mula sa kamatayan ni David hanggang sa pagpapalaya ng kanyang kahaliling si Jehoiachin mula sa pagkakabilanggo sa Babilonia na isang yugto ng mga 400 taon (c.960-560 BCE).[2] Ito ay nagwawakas sa isang serye ng mga historikal na aklat na mula Aklat ni Josue hanggang Aklat ng mga Hukom at Mga Aklat ni Samuel, na ang kabuuang layunin ay upang magbigay ng isang teolohikal na paliwanag sa pagkawasak ng kahariang Hudyo ng Imperyong Neo-Babilonya noong 587/586 BCE at isang pundasyon ng pagbabalik mula sa pagkakatapon sa Babilonya.[2]

Ang mga Hari ay nagsisimula sa kamatayan ni David kung saan si Yahweh na diyos ng mga Israelita ay nangako ng isang walang hangganan dinastiya at paghahali ng kanyang anak na si Solomon. Si Solomon ay pinuri sa kanyang karunungan at kayamanan ngunit kanyang nasiphayo si Yahweh sa pamamagitan ng pagpayag ng pagsamba ng ibang mga diyos sa Herusalem. Dahil dito, hinati ng diyos na si Yahweh ang kaharian sa dalawa na ang linya ni David ay naghahari sa katimugang Kaharian ng Judah at isang hiwalay na Kaharian ng Israel (Samaria) sa hilaga. Ang mga hari ng Israel ay pare parehong masama na pumayag sa ibang mga diyos maliban kay Yahweh na sambahin at kalaunan ay idinulot ni Yahweh ang pagkawasak ng kaharian. Ang ilan sa mga hari ng Judah ay mabuti ngunit ang karamihan ay masama kaya kalaunan ay winasak rin ni Yahweh ang kahariang ito.

Kasaysayang tekstuwal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa orihinal na Bibliyang Hebreo, ang Una at Ikalawang mga Hari ay isang aklat tulad ng Una at Ikalawang Samuel. Nang ito ay isalin sa Griyego noong huli ng mga siglo BCE, ang mga Hari ay pinag-isa ni Samuel sa isang apat na bahaging akdang tinatawag na Aklat ng mga Kaharian. Ang sangay ng Kristiyanismong Simbahang Ortodokso ng Silangan ay patuloy na gumagamit ng saling Griyegong Septuagint ngunit nang ang isang saling Latin na tinatawag na Vulgate ay ginawa para sa kanlurang iglesia, ang Mga Kaharian ay muling binigyan ng pamagat na Aklat ng mga Hari, bahaging isa hanggang apat at kalaunang ang parehong Mga Hari at Samuel ay inihiwalay sa dalawang aklat bawat isa. [3]

Kasaysayang Deuteronomistiko

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa tradisyong Hudyo, ang may-akda ng Mga Hari ay si Jeremias na sinasabing nabuhay sa panahon ng pagbagsak ng Herusalem noong 586 BCE.[4] Ang pinakaraniwang pananawa na tinatanggap ngayon ng mga iskolar ang tesis ni Martin Noth na ang Mga Hari ay nagwawakas sa isang magkaisang serye ng mga aklat na rumiriplekta sa wika at teolohiya ng Deuteronomio na tinatawag ng mga skolar na Kasaysayang Deuteronomistiko.[5] Ikinatwiran ni Noth na ang Kasaysayan ay akda ng isang indibidwal na namuhay noong ika-6 siglo ngunit ang mga skolar sa kasalukuyang panahon ay tinatrato ito bilang gawa sa dalawang mga patong (layers):[6] ang isang unang edisyon mula sa panahon ni Josias (huli nang ika-7 siglo BCE) na nagtataguyod ng mga repormang relihiyoso at ang pangangailangan ng paghingi ng tawad at ang isang ikalawa at huling edisyon mula sa gitna nang ika-6 siglo BCE.[7] Ang karagdagang mga lebel ng pagbabago (editing) ay iminungkahi kabilang ang isang huli nang ika-8 siglo BCE edisyon na nagtutuo kay Hezekias ng Judah bilang modelo ng pagiging hari. Isang mas naunang ika-8 siglong bersiyon na may parehong mensahe ngunit tumutukoy kay Jehu ng Israel bilang kanais nais na hari. At isa pang mas naunang bersiyon na nagtataguyod sa Bahay ni David bilang susi ng pambansang kabutihan.[8]

