Pumunta sa nilalaman

Bambang, Taguig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Barangay Bambang,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Bambang, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayJun Jaime T. Cruz
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1637
Kodigo ng lugar02

Ang Barangay Bambang (PSGC: 137607003) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Sang-ayon sa alamat, ang pangalang Bambang ay galing sa salitang “bamban” o itlog na may malambot na balat. Sang-ayon naman sa kasaysayan, ang nayon ay tinatawag na Bambang sapagka’t ito ay nasa pampang ng Ilog Taguig na dinadaluyan ng tubig buhat sa Laguna de Bay.

Ang mga naninirahan sa Bambang ay mga magsasaka, mangingisda,namamasukan sa mga pagawaan at mga tanggapan, mga tindera at mga taong may sariling negosyo. Nasa Bambang din ang isang patahiang nagbibigay ng hanapbuhay hindi lamang sa mga taga Bambang kundi sa mga taga ibang nayon ng Tagig, Pateros at Pasig.

Sa mga gawaing pananampalataya, ang mga naninirahan sa nayong ito ay lagi na lamang kabalikat. Marami sa kanila ang mga pinuno at mga kasapi ng Word Ministry, Parish Auxiliary, Catholic Women’s League, Knights pf Columbus, Legion of Mary, Diwa ni Santa Ana, Mother Butler’s Guild, St. Anne Parish Choir, at iba pa.

Sa ngayon, ang isang pinag-uukulan ng pansin ng mga tao sa nayon ng Bambang ay ang pagtatatag at pagpapalakas ng Bukluran. Sa pamamagitan nito at ng marami pang mga gawaing pangpananampalataya, makatutulong ang Bambang sa pagtatatag ng isang pamayanang kristiyano.

Sangguniang Barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kapitan: Ryan C.Esteban
  • Kagawad ng Barangay:
    • Khaterine Sta. Ana
    • Rolando Sarmiento
    • Julius Manalo
    • Gladys Espiritu
    • Teofilo Osoteo
    • Jojo P. Ignacio
    • Baby Arciga
  • Kalihim: Rose Marie Dorothy R. Olabre
  • Ingat-Yaman: Leolanie A. Roldan


Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]