Pumunta sa nilalaman

Bagong Taon ng mga Tsino

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Bagong Taon ng mga Tsino
Paikot sa kanan mula sa itaas: Mga paputok sa Daungang Victoria, Hong Kong, sayawang leon sa Baryo Tsino ng Boston, nakadispley na pulang ilawan, sayawang dragon sa San Francisco, mga ampaw, putukan ng pakbong, koplang chunlian
Ibang tawagKatagsibulan, Bagong Taon ng Buwan
Ipinagdiriwang ngMga Tsino at Sinoponong komunidad[1]
UriKultural
Relihiyoso
(Katutubong relihiyon ng mga Tsino, Budismo, Confucianismo, Taoismo, ilang mga Kristiyanong komunidad)
KahalagahanPaggunita sa simula ng bagong taon sa tradisyonal na lunisonar na kalendaryong Tsino
Mga pagdiriwangSayawang leon, sayawang dragon, paputok, pagtitipon ng pamilya, kainang pamilya, pagbibisita sa mga kaibigan at kamaganak, pagbibigay ng mga ampaw, pagpapalamuti ng mga koplang chunlian
PetsaUnang araw ng unang lunisolar na buwan ng mga Tsino
DalasTaunan
Kaugnay saPista ng Ilawan at mga kahawig na selebrasyon sa mga iba pang Asyanong kultura

Ang Bagong Taon ng mga Tsino ay isang kapistahan upang ipagdiwang ang simula ng isang bagong taon sa tradisyonal na kalendaryong lunisolar ng mga Tsino. Sa wikang Tsino, madalas itong tinutukoy bilang Kapistahan ng Tagsibol (Tsinong tradisyonal: 春節; Tsinong pinapayak: 春节; pinyin: Chūnjié)[2] dahil nagsisimula ang tagsibol sa kalendaryong lunisolar sa lichun, ang una sa dalwampu't apat panahong solar na ipinagdiriwang sa Bagong Taon ng mga Tsino.[3] Nagmamarka ng katapusan ng taglamig at simula ng tagsibol, nagaganap ang pagdiwang mula Bisperas ng Bagong Taon, ang gabi bago ang unang araw ng taon, hanggang sa Pista ng Ilawan na idinaraos sa ika-15 araw ng buwan. Pumapatak ang unang araw ng Bagong Taon tuwing may bagong buwan na nagpapakita sa pagitan ng 21 Enero at 21 Pebrero.[a]

Isa ang Bagong Taon sa mga pinakamahalagang kapistahan sa kulturang Tsino, at malaki ang impluwensiya nito sa mga selebrasyon ng Bagong Taon ng Buwan ng 56 pangkat etniko nito, kagaya ang Losar ng Tibet, at mga karatig na bansa, katulad ng mga Bagong Taon ng mga Koreano at Biyetnames,[5] pati na rin sa Okinawa.[6] Ipinagdiriwang din ito sa mga ibang rehiyon at bansa na may malaking populasyon ng mga Tsino o mga Sinopono, lalo na sa Timog-silangang Asya. Kabilang dito ang Singapura,[7] Brunay, Kambodya, Indonesya, Malaysia, Myanmar,[8] Pilipinas,[9] Taylandiya, at Biyetnam. Prominente rin ito sa labas ng Asya, lalo na sa Australya, Kanada, Mawrisyo,[10] Bagong Silandiya, Peru,[11] Timog Aprika, Reyno Unido, at Estados Unidos, pati na rin sa maraming bansa sa Europa.[12][13][14]

May kaugnayan ang ilang alamat at kaugalian sa Bagong Taon ng mga Tsino. Ayon sa tradisyon, naging panahon ang kapistahan upang igalang ang mga bathala gayundin ang mga ninuno.[15] Sa loob ng Tsino, nag-iiba ang mga kaugalian at tradisyon ukol sa selebrasyon ng Bagong Taon sa bawat rehiyon,[16] at ang gabi bago ang Araw ng Bagong Taon ay madalas na itinuturing na okasyon upang magtipun-tipon ang mga pamilyang Tsino para sa taunang hapunang reunyon. Isang tradisyon din sa bawat pamilya ang masusing paglilinis ng bahay, upang paalisin ang anumang kamalasan at makapasok ang kaswertehan. Isa pang kauglian ang paglalagay sa mga bintana at pintuan ng mga pulang palamuting papel at kopla. Kabilang sa mga sikat na tema sa mga dekorasyong ito ang magandang kapalaran o kaligayahan, kayamanan, at mahabang buhay. Kabilang sa mga iba pang aktibidad na may kinalaman dito ang pagpapaputok at pagbibigay ng pera sa loob ng ampaw.

