Pumunta sa nilalaman

Angela Merkel

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Angela Merkel
Angela Merkel


Panunungkulan
22 November 2005 – 8 December 2021
Pangulo Horst Köhler
Deputy Frank-Walter Steinmeier
Sinundan si Gerhard Schröder
Sinundan ni Olaf Scholz

Panunungkulan
17 Nobyembre 1994 – 26 Oktubre 1998
Kansilyer Helmut Kohl
Sinundan si Klaus Töpfer
Sinundan ni Jürgen Trittin

Panunungkulan
18 Enero 1991 – 17 Nobyembre 1994
Sinundan si Hannelore Rönsch
Sinundan ni Claudia Nolte

Kapanganakan 17 Hulyo 1954
Hamburg, West Germany
Partidong politikal CDU
Asawa Ulrich Merkel (div.)
Joachim Sauer
Alma mater University of Leipzig
Propesyon Physicist
Relihiyon Protestant (Lutheran)

Si tungkol sa tunog na ito Angela Dorothea Merkel  (IPA: [ˈaŋɡela doʁoˈteːa ˈmɛɐ̯kəl]) (ipinanganak Angela Dorothea Kasner, 17 Hulyo 1954, sa Hamburg, West Germany), ay ang Kansilyer ng Alemanya. Si Merkel, nahalal sa Parlamentaryo ng Alemanya mula sa Mecklenburg-Vorpommern, ay naging tagapangulo ng Christian Democratic Union (CDU) mula Ika-9 ng Abril taong 2000, at Tagapangulo ng grupo ng partidong pangparlamentaryo na CDU-CSU mula 2002 hanggang 2005. Siya ang namumuno sa Grand coalition na may kaakibat na Partido pampolitika, ang Christian Social Union (CSU), at sa Social Democratic Party of Germany (SPD), na naboto matapos ang 2005 federal election noong 22 Nobyembre 2005.

Taong 2007, si Merkel ay naging Pangulo ng European Council at tagapangulo ng G8. Malaki ang naging papel niya sa negosasyon sa Treaty of Lisbon at sa Berlin Declaration. Gayun din naman sa mga polisiyang pangdomestiko, kalusugan at mga problema sa pagpapaunlad ng enerhiya.

Si Merkel ang unang babaeng Kansilyer ng Alemanya. Itinuturing siyang pinakamakapangyarihan babae sa buong daigdig sa kasalukuyang panahon ng Forbes Magazine. Taong 2007 naging pangalawang babae siya na naupo bilang tagapangulo ng G8 sumunod kay Margaret Thatcher.

Taong 2008 nakamit niya ang Charlemagne Prize "para sa kanyang mga hakbang na ireporma ang Unyong Europeo". Ang gantimpala ay iprinisenta ni Nicolas Sarkozy.