Kapangyarihang Alyados (Ikalawang Digmaang Pandaigdig)
Ang Mga Alyado ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig o Mga Alyado (Ingles: The Allies of World War II o Allies) ay mga bansáng lumaban sa Kapangyarihang Aksis noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pagitan ng 1939 at 1945. Ang mga dating estadong Aksis na nag-ambag sa pagkapanalo ng Mga Alyansa ay hindi itinuturing na mga estado ng Mga Alyado. Ang mga Alyado ay nasangkot sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig dahil sila ay sinakop, o direktang binantaan ng pagsakop ng Aksis o dahil ito ay nabahala na kontrolin ng Kapangyarihang Aksis ang buong mundo.
Ang mga koalisyong kontra-Alemanya sa simula ng digmaan noong 1 Setyembre 1939 ay binubuo ng Pransiya, Polonya, at Britanya at ang mga dominyóng bahagi ng Komonwelt ng Britanya ng Australia, New Zealand, Canada at ang Unyon ng Timog Aprika. Pagkatapos nang 1941, ang mga pinuno ng Komonwelt ng Britanya, ang Unyon ng mga Republikang Sosyalistang Sobyet (USSR) at ang Estados Unidos na kilala na "Big Three" ("malaking tatlo") ang humawak ng pamumuno ng mga Kapangyarihan ng Magkaka-Alyado. Sa panahong ito, ang Tsina ay isa ring malaking kaalyado. Ang ibang mga Kaalyansa ay kinabibilangan ng Bélhika, Brasil, Tsekoslobakya, Etiyopya, Gresya, India, Mehiko, Olanda, Noruwega at Yugoslabya.
Noong Disyembre 1941, ang pangulo ng Estados Unidos ng Amerika na si Franklin Roosevelt ay nilikha ang pangalang "Mga Nagkakaisang Bansa" upang tukuyin ang mga Alyado. Kaniyang tinukoy ang "Malaking Tatlo" at Tsina bilang "pinagkakatiwalaan ng makapangyarihan" at kalaunan ay "Apat na Pulis". Ang deklarasyon ng Nagkakaisang mga Bansa noong 1 Enero 1942 ang naging basehan ng modernong Nagkakaisang Bansa. Sa Kumperensiya ng Potsdam noong Hulyo-Agosto 1945, ang kahalili ni Roosevelt na si Harry S. Truman ay nagmungkahing ang mga kalihim pandayuhan ng Tsina, Pransiya, ang Unyong Sobyet, Britanya at Amerika ay "dapat lumikha ng mga kasunduang kapayapaan at hangganang tirahan ng Europa" na nagresulta sa pagkakalikha ng "Konseho ng mga Kalihim Pandayuhan".