Mga petsa sa kalendaryong lunisolar ng mga Tsino

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Ang pinakamalaking parada tuwing Bagong Taon ng mga Tsino sa labas ng Asya, sa Chinatown, Manhattan
Tradisyonal na paghihiwa ng papel na may karakter na 春 ('tagsibol'))
Mga palamuting pang-Bagong Taon ng mga Tsino sa New Bridge Road sa Singapura
Bisperas ng Bagong Taon sa Meizhou noong 8 Pebrero 2005

Tinutukoy ng kalendaryong Tsino ang buwang lunisolar na naglalaman ng solstisyo ng taglamig bilang ikalabing-isang buwan, kaya kadalasang pumapatak ang Bagong Taon sa ikalawang bagong buwan pagkatapos ng taglamig na solstisyo (bihira[b] ang ikatlo kung mangyari ang isang buwang interkalado).[17][4] Sa higit sa 96% ng mga taon, pinakamalapit ang bagong buwan ng Bagong Taon sa simula ng tagsibol (lichun) ayon sa kalendaryo. Sa Kalendaryong Gregoryano, pumapatak ang Bagong Taon sa bagong buwan na nagaganap sa pagitan ng ika-21 ng Enero at ika-20 ng Pebrero.[4]

Gregoryano Petsa Hayop Araw ng linggo
2023 22 Ene Kuneho Linggo
2024 10 Peb Dragon Sabado
2025 29 Ene Ahas Miyerkules
2026 17 Peb Kabayo Martes
2027 6 Peb Kambing Sabado
2028 26 Ene Unggoy Miyerkules
2029 13 Peb Tandang Martes
2030 3 Peb Aso Linggo
2031 23 Ene Baboy Huwebes
2032 11 Peb Daga Miyerkules
2033 31 Ene Baka Lunes
2034 19 Peb Tigre Linggo
Mga sulat-kamay na tula para sa Bagong Taon ng mga Tsino na idinikit sa mga gilid ng mga pintuan patungo sa mga tahanan ng mga tao, Lijiang, Yunnan

Ayon sa alamat, nagsimula ang Bagong Taon ng mga Tsino sa isang mitikal na nilalang na tinatawag na Nian (isang halimaw na nakatira sa ilalim ng dagat o sa kabundukan) tuwing taunang Katagsibulan. Kakainin ng Nian ang mga taganayon, lalo na ang mga bata sa kalagitnaan ng gabi.[18] Noong isang taon, nagpasya ang lahat ng mga taganayon na magtago mula sa halimaw. Humarap ang isang manong sa mga taganayon bago sila nagsitago at sinabi niya na mananatili siyang gising at magaganti sa Nian. Naglagay ang manong ng mga pulang papel at nagsindi siya ng mga paputok. Kinabukasan, nagsibalik ang mga taganayon sa kanilang bayan at nakita nila na walang nawasak. Ipinalagay nila na isang bathala ang manong na dumating upang ligtasin sila. Pagkatapos, naunawaan ng mga taganayon na nadiskubre ni Yanhuang na takot ang Nian sa kulay pula at malalakas na ingay.[18] Lumago ang tradisyon sa pagpapalapit ng Bagong Taon, at ang mga taganayon ay nagsuot ng pulang damit, nagsabit ng mga pulang ilawan at pulang balumbon ng tagsibol at sa mga binata at pintuan, at gumamit ng mga paputok at tambol upang takutin ang Nian. Mula noon, hindi na bumalik ang Nian sa nayon. Kalaunan, nabihag ang Nian ni Hongjun Laozu, isang sinaunang Taoistang monghe.[19]

Pista opisyal

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Isang pista opisyal ang Bagong Taon ng mga Tsino sa ilang mga bansa at teritoryo kung saan may malaking populasyon ng mga Tsino. Dahil pumapatak ang Bagong Taon sa iba't ibang petsa sa kalendaryong Gregoryano bawat taon sa iba't ibang araw ng linggo, nagpasya ang ilan sa mga gobyernong ito na ilipat ang mga araw ng pagtatrabaho para mas mahaba ang pista opisyal. Sa ilang bansa, nagdaragdag ng isinabatas na pista sa kasunod na araw ng pagtatrabaho kung pumapatak ang Bagong Taon (bilang pista opisyal) sa wikend, kagaya noong 2013, kung saan pumatak ang Bisperas ng Bagong Taon (9 Pebrero) noong Sabado at Araw ng Bagong Taon (10 Pebrero) noong Linggo. Nag-iiba rin ang pangalan ng pista sa bawat bansa.

