Pumunta sa nilalaman

Mga wikang Austronesyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Austronesyanong wika)
Austronesian
Distribusyong
heograpiko:
Maritimong Timog-Silangang Asya, Oseanya, Madagaskar, Taiwan, Sri Lanka, Lanka archipelago
Klasipikasyong lingguwistiko:Isa sa mga pangunahing pamilya ng mga wika ng mundo
Proto-wika:Proto-Awstronesyo
Mga subdibisyon:
Nuclear Austronesian
     Iba pang mga wikang Pormosyano
     (higit pang mga pangunahing sanga)
      Malayopolinesyo
ISO 639-2 at 639-5:map

Distribusyon ng mga wikang Awstronesyo

Ang mga wikang Austronesyo o Awstronesyo (Wikang Espanyol: len·guas aus·tro·ne·sias; Ingles: Austronesian languages) ay isang pamilyang wika na malayang nakakalat sa mga kapuluan ng Timog-Silangang Asya at ng Pasipiko, na may ibang kasapi ginagamit sa mismong kontinente ng Asya. Katulad siya ng mga mag-anak na wikang Indo-Europeo, Apro-Asyatiko, at Uraliko bilang isa sa mga tanging establisadong mga sinaunang pamilyang wika. Ang pangalang Awstronesyo ay nagmula sa Lating auster (hangin mula sa timog), at ng Griyegong nêsos (pulo). Ang naturang pamilya ay pinangalanan bilang sa pangmadlang ng mga wikang Awstronesyo na ginagamit sa mga kapuluan: ngunit may mga wika tulad ng Malay at mga Wikang Tsamiko, na katutubo sa mismong kontinente ng Asya. Karamihan sa mga wikang Awstronesyo ay kaunting katutubong tagapagsalita, ngunit ang mga pangunahing wikang Awstronesyo ay ginagamit ng milyun-milyong katao. Si Otto Dempwolff, isang Alemang iskolar, ay ang unang tagapagsaliksik na malayong nassaliksik ang Awstronesyo ayon sa tradisyonal na paraang paghahambing.

Iba't ibang pinagmumulan ng mga wika ang naiiba, ngunit ang Austronesian at Niger-Congo ay ang dalawang pinakamalaking pamilya ng wika sa mundo sa bilang ng mga wika na naglalaman ng mga ito, bawat isa ay may halos isang-ikalima sa kabuuang wika na binibilang sa mundo. Ang heograpikong pagkakalat ng mga lupain ng mga wika ay isa sa mga pinakamalawak, na nagsisimula sa Madagaskar hanggang sa Pulo ng Paskuwa. Ang mga wikang Hawayano, Rapanui at Malgatse (ginagamit sa Madagaskar ay ang mga hangganang heograpiko ng pamilyang Awstronesyo.

Ang pamilyang Awstronesyo ay may maraming pangunahing sanga, maliban sa isa na matatagpuan lamang sa Taywan. Ang mga wikang Pormosyano ng Taiwan ay ipinangkat bilang kasingdami ng siyam na unang subgrupo ng Awstronesyo. Ang lahat ng wikang Awstronesyo na ginagamit sa labas ng Taiwan (kasama ang Wikang Yami) ay nabibilang sa sangang Malayo-Polinesyo, na minsan ding tinatawag na Extrapormosyano.

Marami sa mga wikang Awstronesyo ang nagungulang ng mahabang kasaysayan ng nakasulat na atestasyon (patotoo ng pag-iral). Ang pinakalumang inskripsyon sa wikang Tsam, ang Inskripsyong Đông Yên Châu, na tinatayang naisagawa noong ika-6 na siglo sa pinakahuli nito, ay ang unang patotoo rin ng isang wikang Awstronesyo.

Kabalangkasan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga bansang Malayo-Polinesyo
Mga bansang Oseaniko

Sadyang mahirap ang pagbigay ng tuntuning panlahat ng tungkol sa wika na ganap na diberso katulad ng Awstronesyo. Sa pangakalahatan, mahahati ang Awstronesyo sa tatlong pangkat ng mga wika: Pilipino (Philippine type), Indonesyo at Post-Indonesyo.

