Pumunta sa nilalaman

Santa Ana, Taguig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Barangay Sta. Ana,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Sta. Ana, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayHon. Roberto M. Flogen
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1637
Kodigo ng lugar02

Ang Barangay Sta. Ana (PSGC: 137607012) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Ang Santa Ana ay siyang pinakapangulong nayon o kabisera ng bayan. Dito nakatayo ang simbahang pambayan at ito ang siyang unang tinawag na Taguig. Nang dumami ang mga tao at mga nayon at nang maitatag na ang unang simbahang Katoliko dito, ang pangulong nayon ay binigyan ng pangalang Sta. Ana, sunod sa pangalan ng Patronang pintakasi ng bayan.

Ang patron ng mga taga-Sta. Ana ay si San Felipe, ang apostol. Ito ang kanilang napili dahil ang kaarawan o kapistahan nito ay tuwing unang araw ng Mayo. Araw ng Paggawa at karamihan sa mga tao rito ay manggagawa, mangingisda, at magsasaka. Si San Felipe ang kanilang dinarasalan upang humingi ng biyaya sa masaganang ani at mabuting huli sa kanilang pangingisda.

Marami ring mga samahang pang relihiyon na aktibo sa nayong Sta. Ana na siyang tumutulong sa gawaing pang-espiritual ng mga mamamayan.

Sa harapan ng simbahan ng Sta.Ana nakaluklok ang isang puno ng Acacia, Centenial Tree na siyang naging saksi sa ilang mahahalagang kaganapan sa pamabansang kasaysayan. Sa nasabing puno minsan ay namahinga ang mga katipuneros sa pamumuno na rin Gat. Andres Bonifacio.

  • Taguig Integrated School
  • Collegio de Sta. Ana
  • Sta. Ana Day Care Center
  • Pulong Kendi Day Care Center
  • Sta. Ana Learning Center
  • Southville Woodland School
  • Living Miracle Foundational Learning Center

Sangguniang Barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kapitan: Hon. Roberto M. Flogen
  • Kagawad ng barangay:
    • HON. Pepito S. Cada
    • HON. Tristan C. Inan
    • HON. Pepito M. Rodriguez
    • HON. Archie T. Aguinaldo
    • HON. Edith A. Laurin
    • HON. Agapito S. Herrera
    • HON. Aida R. Lano

Barangay Secretary

  • Arwin F. Abella

Barangay Treasurer

  • Maria Redgene O. Ualat


Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]