Pumunta sa nilalaman

Babilonya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Babilonyano)
Huwag ikalito sa Babilonya (lungsod)
Babilonya o Babylonia
𒆳𒆍𒀭𒊏𒆠 (Acadio)
māt Akkadī
1895 BCE–539 BCE
Ang sakop ng Imperyong Babilonya sa paghahari ni Hammurabi sa modernong Iraq
Ang sakop ng Imperyong Babilonya sa paghahari ni Hammurabi sa modernong Iraq
KabiseraBabilonya (lungsod)
Wikang opisyal
Karaniwang wikaAkkadiyo
Aramaic
Relihiyon
Relihiyong Babilonyo
Kasaysayan 
• Naitatag
1895 BCE
• Pagbagsak ng Imperyong Neo-Babilonya sa Imperyong Akemenida c. 539 BCE.
539 BCE
Pinalitan
Pumalit
Sumerya
Imperyong Akkadiyo
Imperyong Akemenida
Bahagi ngayon ng
Bahagi ng isang serye tungkol sa
Kasaysayan ng Iraq
Detail from the Ishtar Gate
Sinaunang Iraq
Klasikong Iraq
Mediebal Iraq
Modernong Iraq
Republiak ng Iraq
Sinaunang
Mesopotamia
Eufrates · Tigris
Mga Imperyo/Lungsod
Sumerya
Eridu · Kish · Uruk · Ur
Lagash · Nippur · Ngirsu
Elam
Susa
Imperyong Akkadiano
Akkad · Mari
Amorreo
Isin · Larsa
Babilonya
Babilonya · Caldea
Asiria
Assur · Nimrud
Dur-Sharrukin · Nineve

Ang Babilonya (Ingles: Babylonia) [1] (𒆍𒀭𒊏𒆠 Acadio: Bābili or Babilim; Arameo: בבל, Babel, Hebreo: בָּבֶל‎, Bavel, Arabe: بابل‎, Bābil) ay isang makasaysayang estadong lungsod na naging imperyo sa Gitnang Silangan. Isa itong pangunahing lungsod sa sinaunang Mesopotamya sa masaganang kapatagan sa pagitan ng Ilog Tigris at Euphrates. Bago ito naging estadong lungsod, ang Babilonya (lungsod) ay isang maliit na Semitikong Akkadong lungsod noong panahon ng Imperyong Akkadio noong humigit-kumulang 2300 BK.

Mabilis na nagunaw ang imperyo matapos ang kamatayan ni Hammurabi. Ang Mga Nakabiting Hardin ng Babilonya ay naging isa sa mga Pitong Kababalaghan ng Sinaunang Mundo.

Matatagpuan ang labi nito sa pangkasalukuyang-panahong Al Hillah, Lalawigan ng Babil (Gubernaturang Babil), sa Irak, mga 85 kilometro (55 mi) sa timog ng Baghdad. Ang matandang lungsod na ito ng Mesopotamya (ang Irak ngayon) ang kabiserang lungsod ng Babilonya. Nabanggit sa unang pagkakataon sa kasaysayan ang lungsod noong ika-24 daantaon BK. Sa kabuoan ng kasaysayan nito, humina ang kapangyarihang angkin ng Babilonya.

Ang pangalan na Babilonya ay nanggagaling sa Griyegong Babylṓn (Βαβυλών), isang pagsasalintitik ng Akkadianong Babili.[2] Ang Babilonyang pangalan noong maagang ika-2 milenyo BCE ay Babilli o Babilla na kung alin ay tila isang adapsyon ng hindi pa alam na orihinal na hindi Semitikong pangalan ng lugar.[3] Noong unang milenyo BK, ito ay napalitan na ng Babili sa ilalim ng impluwensiya ng katutubong etimolohiya na nanggaling sa bāb-ili ("Pintuang-daan ng Diyos" o "Pintuang-daan noong Diyos").[4]