  • Nabibilang sa unang pangkat, bukod sa mga wika ng Pilipinas, ang mga wikang Awstronesyo ng Taiwan, Sabah, hilagang Sulawesi at Madagaskar. Pangunahing mayroong katangian ang mga iyon ng pagpapanatili ng orihinal na sistemang Philippine-type voice alternations kung saan karaniwang binibigyang-tiyak ng mga tatlo o apat na tinig kung aling semantiko ang binibigyang-papel ang "paksa" na binibigyang-pahayag (maaaring bigyang-pahayag ang tagagawa, ang binibigyang-gawa, ang kinaroroonan at ang benepisyaryo, o iba pang mga pangkalagayang ganap katulad ng mga instrumento o kaugnay).Bukod dito, ang pagpili ng boses ay naiimpluwensyahan ng pagiging tiyak ng mga kalahok. Ang utos ng salita ay may matinding pagkahilig na maging paunang salita.
  • Sa kabaligtaran, ang mas makabagong mga lengguwahe ng Indonesian na uri, na partikular na kinakatawan sa Malaysia at kanlurang Indonesya, ay binawasan ang sistema ng boses sa pagkakaiba sa pagitan ng dalawa lamang na boses (voice actor at "undergoer" na boses), ngunit ang mga ito ay suplementado ng [ [pang-aplikadong boses | applicative]] mga morpolohiya na aparato (orihinal na dalawa: mas direktang * - i at mas pahilig * - isang / - [a] kən ), na nagsisilbi upang baguhin ang semantiko na papel ng "undergoer". Ang mga ito ay din nailalarawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga nahahalina clitic pronouns. Hindi tulad ng uri ng Pilipinas, karamihan sa mga wikang ito ay may posibilidad na maging verb-second word-order. Ang ilang mga wika, tulad ng Wikang Batak, Lumang Habanes, Balinese, Sasak at ilang mga wika ng Sulawesi ay mukhang kumakatawan sa isang intermediate na yugto sa pagitan ang dalawang uri na ito.[1][2]
  • Sa wakas, sa ilang mga wika, kung saan tinatawag ni Ross ang "post-Indonesian", ang orihinal na sistema ng boses ay ganap na nasira at ang mga affixes ng voice-mark ay hindi na panatilihin ang kanilang mga function.

Nagagamit din sa mga wikang Awstronesyo ang tinatawag na "reduplikasyon" (pag-uulit ng lahat o bahagi ng isang salita, katulad ng wiki-wiki o agar-agar, o dahan-dahan), at, katulad ng karamihan sa mga wika ng Silangan at Timog-silangang Asya, karamihan ay mayroong mahigpit na mataas na ponotaktiko, na kalimitang mayroong munting bilang ng mga ponema at nakakaraming mga pantig na katinig-patinig. Matatag o estable naman ang ilan sa mga kognado.

Naitatag ang pamilya ng wikang Awstronesyo ng mga pamamaraang paghahambing na linggwistiko batay sa mga kognado, pangkat ng mga salitang magkakawangis sa tunog at kahulugan na nagpapahiwatig na nagmula ang mga iyon mula sa parehong salitang ansestral sa Proto-Awstronesyo ayon sa pagkalahatang alituntunin. Ang salita para sa mata sa mga wikang Awstronesyo ay mata rin (karamihan sa mga wikang Awstronesyo sa bandang hilaga, mga wikang Pormosyano katulad ng Bunun at Amis at papunta na sa katimugan na Maori). Mahirap din namang isagawa ang rekonstruksyon (pagmuling-tatag) ng ibang mga salita. Estable rin ang salita para sa dalawa, na siyang nalitaw sa halos kabuuan ng pamilyang Awstronesyo, ngunit ang ilan sa mga anyo (hal. Bunun rusya, lusha; Amis tusa; Maori tahi, rua) ay nangangailangan ng kadalubhasaang pang-aghamwika upang mabigyang-kilanlan.

