Pumunta sa nilalaman

Bagyong Vicky (2020)

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
 Bagyong Vicky (Krovanh) 
Bagyo (JMA)
Depresyon (Saffir–Simpson)
Ang bagyo sa Dagat Timog Tsina
NabuoDisyembre 17
NalusawDisyembre 24
Pinakamalakas na hanginSa loob ng 10 minuto: 65 km/h (40 mph)
Sa loob ng 1 minuto: 55 km/h (35 mph)
Pinakamababang presyur1000 hPa (mbar); 29.53 inHg
Namatay8
NapinsalaUS$2.29 milyon
(PhP110 milyon)
ApektadoPilipinas, Malaysia, Thailand
Bahagi ng
Panahon ng bagyo sa Pasipiko ng 2020

Si Bagyong Vicky, kilala sa labas ng Pilipinas bilang Bagyong Krovanh, ay isang mahinang bagyo na nanalasa sa Mindanao at Kabisayaan noong kalagitnaan ng Disyembre 2020. Ito ang ika-22 bagyong pumasok sa Pilipinas sa taóng iyon, at ang una matapos ng lagpas isang buwang pananahimik ng rehiyon matapos mabuo at manalasa si Bagyong Ulysses noong kalagitnaan ng Nobyembre.

Unang tumama si Bagyong Vicky sa Baganga, Davao Oriental ang bagyo noong ika-18 ng Disyembre,[1][2] at sa lungsod ng Puerto Princesa, Palawan naman noong gabi ng ika-19 ng Disyembre.[3][4] Nagpaulan ito sa malaking bahagi ng Mindanao at Kabisayaan, kung saan di bababa sa 8 ang kumpirmadong namatay dahil sa bagyo.[5]

Ang track ni Bagyong Vicky (Krovanh).

Noong ika-17 ng Disyembre, inulat ng PAGASA ang isang sistemang nabuo sa silangan ng Mindanao.[6][7] Nakita ito sa layong 260 kilometro silangang timog-silangan mula sa lungsod ng Davao. Naging isa itong depresyon noong 2:00 n.u. kinabukasan, ika-18 ng Disyembre, at binigyan ng PAGASA ng pangalang "Vicky," ang ika-22 bagyong pumasok sa Pilipinas ng taóng 2020. Itinaas rin ng JMA ang antas nito nung ding araw na iyon. Bandang 2:00 n.h. ng araw ding iyon, tumama sa Baganga, Davao Oriental ang bagyo.[1][2] Tinahak nito ang rehiyon ng Davao[2] at Caraga[8] buong maghapon. Nasa Dagat Bohol na ito bandang 11:00 n.g. matapos itong lumabas mula sa Misamis Oriental,[9] at binaybay ang kanlurang direksyon[10] patungo sa Dagat Sulu.[11] Gumalaw ito pakanluran hilagang-kanluran habang nasa naturang dagat buong maghapon habang papunta sa Palawan,[12][13] kung saan muli itong tumama sa lupa, sa lungsod ng Puerto Princesa, Palawan, noong 8:00 n.g. ng 19 Disyembre 2020.[3][4] Bandang 2:00 n.u. kinabukasan, nasa Dagat Kanlurang Pilipinas na ito.[14] Lumabas ito sa Sakop na Responsibilidad ng Pilipinas noong 2:00 n.h. ng araw ding iyon, bagamat nakataas pa rin ang Babala sa Bagyo sa Kapuluan ng Kalayaan.[15] Itinaas ng JMA sa oras ding iyon ang antas ni Vicky bilang isang ganap na bagyo, at pinangalanang Krovanh,[16] na sinundan kalaunan ng PAGASA.[17] Ibinaba ng PAGASA at ng JMA ang antas nito sa kani-kanilang mga huling ulat tungkol sa bagyo kinabukasan bago magtanghali, habang patuloy na humihina ang bagyo sa Dagat Timog Tsina.[18][19] Kinabukasan, inilabas na ng JTWC ang huling ulat para sa sistema matapos masira ang karamihan sa pag-ikot ng hangin nito dahil sa di-paborableng paghati sa hangin.[20]

Nagdulot ng pagbaha ang bagyo sa maraming bahagi ng Cebu, Agusan del Sur, Davao de Oro, at Leyte.[21] Dahil sa malawakang pinsala at pagbahang hatid ni Bagyong Vicky, itinuturing ito ng mga lokal na opisyal bilang ang pinakamapaminsalang bagyo sa Mindanao simula noong 2014.[22] Binaha ang mga pananim sa isang barangay sa Davao de Oro, at abot-tuhod din ang baha dahil sa pag-apaw ng isang ilog roon.[23] Dahil sa pagguho ng lupa, di madaanan ang isang kalsada sa bayan ng Monkayo sa Davao de Oro.[24] Sa lalawigan ng Cebu, inilikas ang di bababa sa 1,105 mga residente mula sa Argao, Boljoon, Compostela, Dalaguete, Dumanjug, at sa lungsod ng Danao dahil sa banta ng daluyong.[25] Sa lungsod ng Lapu-Lapu, napilitang ilikas ang 6,000 residente matapos anurin ang 76 na bahay sa dalampasigan.[22] Inilikas naman ang 1,525 na residente mula sa rehiyon ng Hilagang Mindanao, Caraga, at Davao.[26] Di bababa sa dalawa ang nakumpirmang namatay sa Leyte,[27] habang may isa namang namatay sa bayan ng San Francisco, Agusan del Sur.[22] Tatlo naman ang namatay sa Surigao del Sur dahil sa pagkalunod.[5]

Ayon sa NDRRMC, aabot sa PhP110 milyon ang kabuuang pinsala ni Vicky, at 8 ang namatay dahil sa bagyo. 36,030 na residente ang direktang naapektuhan ng bagyo, kung saan 15,803 ang nasa mga evacuation center.[5]

Nagpaulan rin ang natirang kaulapan nito sa Malaysia at Thailand, bagamat wala itong naitalang seryosong pinsala o pagkamatay.