Sinaunang kasaysayan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Lungsod ng Babilonya ang kabisera ng Imperyong Babilonya na tumutukoy sa isa sa dalawang imperyo sa Mesopotamya . Ang dalawang imperyong ito ay nananig sa pagitan ng ika-19 hanggang ika-15 siglo BCE at muli mula ika-7 hanggang ika-6 BCE. Ang siyudad ng Babilonya ay itinatag sa mga bangko ng Ilog Eufrates. Ang unang pagbanggit nito ay nasa isang tabletang putik sa paghahari ni Sargon ng Akkad(2334-2279 BCE) ng Imperyong Akkadiyo. Ang lugar nito ay matatagpuan sa katimugan ng modernong Iraq. Ang bayan nito ay naging bahagi ng independiyenteng siyudad-estado sa pag-akyat sa kapangyarihan ng Unang dinastiyang Babilonya noong ika-19 siglo BCE. Ang haring Amorreo na si Hammurabi (1792-1752 BCE o 1696-1654 BCE) ang nagtatag ng maikling buhay na Lumang Imperyong Babilonya noong ika-18 siglo BCE na pumalit sa naunang Imperyong Akkadiyo, Ikatlong Dinastiya ng Ur at Lumang Imperyong Asirya.Ang katimugang Mesopotamya ay naging Babilonya at pinalitan ang Nippur bilang ang banal na lungsod nito. Ang imperyo ng Babilonya ay humina sa paghahari ng anak ni Hammurabi na si Samsu-iluna at ang Babilonya ay napailalim sa Asirya, Mga Kassite at Elam. Pagkatapos wasakin ito ng mga Asiryo at muling itinayo, ang Babilonya ay naging kabisera ng Imperyong Neo-Babilonya na kahalili ng Imperyong Neo-Asirya mula 609-539 BCE. Ang Imperyong Neo-Babilonya ay bumagsak sa ilalim ng haring Persiyanong si Dakilang Ciro ng Persiyanong Imperyong Akemenida at kalaunan ay napasailalim ng Imperyong Seleucid, Imperyong Parto, Imperyong Romano at Imperyong Sassanid.

Lumang panahon ng Babilonya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang Unang Dinastiyang Babilonya ay itinatag ng isang Amorrheong pinuno na nagngangalang Sumu-abum noong 1894 BK, na nagpahayag ng pagsasarili mula sa kalapit na lungsod-estado ng Kazallu. Hindi katutubo ang mga Amorrheo sa Mesopotamya ngunit mga medyo-lagalag na Cananeong Hilaga-kanlurang Semitikong mananalakay mula sa hilagang Lebant.

Pagiging Persang Babilonya

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bumagsak ang Imperyong Babilonya nang mapasakamay ito ni Haring Ciro (o Ciro ang Dakila) ng Persiya noong 539 BK. Pagkatapos magapi ang Babilonya, pinakawalaan ng hari ang mga Hebreo na nadakip sa pagsugod ng dating haring Nebuchadnezzar. Ang Babilonya ang huling imperyong natatag sa Sinaunang Mesopotamya. Dahil kontrolado ng Persiya ang imperyo, tinawag na itong Persang Babilonya. Ang huling pinuno ng imperyo ay si Philip II Philoromaeus; tuluyang bumagsak ang imperyo sa pananakop ng mga Romano.

Ang mga labi ng lungsod ng Babilonya, taong 2003.

Paglusob sa mga Hebreo

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa Bibliya, pagkatapos ng kamatayan ni Haring Solomon nilusob at sinira ng mga Babilonyan, na pinangungunahan ni Nebuchadnezzar, ang Jerusalem, at nagtangay din sila ng maraming mga mamamayang ginawang mga bihag. Sa kalaunan, naging sagisag sa mga pahina ng Bibliya ang Babilonya na anumang makapangyarihan at makasalanang lungsod, o maging ng anumang gawing pangkaisipan na laban at labag sa kalooban ng Diyos.[5]

Ang mapa nang unang dinastiya ng Babilonya.
  1. Abriol, Jose C. (2000). "Babilonia". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Sayce 1878, p. 182.
  3. Liane Jakob-Rost, Joachim Marzahn: Babylon, ed. Staatliche Museen zu Berlin. Vorderasiatisches Museum, (Kleine Schriften 4), 2. Auflage, Putbus 1990, p. 2
  4. Dietz Otto Edzard: Geschichte Mesopotamiens. Von den Sumerern bis zu Alexander dem Großen, Beck, München 2004, p. 121.
  5. The Committee on Bible Translation (1984). "Babylon, Babylonians, Dictionary/Concordance, pahina B1". The New Testament, God's Word, The Holy Bible, New International Version (NIV). International Bible Society, Colorado, USA.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)