Bansa at rehiyon Opisyal na Pangalan Paglalarawan Bilang ng Araw
Tsina Chūn Jié

("Katagsibulan")

Ang unang 3 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino. Dinaragdagan ang mga araw ng bakasyon sa pagsasasyos ng mga wikend bago at pagkatapos ng tatlong araw na pista, kaya may buong linggo ng pista opisyal na kilala bilang Ginintuang Linggo.[20][21] Tuwing panahon ng bakasyunang Chunyun. 3 (araw na pista opisyal) / 7 (aktuwal na araw na pista)
Biyetnam Tết Nguyên Đán ("Bagong Taon ng mga Biyetnames") Ang unang 3 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino. 3
Brunay Tahun Baru Cina

("Bagong Taon ng mga Tsino")

Kalahating araw sa Bisperas ng Bagong Taon ng mga Tsino at ang unang araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[22] 1
Hong Kong Lunar New Year

("Bagong Taon ng Buwan")

Ang unang 3 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[23] 3
Indonesya Tahun Baru Imlek (Sin Cia) Ang unang araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[24][25] 1
Malaysia Tahun Baru Cina

("Bagong Taon ng mga Tsino")

Ang unang 2 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[26] 2[27][26]
Macau Novo Ano Lunar

("Bagong Taon ng Buwan")

Ang unang 3 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[28] 3
Pilipinas Chinese New Year

("Bagong Taon ng mga Tsino")

Kalahating araw sa Bisperas ng Bagong Taon ng mga Tsino at ang unang araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[29] 1
Singapura Chinese New Year

("Bagong Taon ng mga Tsino")

Ang unang 2 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino.[30] 2
Taiwan Lunar New Year / Spring Festival

("Bagong Taon ng Buwan" / "Katagsibulan")

Bisperas ng Bagong Taon ng mga Tsino at ang unang 3 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino; babawiin sa mga kasunod na araw ng pagtatrabaho kung pumatak ang alinman sa 4 na araw sa Sabado o Linggo. Pista rin ang araw bago ang Bisperas ng Bagong Taon ng mga Tsino, ngunit bilang pang-ugnay ng pista, at babawiin sa mas maaga o mas huling Sabado. Maaaring magkaroon ng karagdagang pang-ugnay ng pista, na nagreresulta sa 9-araw o 10-araw na wikend.[31][32][33] 4 (ayon sa batas), 9–10 (kasama ang mga Sabado at Linggo)[34]
Taylandiya Wan Trut Chin ("Araw ng Bagong Taon ng mga Tsino") Inoobserbahan ng mga Tsinong Taylandes at ilang bahagi ng pribadong sektor. Karaniwang ipinagdiriwang ng tatlong araw, simula sa araw bago ang Bisperas ng Bagong Taon ng mga Tsino. Isang pista opisyal ang Bagong Taon ng mga Tsino sa mga lalawigan ng Narathiwat, Pattani, Yala, Satun[35] at Songkhla.[30] 1
Timog Korea Seollal

("Bagong Taon ng mga Koreano")

Ang unang 3 araw ng Bagong Taon ng mga Tsino. 3
California, Estados Unidos Lunar New Year

("Bagong Taon ng Buwan")

Ang unang araw ng Bagong Taon ng Buwan. 1
New York, Estados Unidos Lunar New Year

("Bagong Taon ng Buwan")

Ang unang araw ng Bagong Taon ng Buwan. 1
Suriname Maan Nieuwjaar

("Bagong Taon ng Buwan")

Ang unang araw ng Bagong Taon ng mga Tsino. 1

Ang paghahanda para sa pagdiriwang ay isang buwan bago ang bagong taon. Paglilinis at pagaganda ng bahay, pagbili ng mga bagong damit, paggupit ng buhok, ay ilan lamang sa mga paghahanda para sa pagdiriwang.[36]

Bisperas ng Bagong Taon

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Sa bisperas ng bagong taon, pinagdidiriwang ito sa paghanda ng mga pagkain na may mga kahulugan katulad ng mga bola-bolang Tsino na ibig sabihin ay kayamanan dahil ito'y kahawig sa mga Ingot at halos lahat ng mga tao, kasama na ang mga bata, ay nagiinuman ng "Jiu", isang alkohol na panginumin na nagkakahulugan ng mahabang buhay.