Klasipikasyon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Masikot at mahirap unawain ang panloobang kaanyuan ng mga wikang Awstronesyo. Binubuo ang pamilyang ito ng pare-pareho at magkakalapit na magkakaugnay na mga wika na may mga malalaking bilang ng tinatawag na diyalektong kontinyuwum, na nagpapahirap sa hangganan ng mga pagitan ng mga sanga ng pamilya. Ganoon pa man, malinaw na ang pinakamalaking dibersidad na pang-akan (henealohiko) ay makikita sa mga wikang Pormosyano ng Taiwan, at ang pinakamunting dibersidad naman sa mga kapuluan sa Pasipiko, na nagbibigay-batid ng pagkaka-kalat ng pamilya na mula sa Tsina o Taiwan.

Pagkakahambing

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nasa bandang ibaba ang tsart ng komparasyon ng mga wika Awstronesyo.

Tagalog (Pilipino) isa dalawa tatlo apat tao bahay aso daan araw bago tayo (kata) ano apoy
Tetum ida rua tolu haat ema uma asu dalan loron foun ita saida ahi
Amis cecay tosa tolo sepat tamdaw luma wacu lalan cidal faroh kita uman namal
Puyuma sa dua telu pat taw rumah soan dalan wari vekar mi amanai apue,
asi
Rinconada Bikol əsad darwā tolō əpat tawō baləy ayam raran aldəw bāgo kitā onō kalayō
Cebuano usa,
isa
duha tulo upat tawo balay iro dalan adlaw bag-o kita unsa kalayo
Waray usa duha tulo upat tawo balay ayam,
ido
dalan adlaw bag-o kita anu kalayo
Hiligaynon isa duha tatlo apat tawo balay ido dalan adlaw bag-o kita ano kalayo
Aklanon isaea,
sambilog
daywa tatlo ap-at tawo baeay ayam dayan adlaw bag-o kita ano kaeayo
Kinaray-a sara darwa tatlo apat tawo balay ayam aragyan adlaw bag-o kita ano kalayo
Tausug hambuuk duwa tu upat tau bay iru' dan adlaw ba-gu kitaniyu unu kayu
Maranao isa dowa t'lo phat taw walay aso lalan gawi'e bago tano tonaa apoy
Kapampangan metung adwa atlu apat tau bale asu dalan aldo bayu ikatamu nanu api
Pangasinense sakey dua,
duara
talo,
talora
apat,
apatira
too abong aso dalan ageo balo sikatayo anto pool
Ilokano maysa dua tallo uppat tao balay aso dalan aldaw baro datayo ania apoy
Ivatan asa dadowa tatdo apat tao vahay chito rarahan araw va-yo yaten ango apoy
Ibanag tadday dua tallu appa' tolay balay kitu dalan aggaw bagu sittam anni afi
Yogad tata addu tallu appat tolay binalay atu daddaman agaw bagu sikitam gani afuy
Gaddang antet addwa tallo appat tolay balay atu dallan aw bawu ikkanetam sanenay afuy
Tboli sotu lewu tlu fat tau gunu ohu lan kdaw lomi tekuy tedu ofih
Malay satu dua tiga[3] empat orang rumah,
balai
anjing jalan hari baru kita apa,
anu
api
Lumang Habanes esa,
tunggal
rwa,
kalih
tĕlu,
tiga
pat,
sakawan[4]
wwang umah asu dalan dina hañar, añar[5] kami[6] apa,
aparan
apuy,
agni
Habanes siji,
setunggal
loro,
kalih
tĕlu,
tiga[7]
papat,
sekawan
uwong,
tiyang,
priyantun[7]
omah,
griya,
dalem[7]
asu,
sĕgawon
dalan,
gili[7]
dina,
dinten[7]
anyar,
énggal[7]
awaké dhéwé,
kula panjenengan[7]
apa,
punapa[7]
gĕni,
latu,
brama[7]