Mga pinagkunan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang mga editor/may akda ng kasaysayang Deuteronomistiko ay nagbabanggit ng ilang mga pinagkunan kabilang halimbawa ang "Aklat ng mga Gawa ni Solomon" at kadalasan ang "Annals ng mga Hari ng Judah" at isang hiwalay na aklat na "Mga Kronika ng mga Hari ng Israel". Ang persperktibong Deuteronomiko (ng aklat ng Deuteronomio) ay partikular na ebidente sa mga panalangin at pananalumpating sinalita ng mga mahahalagang pigura pangunahing puntong transisyonn: ang pananalumpati ni Solomon sa dedikasyon ng Templo ay isang mahalagang halimbawa.[7] Ang mga pinagkunan ay mabigat na binago (edited) upang matagpo ang agendang Deuteronomistiko,[9] ngunit sa pinakamalawak na kahulugan ang mga ito ay lumilitaw na:

  • Para sa natitirang paghhari ni Solomon, ang mga pangalan ng teksto ay nagpapapangalan ng pinagkunan nito bilang "ang aklat ng mga gawa ni Solomon" ngunit ang ang ibang pinagkunan ay ginamit ang ang karamihan ay idinagdag ng isang redactor.
  • Israel at Judah: Ang dalawang mga "kronika" (chronicles) ng Israel at Judah ay nagbibigay ng balangkas kronolohikal ngunit ang ilang mga detalye maliban sa paghalili ng mga hari at ang salaysay kung paanong ang Templo ni Solomon ay patuloy na nahubaran bilang tunay na relihiyon ay nasira. Ang ikatlong pinagkunan o hanay ng mga pinagkunan ay mga siklo ng mga kuwento ng iba't ibang mga propeta (Elijah at Elisha, Isaiah, Ahijah at Micaiah) at ilan pang mas maliit na iba ibang mga tradisyon. Ang konklusyon ng aklat (2 Kings 25:18-21, 27–30) ay malamang na nakabatay sa personal na kaalaman.
  • Ang ilang mga seksiyon ay mga karagdagang editoryal na hindi batay sa mga pinagkunan. Ang mga ito ay kinabibilangan ng iba't ibang mga hula ng pagbagsak ng hilagang kaharian na katumbas na hula sa pagbagsak ng Judah kasunod ng paghahari ni Manasseh, ang ekstensiyon ng mga reporma ni Josias ayon sa mga batas ng Deuteronomio at ang pagbabago ng salaysay mula sa kay Jeremias tungkol sa mga huling araw ng Judah.[10]

Mga katangiang tekstuwal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang pamantayang tekstong Hebreo ng Mga Hari ay nagtatanghal ng isang imposibleng kronolohiya.[11] Ang isang halimbawa nito ang pag-akyat ni Omri sa trono ng Israel sa ika-31 taon ni Asa ng Judah (1 Hari 16:23) ay hindi maaaring sumunod sa kanyang predesesor na si Zimri sa ika-27 taon ni Asa (1 Hari 16:15).[12] Tinuwid ng tekstong Griyego ang mga imposibilidad na ito ngunit hindi ito tila kumakatawan sa isang mas naunang bersiyon.[13] Ang ilang mga aklat ay nag-angkin na lumutas sa mga kahirapang ito ngunit ang mga ito ay magkakasalungat at hindi rin nasolusyonan[14][15] [16]