Mga pulang sobre o angpao

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga ibinebentang pulang sobre sa isang merkado sa Taipei, Taiwan, bago ang Taon ng Daga
Mga mamimili sa isang merkadong pam-Bagong Taon sa Baryo Tsino, Singapura

Nagbibigay ang mga mag-asawa o matatanda sa mga nakababatang walang asawa o mga bata ng mga pulang sobre (Tsinong tradisyonal: 紅包; Tsinong pinapayak: 红包; Mandarin pinyin: hóngbāo; Hokkien Pe̍h-ōe-jī: âng-pau; Hakka Pha̍k-fa-sṳ: fùng-pâu), kilala rin bilang lai see lalo na sa mga lugar na nagka-Kantones (Tsino: 利是 / 利市 / 利事; Cantonese Yale: laih sih; pinyin: lìshì). Tuwing panahong ito, kilala rin ang angpao sa pangalang yasuiqian (壓歲錢; 压岁钱; yāsuìqián), na hango sa magkatunog na parirala yasuiqian (壓祟錢; 压祟钱; yāsuìqián), na may literal na salinwikang "perang pagsugpo ng mga masasamang espiritu".[37] Ayon sa alamat, tinapik ng isang demonyong nagngangalang Sui ang noo ng isang bata tuwing Bisperas ng Bagong Taon, at nagkalagnat ang bata. Binalutan ng mga magulang ang mga barya sa pulang papel at inilagay nila sa tabi ng mga unan ng kanilang anak. Nang dumating si Sui, natakot siya sa kislap ng barya. Mula noon, tuwing Bisperas ng Bagong Taon, babalutin ng mga magulang ang mga barya sa pulang papel upang maprotektahan ang kanilang mga anak.[38]

Halos palaging may pera sa loob ng mga angpao, mula ilang dolyar hanggang ilang daan. Sa mga pamahiing Tsino, pinapaboran ang mga halagang nagsisimula sa tukol na numero, kagaya ng 8 (八, pinyin: ), na magkatunog sa "kayamanan", at 6 (六, pinyin: liù), na magkatunog sa "swabe"—ngunit hindi ang numerong 4 (四, pinyin: ), na magkatunog sa "kamatayan", at kaya kinokonsiderang malas sa kulturang Asyano. Iniiwasan din ang mga gansal na numero, dahil nauugnay ito sa perang ibinibigay sa mga libing (帛金, pinyin: báijīn).[39][40] Nakaugalian din na bago ang mga perang papel na inilagay sa loob ng pulang sobre.[41]

Hindi tatanggihan ng taong may asawa ang paghihingi sa kanya ng angpao (Mandarin: 討紅包; tǎo hóngbāo, Kantones: 逗利是; dauh laih sih) dahil mangangahulugan ito na siya ay "wala sa swerte" sa bagong taon. Kadalasan, ibinibigay ang mga angpao ng mga mag-aasawa sa mga nakababatang miyembro ng pamilya na wala pang asawa.[42] Bago tanggapin ang pulang sobre, nakaugalian at magalang para sa mga bata na batiin ang mga matatanda ng manigong bagong taon at isang taon ng kaligayahan, kalusugan at magandang kapalaran.[42] Pagkatapos, itinatago ang mga pulang sobre sa ilalim ng unan at tinutulugan ng pitong araw pagkatapos ang Bagong Taon ng mga Tsino bago buksan dahil sumisimbolo iyon ng suwerte at mabuting kapalaran.

Noong Taiwan sa d. 2000, nagbigay rin ang ilang maypagawa ng pulang sobre bilang bonus sa mga katulong, nars o kasambahay mula sa mga bansa sa Timog-silangang Asya, bagama't kontrobersiyal kung angkop ito.[43][44]

Noong kalagitnaan ng d. 2010, pinasikat ng mga Tsinong messaging app kagaya ng WeChat ang pamamahagi ng pulang sobre sa anyong birtuwal sa pagbabayad sa mobayl, kadalasan sa mga group chat.[45][46] Noong 2017, tinantiya na higit sa 100 bilyong nitong mga birtuwal na angpao ang ipapadala tuwing pista ng Bagong Taon.[47][48]

Isang Tsinong nagsisindi ng mga paputok noong Bagong Taon sa Shanghai

Sa sinaunang Tsina, sinindihan ang mga tangkay ng kawayan na puno ng pulbura upang sumabog ang mga ito na aalis ang mga masasamang espiritu. Sa modernong panahon, unti-unti itong nag-ebolb sa paggamit ng paputok sa kapistahan. Karaniwang nakatali ang mga paputok sa isang mahabang piyus upang maisabit ito. Inilululon ang bawat paputok sa mga pulang papel, dahil mapalad itong kulay, at may pulbura sa pinakagitna nito. Kapag nasindihan, umiingay ito nang malakas at, dahil nakatali nang magkasama ang daan-daan nito, kilala ang mga paputok sa nakakabinging pagsabog nito na inaakalang nakakatakot sa masasamang espiritu. Nagpapahiwatig din ang pagsisindi ng paputok ng masayang panahon sa taon at naging mahalagang aspeto ng pagdiriwang ng Bagong Taon ng mga Tsino.[49] Mula noong d. 2000, pinagbabawalan ang mga paputok sa ilang bansa at bayan.

