Pumunta sa nilalaman

Aralin na pangsilangang Europa

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang aralin na pangsilangang Europa ay isang programa ng pag-aaral na tumutuon sa kasaysayan, lipunan, politika, kultura, ekonomiya, heograpiya, gawi ng migrasyon,[1] at katakdaan ng pag-iisip[2] ng isang tao o mga tao ng Silangang Europa,[1] upang makapagbigay ng kaalaman at upang maunawaan ang mahalagang pook na ito ng mundo.[3] Kabilang sa mga pook na ito ang Albania, Bosnia at Herzegovina, Bulgaria, Croatia, Republikang Tseko, Estonia, Hunggarya, Kosovo, Latvia, Lithuania, Masedonia, Montenegro, Polonya, Rumanya, Serbia, at Islobenya.[3] Ang mga nag-aaral ng araling ito ay karaniwang nakakaalam ng kahit na isa sa mga wika ng Silangang Europa upang maging mas maginhawa o madali ang pag-unawa ng mga kultura at kaisipan ng mga taong naninirahan o nagmula sa Silangang Europa.[2] Kaugnay ng araling ito ang aralin na panggitnang Europa.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Central / Middle and Eastern European Studies, myplan.com
  2. 2.0 2.1 East European Studies Online Naka-arkibo 2012-11-14 sa Wayback Machine., Freie Universität Berlin (FU), ees-online.org
  3. 3.0 3.1 East European Studies Program Naka-arkibo 2012-07-05 sa Wayback Machine., American Council of Learned Societies, acls.org


EuropaEdukasyon Ang lathalaing ito na tungkol sa Europa at Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.