Kaharian ng Juda

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa 1 Hari 14:21, si Rehoboam ay naghari ng 17 taon at si Abijam nang 3 taon(1 Hari 15:2) sa kabuuang 20 taon kaya si Asa ay dapat naghari noong ika-21 toan ni Jeroboam at hindi ika-20 taon ayon sa 1 Hari 15:9. Si Asa ay naghari nang 41 taon at ang kanyang kahalili na si Jehoshaphat ay dapat magsimulang maghari noong ika-12 taon ni Omri na 2 taon kasama ni Jeroboam, 2 taon kasama ni Nadab, 24 kay Baasha at 11 taon kay Omri na kabuuang 41 taon ngunit siya ay naghari sa ika-4 na taon ni Ahab(2 Hari 22:41) na mas marami nang 4 na taon. Si Jehoram ay humalili at si Jehoshaphat ay naghari nang 25 taon(2 Hari 22:42) sa ika-1 taon ni Jehoram ngunit ayon sa 2 Hari 8:16 ay naghari noong ika-5 taon ni Jehoram ng Israel. Si Jehoram ay naghari nang walong taon (2 Hari 8:16) at kaya ay si Ahazias ay dapat maghari noong ika-19 taon ni Jehoram at hindi ika-12 taon ni Jehoram(2 Hari 8:25) o ika-11 taon ni Jehoram(2 Hari 9:29). Si Jehoash ay dapat maghari sa ika-4 na taon ni Jehu dahil si Ahazias ay naghari nang 1 taon(2 Hari 12:1) at si Athaliah ay naghari nang 6 na taon (2 Hari 11:3) ngunit siya ay naghari sa ika-7 taon ni Jehu(2 Hari 12:1). Si Amazias ay dapat maghari sa ika-16 taon ni Jehoahaz dahil si Jehoash ay naghari nang 40 taon(2 Hari 12:1) ngunit nagsimula sa ika-2 ni Jehoash(2 Hari 14:1). Si Azarias ay dapat maghari sa ika-12 taon ni Jeroboam II dahil si Amazias ay naghari nang 29 taon(2 Hari 14:2) ngunit naghari sa ika-27 taon ni Jeroboam(2 Hari 15:1). Si Jotham ay dapat maghari sa ika-64 taon ni Jeroboam II ay naghari sa ika-2 taon ni Pekah(2 Hari 15:32) dahil si Azarias ay naghari nang 16 taon(2 Hari 15:33). Kung si Jeroboam II ay naghari sa ika-15 ni Amaziah (2 Hari 14:23) na naghari ng 29 taon, si Uzziah ay naging hari sa ika-15 taon ni Jeroboam at hindi sa ika-27 ni Jeroboam (2 Hari 15:1). Si Ahaz ay dapat maghari sa ika-2 taon ni Pekah dahil si Jotham ay naghari nang 16 taon at naghari sa ika-17 taon ni Pekah(2 Hari 16:1). Kung si Jotham ay naghari ng 16 taon (2 Hari 15:33), hindi posibleng si Hoshea ay naging hari sa ika-20 taon ni Jotham (2 Hari 15:30).Kung si Menahem ay naging hari sa ika-39 taon ni Uzziah(2 Hari 15:17), at ang anak ni Menahem na si Pekaiah ay naging hari sa ika-50 taon ni Uzziah, si Menahem ay dapat naghari nang 12 taon at hindi 10 taon (2 Hari 15:17). Kung si Ahaz ay naging hari sa ika-17 taon ni Pekah(2 Hari 16:1) na naghari nang 20 taon(2 Hari 15:27) at si Hezekias ay naging hari sa ika-3 taon ni Hoshea (2 Hari 18:1), si Ahaz ay dapat naghari nang pitong tain at hindi 16 taon (2 Hari 16:2). Si Hezekias ay dapat magsimula sa ika-18 taon ni Pekah dahil si Ahab ay naghari nang 16 taon(2 Hari 16:2) at naghari sa ika-3 taon ni Hoshea(2 Hari 18:1). Ayon sa Hari 17:1, si Hoshea na anak ni Elah ay naging hari ng Israel sa ika-22 taon ni Ahaz ng Juda at si Hoshea ay naghar nang 9 na taon. Ayon naman sa 2 Hari 18:1,9-10, si Hezekias ay naging hari sa ika-3 