Sundanes hiji dua tilu opat urang imah anjing jalan poe anyar,
enggal
arurang naon seuneu
Acehnes sa duwa lhèë peuët ureuëng rumoh,
balèë
asèë ret uroë barô (geu)tanyoë peuë apuy
Minangkabau ciek duo tigo ampek urang rumah anjiang labuah,
jalan
hari baru awak apo api
Lampung sai khua telu pak jelema lamban kaci ranlaya khani baru kham api apui
Bugines sedi dua tellu eppa tau bola asu lalen esso baru idi aga api
Temuano satuk duak tigak empat uwang,
eang
gumah,
umah
anying,
koyok
jalan aik,
haik
bahauk kitak apak apik
Bataknese sada dua tolu opat halak jabu biang dalan ari baru hita aha api
Kelantan-Pattani so duwo tigo pak oghe ghumoh,
dumoh
anjing jale aghi baghu kito gapo api
Chamorro håcha,
maisa
hugua tulu fatfat taotao guma ga'lågu[8] chålan ha'åni nuebu[9] hita håfa guafi
Motu ta,
tamona
rua toi hani tau ruma sisia dala dina matamata ita,
ai
dahaka lahi
Maori tahi rua toru wha tangata whare kuri ara ra hou taua aha ahi
Tubaluano tasi lua tolu toko fale kuli ala,
tuu
aso fou tāua a afi
Hawayano kahi lua kolu kanaka hale 'īlio ala ao hou kākou aha ahi
Banjar asa duwa talu ampat urang rūmah hadupan heko hǎri hanyar kami apa api
Malgatse isa roa telo efatra olona trano alika lalana andro vaovao isika inona afo
Dusun iso duo tolu apat tulun walai,
lamin
tasu ralan tadau wagu tokou onu/nu tapui
Kadazan iso duvo tohu apat tuhun hamin tasu lahan tadau vagu tokou onu,
nunu
tapui
Rungus iso duvo tolu,
tolzu
apat tulun,
tulzun
valai,
valzai
tasu dalan tadau vagu tokou nunu tapui,
apui
Sungai/Tambanuo ido duo tolu opat lobuw waloi asu ralan runat wagu toko onu apui
Iban satu, sa,
siti, sigi
dua tiga empat orang,
urang
rumah ukui,
uduk
jalai hari baru kitai nama api
Sarawak Malay satu,
sigek
dua tiga empat orang rumah asuk jalan ari baru kita apa api
Terengganu se duwe tige pak oghang ghumoh,
dumoh
anjing jalang aghi baghu kite mende, ape,
gape, nape
api
Kanayatn sa dua talu ampat urakng rumah asu' jalatn ari baru kami',
diri'
ahe api

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Adelaar, K. Alexander and Nikolaus Limmelmann. 2005. The Austronesian Languages of Asia and Madagascar. P.6-7
  2. Croft, William. 2012 Verbs: Aspect and Causal Structure. P.261
  3. In Kedukan Bukit inscription appears the numeral Tlu ratus as Three hundred, Tlu as Three, in http://www.wordsense.eu/telu/ the word Telu is referred as Three in Malay and Indonesian Language although the use of Telu is very rare.
  4. s.v. kawan, Old Javanese-English Dictionary, P.J. Zoetmulder and Stuart Robson, 1982
  5. s.v. hañar, Old Javanese-English Dictionary, P.J. Zoetmulder and Stuart Robson, 1982
  6. s.v. kami, this could mean both first person singular and plural, Old Javanese-English Dictionary, P.J. Zoetmulder and Stuart Robson, 1982
  7. 7.0 7.1 7.2 7.3 7.4 7.5 7.6 7.7 7.8 Javanese English Dictionary, Stuart Robson and Singgih Wibisono, 2002
  8. From Espanyol "galgo"
  9. From Espanyol "nuevo"