Lantern Festival

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ito'y pinagdidiriwang sa huling araw ng pagdiriwang ng bagong taon. Sa selebrasyon na ito'y ang mga pamilya ay nagsamasama ulit at kumakain ng Tikoy na ibig sabihin ay mahabang samahan ng pamilya.

Sinasabayan ang Bagong Taon ng mga Tsino ng mga malalakas at masisigasig na pagbati, kadalasang tinatawag na 吉祥話 (jíxiánghuà) sa Mandarin o 吉利說話 (Kat Lei Seut Wa) sa Kantones, na kapag isinalin sa pinakadiwa ay mga mapalad na mga salita o parirala. Isa pang paraan ng pagpapahayag ng mapalad na pagbati sa bagong taon ang tinatawag na chunlian (春聯) o fai chun (揮春), mga koplang pam-Bagong Taon na nakaimprenta sa gintong letra sa matingkad na pulang papel. Marahil nauna pa ang mga ito sa dinastiyang Ming (1368–1644), ngunit lumaganap lang noong panahong iyon.[50] Ngayon, makikita na ito kung saan-saan tuwing Bagong Taon.

Kabilang sa mga pinakakaraniwang pagbati ang:

  • Xin nian kuai le / San nin fai lok: Tsinong pinapayak: 新年快乐; Tsinong tradisyonal: 新年快樂; pinyin: Xīnniánkuàilè; Jyutping: san1 nin4 faai3 lok6; Pe̍h-ōe-jī: Sin-nî khòai-lo̍k; Hakka: Sin Ngen Kai Lok; Taishanes: Slin Nen Fai Lok. Isang mas kontemporaryong pagbati na naimpluwensiyahan ng Kanluranin, isa itong literal na salin ng "Happy new year" na mas karaniwan sa kanluran. "Xin nian kuai le" ang romanisasyon nito.[51] Sa mga hilagang bahagi ng Tsina, kinaugaliang sabihin ng mga tao ang Tsinong pinapayak: 过年好; Tsinong tradisyonal: 過年好; pinyin: Guònián Hǎo sa halip na Tsinong pinapayak: 新年快乐; Tsinong tradisyonal: 新年快樂 (Xīnniánkuàile), upang mapaiba ito sa pandaigdigang bagong taon. Magagamit ang 過年好 (Guònián Hǎo) mula una hanggang ikalimang araw ng Bagong Taon. Subalit, itinuturing na napakaikli ang 過年好 (Guònián Hǎo) kaya medyo kulang sa galang.
    Gong Hei Fat Choi sa Plasa ng Teatro Lee, Hong Kong
  • Gong xi fa cai / Gong hei fat choi: Tsinong pinapayak: 恭喜发财; Tsinong tradisyonal: 恭喜發財; pinyin: Gōngxǐfācái; Hokkien: Kiong hee huat chai (POJ: Kiong-hí hoat-châi); Cantonese: Gung1 hei2 faat3 coi4; Hakka: Gung hee fatt choi, na may salindiwang "Binabati kita nawa'y yumaman ka". May iba't ibang romanisasyon nito, kagaya ng "Gung hay fat choy",[52] "gong hey fat choi",[51] o "Kung Hei Fat Choy".[53] Madalas itong napagkakamalang kasingkahulugan ng "Manigong Bagong Taon". Ngayon, madalas na maririnig itong kasabihan sa mga komunidad na nagi-Ingles bilang pagbati tuwing Bagong Taon sa mga bahagi ng mundo kung saan may malaking komunidad ng mga nagtsi-Tsino, kabilang ang mga komunidad ng mga Tsinong nang-ibang bansa ng ilang henerasyon, mga bagong imigrante mula sa Gran Tsina, at mga migranteng pabiyahe (lalo na mga mag-aaral).
  1. At bihirang-bihira, 21 Pebrero, katulad ng 2319, ang unang pangyayari nito mula ang reporma sa kalendaryo noong 1645.[4]
  2. 2033 ang susunod na pagkakataon.[4]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Asia welcomes lunar New Year" [Bagong Taon ng buwan, sinalubong ng Asya] (sa wikang Ingles). BBC. 1 Pebrero 2003. Nakuha noong 7 Nobyembre 2008.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Lee, Jonathan H. X.; Nadeau, Kathleen M. (2011). Encyclopedia of Asian American Folklore and Folklife [Ensiklopedya ng Mga Alamat at Buhay-bayan ng Mga Asyanong Amerikano] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 312. ISBN 978-0-313-35066-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "There are 6 Chinese solar terms in spring" [May 6 Tsinong panahong solar sa tagsibol]. GBTIMES (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 8 Abril 2019. Nakuha noong 28 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 4.2 4.3 Aslaksen, Helmer (Hulyo 17, 2010). "The Mathematics of the Chinese Calendar" [Ang Matematika ng Kalendaryong Tsino] (PDF) (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 21 Agosto 2016.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Roy, Christian (2005). Traditional Festivals: A Multicultural Encyclopedia [Mga Tradisyonal na Kapistahan: Isang Ensiklopedyang Multikultural] (sa wikang Ingles). ABC-CLIO. p. 320. ISBN 978-1-57607-089-5.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Lunar New Year Ceremonies Live On in the Okinawa Islands" [Seremonya ng Bagong Taon ng Buwan, Buhay pa rin sa Kapuluang Okinawa]. nippon.com (sa wikang Ingles). 