taon ni Hoshea. Si Ahazias ay naghari nang siya ay 22 taong gulang ayon sa 2 Hari 8:26 ay naghari sa edad na 42 taon ayon sa 2 Kronika 22:2 na mas matanda nang 2 taon sa kanyang ama. Si Jehoram ay namatay sa edad na 40 taon(2 Kronika 21:5) at ang kanyang anak na humalili sa kanya ay may edad na 42 taon. Si Athaliah ay apo o anak ni Omri at anak ni Ahab (2 Hari 9:20). Kung si Jehoash ay naging hari sa ika-7 taon ni Jehu, at si Jehoahaz na anak ni Jehu ay naging hari sa ika-23 taon ni Jehoash (2 Hari 13:1), si Jehu ay dapat naghari nang 30 taon at hindi 28 taon (2Hari 10:36). Pinapatay ni Jehu ang lahat ng sambahayan ni Ahab kabilang sina Ahazias at lahat ng mga kasapi ng sambahayan ni Ahazias.(2 Hari 9, 2 Kronika 22:7-9, Hosea 1:4) Ayon sa 2 Hari 11:2 at 2 Kronika 22:10, pinapatay ni Athalia(naghari noong ca. 842-837 BCE o 842/841-835) ang lahat ng mga kasapi ng kaharian ng Juda upang siya ang maging reyna. Pagkatapos ng 6 na taon, ang saserdote ng paksiyong maka-Yahweh na si Jehoiada ay nagpakilala ng isang batang lalake na si Jehoash ng Juda na kanyang inangking isa sa mga kasapi ng sambahayang hari ng Juda at pinatay ni Jehoiada si Athalia. Kung si Jehoash ay naging hari sa ika-37 ni Jehoash at si Amaziah na anak ni Jehoash ng Juda ay naging hari sa ika-2 taon ni Jehoash ng Israel(2Hari 14:1), si Jehoash ay dapat naghari ng 38 taon at hindi 40 taon(2 Hari 12:2). Kung si Pekah ay naging hari sa ika-52 taon ni Uzziah(2 Hari 15:27) at si Jotham ay naging hari sa ika-2 taon ni Pekah(2 Hari 15:32), si Uzziah ay dapat naghari nang 53 taon at hindi 52 raon (2 Hari 15:2), Si Jehoash ng Israel ay dapat namatay sa ika-13 taon ni Ahazias na naghari ng 49 taon(2 Hari 14:2) at 3 taon sa paghahari ni Jehoash na naghari nang 40 taon(2 Hari 12:1) at dapat ay naghari ng 16 taon pagkatapos ng kamatayan ni Jehoash ng Juda ngunit ayon sa 2 Hari 14:17 at 2 Kronika 25:26 ay naghari nang 15 taon.Si Hoshea na huling hari ng Kaharian ng Israel (Samaria) ay naghari sa ika-12 taon ni Ahaz(2 Hari 17:1) na sa ika-20 taon ni Jotham ngunit ayon sa Bibliya ay ika-4 na taon ni Ahaz. Tinangka ni Carpente na pagkasunduin ang magkasalungat na mga teksto sa pagsasabing mula sa ika-4 na taon ni Ahaz hanggang sa ika-12 taon, si Hoshea ay soberanya samantalang sa ika-12 taon ay nagpailalim sa Asirya. Inangkin ni Tiglath Pileser III na ginawa niyang hari si Hoshea ngunit nagbibigay ng tributo. Ayon sa 2 Hari 17:1, si Hoshea ang hari ng Israel at naghari nang siyam na taon. Ayon naman sa 2 Hari 18:1, si Hezekias ay naghari sa ika-3 ni Hoshea. Si Pekah ay naghari sa ika-52 taon ni Azarias(2 Hari 17:7) na kanyang huling taon (2 Hari 15:2) at naghari ng 20 taon. Humalili si Jotham kay Azarias at naghari ng 16 taon (2 Hari 15:33) at kaya ay si Ahaz ay na naghari nang 9 na taon(2 Hari 18:1) ay dapat maghari sa ika-12 taon ni Ahaz. Salungat dito, sa kronolohiya ng mga hari ng Kaharian ng Israel (Samaria), si Hoshea ay hindi naghari sa ika-12 taon ni Ahaz ngunit sa ika-4 taon ni Hezekias.

