Ligid-Tipas, Taguig
Barangay Ligid-Tipas, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | John Lontoc | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1637 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Ang Barangay Ligid-Tipas (PSGC: 137607007) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sa buong bayan ng Taguig, may nag-iisang pinakamalaking Barrio simula pa noong panahon ng Kastila hanggang pumasok ang Republika at ito ay ang Barrio ng Tipas. Hinati-hati ang baryong ito sa apat na barangay at isa rito ang barangay Ligid-Tipas.
Noong panahon ng kastila ang tanging hanap buhay ng mga taga Ligid-Tipas ay ang pagdaragat at pagsasaka. Sa pamamagitan ng hanapbuhay na ito, pinagsumikapan nilang mapag-aral ang kanilang mga anak.
Sa matiyagang pagsusumikap, sa barangay Ligid Tipas, nagmula ang kauna-unahan Kapitan Munisipal ng Pamahalaang Bayan ng Taguig sa katauhan ni Ginoong Agustin Rayos del Sol. Dito rin nangaling si Dr. Juanito Natividad na naging Direktor ng pinakamalaking Hospital sa buong Bansa at gayon din si Gen. Arsenio Natividad na Heneral ng Constabularya, na dahil sa katapatan sa tungkulin ay naging Punong Bayan ng Lungsod ng Tagaytay noong siya ay doon nanirahan.
Noong panahon ng Hapon, marami ring mga magigiting na lalaki ang namatay dahil sa pagtatanggol sa bayan. Tanging bantayog na lamang ang naiwan nilang ala-ala ang makikita sa Plaza Bonifacio sa harap ang Simbahang katoliko.
Nang maging Republika na ang Pilipinas, isa na namang taga Ligid-Tipas ang naging Punong Bayan ng Taguig sa katauhan ni G. Monico C. Tanyag na nanungkulan ng mahabang panahon sa ating bayan. Sumunod sa kaniya ay si G. Levi B. Mariano. At ikinararangal din naming banggiting na maging ang dating Punong bayan na si Inhinyero Rodolfo P. de Guzman ay nagmula rin sa angkan at lahi ng mga taga Ligid-Tipas.
Edukasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Little Friends of Saint Mary
- Precious Academy
- Tipas National High School
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Sangguniang Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kapitan: Mayfe V. Manosca
- Kagawad ng barangay:
- Marlon Flordeliza
- Romeo R. Cabigting
- Johnson M. Lontok
- Jenn Kristoffer I. Quilatan
- Gilbert L. Mañosca
- Jimmy Y. Llantada
- Rommel M. Silvestre
Sangguniang Kabataan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Tagapangulo : Naomi Fay B. Reyes
- Mga Konsehal:
- Joanna Marie C. Sañga
- Jana Lyn I. Quilatan
- John Eric O. Del Rosario
- Alfred Jonathan Cruz
- Kevin P. Salvador
- Ma. Clarissa L. Paras
- Jhonn Rafael G. Bilaw
- Kalihim: Johnny N. Lontok
- Ingat-Yaman: Dolora I. Tiglao
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]