Hungriya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Hunggarya)
Hungriya
Magyarország (Hungaro)
Eskudo ng Hungriya
Eskudo
Awitin: Himnusz
"Himno"
Kinaroroonan ng  Hungriya  (dark green) – sa Europe  (green & dark grey) – sa the European Union  (green)  —  [Gabay]
Kinaroroonan ng  Hungriya  (dark green)

– sa Europe  (green & dark grey)
– sa the European Union  (green)  —  [Gabay]

Kabisera
at pinakamalaking lungsod
Budapest
47°26′N 19°15′E / 47.433°N 19.250°E / 47.433; 19.250
Wikang opisyalHungaro
KatawaganHungaro
PamahalaanUnitaryong republikang parlamentaryo
• Pangulo
Katalin Novák
Viktor Orbán
LehislaturaOrszággyűlés
Foundation
895[1]
25 December 1000[2]
24 April 1222
29 August 1526
2 September 1686
15 March 1848
30 March 1867
4 June 1920
23 October 1989
• Joined NATO
12 March 1999
1 May 2004
Lawak
• Kabuuan
93,030[3] km2 (35,920 mi kuw) (108th)
• Katubigan (%)
3.7[4]
Populasyon
• Pagtataya sa 2023
9,678,000[5] (92nd)
• Densidad
105/km2 (271.9/mi kuw) (78th)
KDP (PLP)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $421.683 billion[6] (54th)
• Bawat kapita
Increase $43,601[6] (42nd)
KDP (nominal)Pagtataya sa 2023
• Kabuuan
Increase $203.829 billion[6] (58th)
• Bawat kapita
Increase $21,075[6] (57th)
Gini (2020)28.3[7]
mababa
TKP (2021)Increase 0.846[8]
napakataas · 46th
SalapiForint (HUF)
Sona ng orasUTC+1 (CET)
• Tag-init (DST)
UTC+2 (CEST)
Ayos ng petsayyyy. mm. dd.
Gilid ng pagmamanehoright
Kodigong pantelepono+36
Internet TLD.hu[a]
  1. ^ The .eu domain is also used, as it is shared with other European Union member states.

Ang Hungriya (Hungaro: Magyarország) ay bansang walang pampang sa Gitnang Europa. Hinahangganan ito ng Eslobakya sa hilaga, Ukranya at Rumanya sa silangan, Serbiya at Kroasya sa timog, Eslobenya sa timog-kanluran, at Austria sa kanluran. Sumasaklaw ito ng lawak na 93,030 km2 at may populasyon na 9.7 milyon. Ang kabisera at pinakamalaking lungsod nito ay Budapest.

Pagkatapos ng sunod-sunod na paghahalinhinan ng mga Celt, Romano, Hun, Slav, Gepid, at Avar, ang mga pundasyon ng Unggarya ay naitatag noong ika-siyam na siglo ni Prinsipe Árpád sa katapusan ng Honfoglalás ("pagsakop-sa-lupang-sinilangan"). Naging Kristiyanong kaharian ang Unggarya nang naging pinuno ang kaniyang apo-sa-tuhod na si Stephen I noong 1000 CE. Sa pagdating ng ika-12 siglo, naging isang panggitnang kapangyarihan ang kaharian sa Europa. Pagkatapos ng Labanan sa Mohács nooong 1526 at isa't kalahating siglo ng di-lubusang panankop ng mga Ottomanong Turko (1541-1699), napasailalim sa kontrol ng mga Habsburg ang Unggarya, at naging bahagi ng Austro-Unggaryong Imperyo.

Kasaysayan[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kapitolyong lungsod na Budapest.

Ang mga hangganan ng Unggarya ay itinakda sa Tratado ng Trianon (1920) pagkatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig, kung saan nawala sa Unggarya ang 71% ng lupain nito, 58% ng populasyon nito, at 32% ng mga Unggaryo. Nakipag-alyansa ito sa mga Axis Powers noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Napasailalim ito ng kontrol ng Unyong Sobyet pagkatapos ng digmaan, at naitatag rito ang apat-na-dekadang diktaturyang komunista (1947-1989). Natanyag ang bansang ito dahil sa Himagsikan ng 1956 at sa pagbubukas nito ng mga hangganan sa Austria nooong 1989, na nagpabilis sa pagbagsak ng Silangang Harang.

Noong 23 Oktubre 1989, naging isang demokratikong parliamentaryong republika muli ang Unggarya. Isang sikat na destinasyon ng mga turista ang Unggarya, na may bumisitang 10.675 milyong turista kada taon (2013). Dito matatagpuan ang pinakamalaking sistema ng bukal at ikalawa sa pinakamalaking mainit na lawa sa daigdig (Lawa ng Hévíz), ang pinakamalaking lawa sa Gitnang Europa (Lawa ng Balaton), at pinakamalaking damuhan sa Europa (Hortobágy National Park).

Ang mga lungsod sa mapa sa Hungary

Ilan sa pinakamalalaking lungsod sa Unggarya ay and Budapest, Debrecen, Szeged, Miskolc, at Pécs.[9] Ang Budapest ay may tinatayang higit na tatlong milyon ng populasyon sa 23 distrito nito. Parte ng populasyon ay binubuo rin ng maraming turista at mga imigrante.

Talababa[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

  1. Encyclopedia Americana: Heart to India. Bol. 1. Scholastic Library Pub. 2006. p. 581. ISBN 978-0-7172-0139-6.
  2. University of British Columbia. Committee for Medieval Studies, Studies in medieval and renaissance history, Committee for Medieval Studies, University of British Columbia, 1980, p. 159
  3. "Hungary". CIA The World Factbook. Nakuha noong 27 March 2014.
  4. "CIA World Factbook weboldal". Nakuha noong 3 June 2009.
  5. "22.1.1.1. Main indicators of population and vital events". www.ksh.hu. Hungarian Central Statistical Office (KSH). Nakuha noong 9 February 2022.
  6. 6.0 6.1 6.2 6.3 "World Economic Outlook Database, October 2023 Edition. (Hungary)". IMF.org. International Monetary Fund. 10 October 2023. Nakuha noong 11 October 2023.
  7. "Gini coefficient of equivalised disposable income – EU-SILC survey". ec.europa.eu. Eurostat. Nakuha noong 9 August 2021.
  8. "Human Development Report 2021/2022" (PDF) (sa Ingles). United Nations Development Programme. 8 September 2022. Nakuha noong 8 September 2022.
  9. "Biggest Cities in Hungary." World Atlas. Hinango noong 26 Disyembre 2018.


Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.