  1. 1.0 1.1 Arceo, Acor (18 Disyembre 2020). "Tropical Depression Vicky makes landfall in Davao Oriental" [Tumama sa Davao Oriental ang Depresyong Vicky]. Rappler (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 "Severe Weather Bulletin #5 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 18 Disyembre 2020. Nakuha noong 18 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 De Vera-Ruiz, Ellalyn (20 Disyembre 2020). "'Vicky' slightly intensifies after crossing Palawan; makes 2nd landfall in Puerto Princesa" [Medyo lumakas si 'Vicky' matapos [nitong] daanan ang Palawan; pangalawang pagtama sa lupa sa Puerto Princesa]. Manila Bulletin (sa wikang Ingles). Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. 4.0 4.1 "Severe Weather Bulletin #14 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. 5.0 5.1 5.2 "Vicky leaves 8 dead, ₱110M infra damage — NDRRMC" [Nag-iwan si Vicky ng 8 patay, ₱110M pinsala sa ari-arian — NDRRMC]. CNN Philippines (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2020. Nakuha noong 22 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Severe Weather Bulletin #1 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 17 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 17 Disyembre 2020. Nakuha noong 17 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. "Significant Tropical Weather Advisory for the Western and South Pacific Oceans" [Importanteng mga Abiso sa Panahon para sa Kanluran at Katimugang Pasipiko]. Joint Typhoon Warning Center. 17 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-05-18. Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Severe Weather Bulletin #6 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 18 Disyembre 2020. Nakuha noong 18 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. "Severe Weather Bulletin #7 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 18 Disyembre 2020. Nakuha noong 18 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Severe Weather Bulletin #8 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  11. "Severe Weather Bulletin #9 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Severe Weather Bulletin #13 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "Severe Weather Bulletin #13 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 19 Disyembre 2020. Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  14. "Severe Weather Bulletin #15 for Tropical Depression 'Vicky'" (PDF). PAGASA. 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "Severe Weather Bulletin #19 for Tropical Depression 'Vicky' (Krovanh)" (PDF). PAGASA. 20 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. "Tropical Cyclone Information" [Impormasyon sa Bagyo]. Pangasiwaang Pampanahon ng Hapón (sa wikang Ingles). 20 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 21 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. "Severe Weather Bulletin #20 for Tropical Storm 'Vicky' (Krovanh)" (PDF). PAGASA. 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "Severe Weather Bulletin #22 for Tropical Depression 'Vicky' (Krovanh)" (PDF). PAGASA. 21 Disyembre 2020. Nakuha noong 21 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Tropical Cyclone Information" [Impormasyon sa Bagyo]. Japan Meteorological Agency (sa wikang Ingles). 21 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 21 Disyembre 2020. Nakuha noong 21 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "Tropical Depression 26W (Krovanh) Warning #11" [Depresyong 26W (Krovanh) Babala #11]. Joint Typhoon Warning Center (sa wikang Ingles). 22 Disyembre 2020. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2020. Nakuha noong 23 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. Tocmo, Hernel (18 Disyembre 2020). "Vicky nagdala ng landslide, matinding pagbaha sa ilang parte ng Mindanao". ABS-CBN News (sa wikang Filipino). Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. 22.0 22.1 22.2 "Vicky pummels Mindanao in scale unseen since 2014 Seniang" [Nanalasa si Vicky sa Mindanao sa laking di nakita simula noong Seniang ng 2014]. Inquirer. 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Tocmo, Hernel (18 Disyembre 2020). "TINGNAN: Ilang bahagi ng Davao de Oro binaha dahil sa bagyong Vicky". ABS-CBN News (sa wikang Filipino). Nakuha noong 18 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Tocmo, Hernel (19 Disyembre 2020). "Kalsada sa bayan ng Monkayo 'di madaanan dahil sa landslide". ABS-CBN News (sa wikang Filipino). Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  25. Veloso, Arvie N. (20 Disyembre 2020). "1,105 gipabakwit atol sa bagyong Vicky" [1,105 ang pinalikas habang [nanalasa ang] bagyong Vicky]. Sunstar (sa wikang Cebuano). Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  26. Calalo, Arlie O. (20 Disyembre 2020). "'Vicky' floods Visayas, Mindanao" [Nagpabaha si 'Vicky' sa Visayas, Mindanao]. Manila Times (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 20 Disyembre 2020. Nakuha noong 20 Disyembre 2020.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  27. Nishimori, Aleta Nieva (19 Disyembre 2020). "'Vicky' triggers floods, landslides in parts of Visayas, Mindanao; at least 2 dead" [Nagpabaha, nagpaguho ng lupa, si 'Vicky' sa [ilang] bahagi ng Visayas, Mindanao; di bababa sa 2, patay]. ABS-CBN News (sa wikang Ingles). Nakuha noong 19 Disyembre 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
Sinundan:
Ulysses
Pacific typhoon season names
Vicky
Susunod:
Warren (unused)