Kaharian ng Israel (Samaria)

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ayon sa 2 Hari 22:51, si Ahazias ng Israel ay nagsimulang sa ika-17 taon ng paghahari ni Jehoshaphat at naghari ng 2 taon at ang sumnod kay Ahazias ng Israel na si Jehoram ng Israel ay naghari noong ika-18 taon ni Jehoshaphat (2 Hari 3:1) na nangangahulugang si Ahazias ng Israel ay naghari lamang ng isang taon. Ayon sa 1 Hari 15:25, si Nadab ay naghari noong ika-2 taon ni Asa at naghari ng 2 taon. Ayon sa 1 Hari 15:28, si Baasha ay naghari noong ika-3 taon ni Asa at naghari ng 24 taon na nangangahulugang ang kahang kahaliling si Zelah ay dapat magsimula sa ika-29 ni Asa sa halip na ika-26 taon ni Asa (1 Hari 16:8). Si Zimri ay naghari sa ika-27 taon ni Asa (1 Hari 16:10) sa halip na ika-31 taon ni Asa.Si Elah ay naghari ng 2 taon (1 Hari 15:25) at si Omri ay naghari sa ika-31 taon ni Asa (1 Hari 16:23) samantalang si Zimri ay naghari lamang ng 7 araw(1 Hari 16:15). Si Omri ay naghari nang 12 taon(1 Hari 16:23) sa ika-31 taon ni Asa ngunit ang sumnod sa kanya na si Ahab ay naghari sa ika-38 taon ni Asa(1 Hari 16:29) sa halip na ika-2 taon ni Jehoshaphat at kaya ay nagtapos sa ika-24 taon ni Jehoshaphat ngunit ang sumunod na si Jehoram ng Israel ay nagsimula sa ika-17 taon ni Jehoshaphat(1 Hari 22:51). Si Ahazias ay naghari ng 2 taon na ika-1 taon ni Jehoram ngunit ayon sa 2 Hari 1:17 ay sa ika-2 taon ni Jehoram samantalang sa 2 Hari 3:1, siya ay naghari sa ika-18 taon ni Jehoshaphat na mas maaga ng 8 taon.Si Ahazias at Jehoram ay naghari ng magkasama nang 14 taon(1 Hari 22:51, 2 Hari 3 1), si Jehu nang 28 taon(2 Hari 10:36) na may kabuuang 42 taon mula sa ika-25 taon ni Jehoshaphat na nangangahulugang ito ang ika-27 taon ni Jehoash dahil sa Jehoshaphat ay naghari nang 25 taon(1 Hari 22:42), si Jehoram nang 8 taon(2 Hari 8:16), si Ahazias nang isang taon(2 Hari 8:26) at si Ataliah nang 6 na taon(2 Hari 11:3) na ibinigay na ika-23 taon ni Jehoash(2 Hari 13:1) ngunit si Jehoaz ay naghari nang 17 taon(2 Hari 13:1). Ito ay gagawa sa sumunod sa kanya sa ika-3 taon ni Amazias ngunit ayon sa 2 Hari 13:10 ay noong ika-37 ni Jehoash na mas kaunti sa 10 taon. Walang direktang sinabi kung gaanon katagal naghari si Jeroboam II ngunit may pahiwatig sa 2 Hari 15:1 na sinasabing si Ahazias ay naghari sa ika-27 taon ni Jeroboam at si Zecarias ay sumunod kay Jeroboam sa ika-38 taon ni Azarias (2 Hari 15:8) at kaya ay si Jeroboam ay naghari nang 65 taon Si Jehoash ng Israel nang ika-40 taon ni Jehoash ng Juda at naghai ng 16 taon(2 Hari 13:10).Si Jeroboam II ay nagsimula sa ika-17 taon ni Amazias at si Zecarias sa ika-1 taon ni Jotham hindi sa ika-38 taon ni Azasia na nangangahulang nawawala ang 15 taon at kaya ay sa mga sumunod na hari ng Israel.

Mga Hari at 2 Kronika

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang 2 Kronika ay sumasakop sa halos parehong yugto ng panahon tulad ng sa Mga Hari ngunit isinawalang bahala nito ng halos buo ng Kaharian ng Israel (Samaria). Si David ay binigyan ng isang malaking tungkulin sa pagpaplano ng Templo, si Hezekias ay binigyan ng isang mas malawak na programa ng reporma at si Manasseh ay binigyan ng oportunidad na magsisi sa kanyang mga kasalanan upang ipaliwanag kanyang mahabang paghahari.[17] Karaniwang ipinagpapalagay na ang may-akda ng mga Kronika ay gugamit sa Mga Hari bilang pinagkunan at muling isinulat ang kasaysayan nito kung paano niya ito ninais.[17]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Fretheim, p.1
  2. 2.0 2.1 Sweeney, p.1
  3. Tomes, p.246
  4. Spieckermann, p.337
  5. Perdue, xxvii
  6. Wilson, p.85
  7. 7.0 7.1 Fretheim, p.7
  8. Sweeney, p.4
  9. Van Seters, p.307
  10. McKenzie, pp.281-284
  11. Nelson, p.43
  12. Nelson, pp.43-44
  13. Nelson, p.44
  14. Moore & Kelle, pp.269-271
  15. Edwin Thiel, Mysteruous Numbers of Hebrew Kings
  16. Gleason Archer, bible difficulties.
  17. 17.0 17.1 Sutherland, p.247

Bibliograpiya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Mga Komentaryo sa Mga Hari

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Fretheim, Terence E (1997). First and Second Kings. Westminster John Knox Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Pangkalahatan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Knight, Douglas A (1995). "Deuteronomy and the Deuteronomists". Sa James Luther Mays, David L. Petersen and Kent Harold Richards (pat.). Old Testament Interpretation. T&T Clark.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Sutherland, Ray (1991). "Kings, Books of, First and Second". Sa Watson E. Mills, Roger Aubrey Bullard (pat.). Mercer Dictionary of the Bible. Mercer University Press.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)