28 Pebrero 2019. Nakuha noong 30 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Chinese New Year 2011" [Bagong Taon ng mga Tsino 2011]. VisitSingapore.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Chinese New Year Celebrated in Grand Scale in Yangon" [Bagong Taon ng mga Tsino, Ipinagdiwang Nang Todo sa Yangon]. Mizzima.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 28 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Philippines adds Chinese New Year to holidays" [Bagong Taon ng mga Tsino, dinagdagan sa mga pista ng Pilipinas]. Yahoo News Philippines (sa wikang Ingles). 2 Disyembre 2011. Nakuha noong 29 Hunyo 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Festivals, Cultural Events and Public Holidays in Mauritius" [Mga Kapistahan, Kaganapang Kultural at Pista Opisyal sa Mawrisyo] (sa wikang Ingles). Mauritius Tourism Authority. Inarkibo mula sa orihinal noong 11 Pebrero 2016. Nakuha noong 28 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Peru leads Chinese New Year celebrations in Latin America" [Peru, naging lider ng Bagong Taon ng mga Tsino sa Amerikang Latino]. China Daily (sa wikang Ingles). Nakuha noong 18 Enero 2022.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. Crabtree, Justina (16 Pebrero 2018). "As the Lunar New Year celebrations begin, CNBC looks at Chinatowns across the world" [e] (sa wikang Habang nagsisimula ang mga pagdiriwang ng Bagong Taon ng Buwan at tinitingnan ng CNBC ang mga Baryo Tsino sa buong mundo). CNBC.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: unrecognized language (link)
  13. "Happy Chinese New Year! The year of the Dog has begun" [Manigong Bagong Taon ng mga Tsino! Nagsimula na ang taon ng aso]. USA TODAY (sa wikang Ingles).
  14. "Chinese New Year and its effect on the world economy" [Bagong Taon ng mga Tsino at ang epekto nito sa ekonomiya ng mundo]. BostonGlobe.com (sa wikang Ingles).
  15. "Chinese New Year". History.com. Nakuha noong 9 Pebrero 2013.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "The Year of the Dog – Celebrating Chinese New Year 2018" [Ang Taon ng Aso – Pagdiwang ng Bagong Taon ng mga Tsino 2018]. EC Brighton (sa wikang Ingles). 16 Pebrero 2018. Nakuha noong 13 Nobyembre 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 中國古代歲首分那幾種?各以何為起點? [Sa sinaunang Tsina, paano ipapasya ang panimulang punto ng isang taon?] (sa wikang Tsino). Central Weather Bureau. Inarkibo mula sa orihinal noong 12 Setyembre 2017. Nakuha noong 26 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. 18.0 18.1 Chan Sui Jeung (2001). Traditional Chinese Festivals and Local Celebrations [Mga Tradisyonal na Pistang Tsino at Lokal na Selebrasyon] (sa wikang Ingles). Wan Li Book Company Limited.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "保庇有狗讚-這些年 年獸去了哪裡?". tw.news.yahoo.com (sa wikang Tsino). Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. Zhu Yafei (16 Oktubre 2006). "从数字之外看黄金周的去与留 (Seeing Golden Week from Beyond the Numbers)". news.cctv.com. Nakuha noong 7 Hunyo 2020. 黄金周的7天连续假期是通过对法定三天假日前、后的周末休息日进行调整而形成的。(Nabubuo ang pitong magkakasunod na araw na Ginintuang Linggo sa pagsasaayos ng mga wikend bago at pagkatapos ng 3 araw na pista).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "Chinese New Year – China's Grandest Festival & Longest Public Holiday" [Bagong Taon ng mga Tsino – Pinakadakilang Pista at Pinakamahabang Pista Opisyal ng Tsina]. TravelChinaGuide (sa wikang Ingles).
  22. "Embassy Holidays" [Mga Pista ng Embahada]. Embassy of the United States: Bandar Seri Begawan, Brunei Darussalam (sa wikang Ingles). U.S. Department of State. Inarkibo mula sa orihinal noong 2015-05-13. Nakuha noong 4 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. "General holidays for 2018" [Mga pangkalahatang pista ng 2018] (sa wikang Ingles). Hong Kong Government. Nakuha noong 16 Pebrero 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. "National Public Holidays in Indonesia" [Mga Pambansang Pista Opisyal sa Indonesya]. AngloINFO, the global expat network: INDONESIA (sa wikang Ingles). AngloINFO Limited. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2015. Nakuha noong 4 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. "Holiday Schedule" [Iskedyul ng Mga Pista]. Embassy of the United States: Jakarta, Indonesia (sa wikang Ingles). U.S. Department of State. Inarkibo mula sa orihinal noong 2 Abril 2015. Nakuha noong 4 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. 26.0 26.1 "HOLIDAYS" [MGA PISTA]. Embassy of the United States: Kuala Lumpur, Mayalsia (sa wikang Ingles). U.S. Department of State. Nakuha noong 29 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. "Jadual hari kelepasan am persekutuan 2012" [Iskedyul ng Mga Pederal na Pista Opisyal 2012] (PDF) (sa wikang Malay). Putrajaya, Malaysia: Jabatan Perdana Menteri (Department of the Prime Minister). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 29 Marso 2013. Nakuha noong 4 Marso 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  28. "Public Holidays in 2019 Decree Law No. 60/2000 on Public Holidays" [Mga Pista Opisyal sa 2019 Batas ng Dekreto Blg. 60/2000 ukol sa Pista Opisyal]. Macao SARG Portal (sa wikang Ingles). Macao SAR of the People's Republic of China. Nakuha noong 24 Enero 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  29. "Proclamation No. 831, s. 2014 by the President of the Philippines, Declaring the Regular Holidays, Special (Non-Working) Days, and Special Holiday (for all Schools) for the Year 2015" [Proklamasyon Blg. 831, s. 2014 ng Pangulo ng Pilipinas, Pagdedeklara ng Regular Holidays, Special (Non-Working) Days, at Special Holiday (para sa lahat ng Paaralan) para sa Taon 2015] (Nilabas sa mamamahayag) (sa wikang Ingles). Malacañang Palace, Manila: Official Gazette of the Philippines. 17 Hulyo 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Septiyembre 2017. Nakuha noong 3 Mayo 2017. {{cite nilabas sa mamamhayag}}: Check date values in: |archive-date= (tulong)
  30. 30.0 30.1 "Public holidays: entitlement and pay" [Mga pista opisyal: karapatan at bayad]. Ministry of Manpower Singapore (sa wikang Ingles).
  31. "紀念日及節日實施辦法". Laws & Regulations Database of The Republic of China (Taiwan). Nakuha noong 8 Enero 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  32. "Before You Go: Useful Information: Public Holidays" [Bago Ka Pumunta: Makakatulong na Impormasyon: Mga Pista Opisyal]. Taiwan, the heart of Asia (sa wikang Ingles). Tourism Bureau, Republic of China (Taiwan). 4 Pebrero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 26 Pebrero 2015. Nakuha noong 4 Marso 2015. Tsinong taon ng buwan: Bisperas ng Bagong Taon ng Buwan; ika-1, ika-2, ika-3 ng unang buwan ayon sa kalendaryo ng buwan (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  33. 2015 Work Calendar (Revised Version) [2015 Kalendaryo ng Trabaho (Binagong Bersyon)] (sa wikang Ingles), Directorate-General of Personnel Administration, 27 Oktubre 2014, inarkibo mula sa orihinal noong 23 Setyembre 2015{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  34. "AIT Offices to Close for Multiple Holidays in February" (Nilabas sa mamamahayag). American Institute in Taiwan. 10 Pebrero 2015. Inarkibo mula sa orihinal noong 25 Pebrero 2015. Nakuha noong 4 Marso 2015.{{cite nilabas sa mamamhayag}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  35. "ประกาศสำนักนายกรัฐมนตรี เรื่อง กำหนดเวลาทำงานและวันหยุดราชการ (ฉบับที่ ๒๐) พ.ศ. ๒๕๕๕" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 9 Disyembre 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  36. http://chineseculture.about.com/library/weekly/aa011298.htm[patay na link]
  37. Flanagan, Alice K. (2004). Chinese New Year [Bagong Taon ng mga Tsino] (sa wikang Ingles). Compass Point Books. ISBN 9780756504793. Nakuha noong 4 Nobyembre 2008.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  38. "Red Pockets" [Mga Pulang Sobre]. Chinese New Year (sa wikang Ingles). Nakuha noong 30 Oktubre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  39. "This numbers game is crazy – for 8s" [Grabe ang laro sa numero – para sa mga 8]. The Globe and Mail (sa wikang Ingles). Nakuha noong 24 Enero 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  40. "How much money should you put in red envelope..." [Magkano ang dapat ilagay sa loob ng angpao...]. Taiwan News (sa wikang Ingles). 26 Enero 2017. Nakuha noong 24 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  41. "What's the significance of Lunar New Year red envelopes?" [Ano ang kahalagahan ng mga pulang sobre tuwing Bagong Taon ng Buwan?]. The Seattle Times (sa wikang Ingles). 25 Enero 2017. Nakuha noong 24 Enero 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  42. 42.0 42.1 Laing, Jennifer; Frost, Warwick (30 Oktubre 2014). Rituals and Traditional Events in the Modern World [Mga Ritwal at Tradisyonal na Kaganapan sa Modernong Mundo] (sa wikang Ingles). Routledge. p. 85. ISBN 978-1-134-59313-2. Nakuha noong 1 Enero 2023.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  43. "Ofw chinese new year things to remember" [Ofw bagong taong ng mga Tsino, mga kailangang alalahanin] (PDF) (sa wikang Ingles). South East Asia Group [an agency introducing foreign workers to work in Taiwan]. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Marso 2016. Nakuha noong 29 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  44. 家庭外傭過年習俗應注意事項 (JPEG) (sa wikang Tsino, Biyetnames, Indones, Thai, at Ingles). South East Asia Group. 23 Enero 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  45. "How Social Cash Made WeChat The App For Everything" [Paano Ginawang Panlahatang App Ang WeChat ng Perang Panlipunan]. Fast Company (sa wikang Ingles). 2 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 3 Enero 2017. Nakuha noong 4 Enero 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  46. Young, Doug. "Red envelope wars in China, Xiaomi eyes US" [Labanan ng angpao sa Tsina, minamata ng Xiaomi ang US] (sa wikang Ingles). South China Morning Post. Inarkibo mula sa orihinal noong 18 Pebrero 2015. Nakuha noong 18 Pebrero 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  47. "Why this Chinese New Year will be a digital money fest" [Bakit magiging digital money fest itong Bagong Taon ng mga Tsino?]. BBC News (sa wikang Ingles). 27 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 28 Enero 2017. Nakuha noong 29 Enero 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  48. "Tencent, Alibaba Send Lunar New Year Revelers Money-Hunting" [Mga Nagdiriwang ng Bagong Taon ng Buwan, Naghahabol ng Pera Dahil sa Tencent, Alibaba]. Caixin Global (sa wikang Ingles). 13 Enero 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Agosto 2018. Nakuha noong 29 Agosto 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  49. "Firecrackers" [Mga paputok] (sa wikang Ingles). Infopedia.nlb.gov.sg. 15 Abril 1999. Nakuha noong 2 Nobyembre 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  50. Welch 1997, p. 20.
  51. 51.0 51.1 Friedman, Sophie (4 Pebrero 2019). "Top 10 things to know about Chinese New Year" [Nangungunang 10 bagay na dapat malaman tungkol sa Bagong Taon ng mga Tsino]. nationalgeographic.com (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Pebrero 2019. Nakuha noong 5 Pebrero 2019. Sa Mandarin, sasabihin nila ang gong xi fa cai (恭喜发财), upang bumati sa iyo ng masaganang Bagong Taon. Sa Kantones, gong hey fat choi ito. Gayunman, kung babatiin mo ang tao ng xin nian kuai le (新年快乐), literal na 'happy new year,' pwedeng-pwede naman din. (Isinalin mula sa Ingles){{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  52. Rabinovitz, Jonathan (29 Enero 1998). "Bettors Try to Ride the Tiger; Chinese Hope Good Luck Accompanies the New Year" [Mga Pustador, Sinubukang Sakayin Ang Tigre; Tsinong Pag-asa, Kaswertehan, Kasama sa Bagong Taon]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Pebrero 2019. Nang dumating sila sa Foxwoods, binati sila ng mga empleyado ng kasino ng 'Gung hay fat choy,' ang pariralang Kantones na may salindiwang 'Manigong Bagong Taon.'{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  53. Magida, Lenore (18 Disyembre 1994). "What's Doing in Hong Kong" [Ano ang Ginagawa sa Hong Kong]. The New York Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 5 Pebrero 2019. Sa ganitong kapaligiran, tila angkop na ang tradisyonal na pagbati ng Bagong Taon ay, sa Kantones, 'Kung Hei Fat Choy' – na nangangahulugang 'Nawa'y magtagumpay at mapalaran ka.' (Isinalin mula sa Ingles){{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)