Pumunta sa nilalaman

Napindan

Mga koordinado: 14°32′23″N 121°5′24″E / 14.53972°N 121.09000°E / 14.53972; 121.09000
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Napindan, Taguig)
Barangay Napindan,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Tanawin sa Napindan, Taguig
Tanawin sa Napindan, Taguig
Opisyal na sagisag ng Barangay Napindan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
Barangay Napindan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila is located in Kalakhang Maynia
Barangay Napindan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay Napindan,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Mga koordinado: 14°32′23″N 121°5′24″E / 14.53972°N 121.09000°E / 14.53972; 121.09000
BansaPilipinas
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodLungsod ng Taguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayVirgilio C. Dela Paz
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1637
Kodigo ng lugar02

Ang Barangay Napindan (PSGC: 137607010) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Daan taon bago dumating ang mga Kastila, ang nayon ng Napindan ay isang masukal at madamong pook na nasa Lawa ng Laguna. Ayon sa isang alamat, isang anak ng datu sa Tipas ang nakarating sa pulo ng Napindan. Ang Napindan noon ay mistulang isang pulo sapagka’t napapalibutan ng ilog at mga sapa, gaya ng Ilog Napindan, Sapang Mababaw, Sapang Katuwiran at Sapa ni Kapitan Ciano. Isang araw ay napaligaw ang isang anak ng datu ng Tipas sa pulo ng Napindan na noon ay pinamumugaran ng mga tulisan. Hinuli nila ang prinsipe at kanilang pinatay, ang bahagi ng katawan nito ay tinaga nila o “pinindang” at isinabit sa siit ng kawayanan hanggang matuyo. Nilusob ng datu ang mga tulisan at tinularan ang ginawa sa prinsipe. Pinindang nila ang mga tulisan. Hindi naglaon at dumayo ang mga tao sa pook na iyon, nilinis ang dawag at sila’y nanirahan doon sapagka’t malapit sa ilog at mga sapa at nasa bukana ng Lawa ng Laguna, na makali silang makapangisda. Nang dumating ang mga kastila at tinanong sa mga katutubo ang pangalan ng pook na may kawayanan na siyang pinapalitan ng pindang na tao, ang isinagot ay “Napindang”. Mula noon ay tinawag ang pamayanan ng “Napindan”.

Ang isa pang sinasabing pinanggalingan ng salitang Napindan ay batay sa katangian ng nasabing pook. Ang Napindan ay nahahati sa dalawang bahagi na binagtas ng isang ilog sanhi sa malakas na agos o daloy ng tubig na nagmumula sa ilog Tipas patungo sa Lawa ng Laguna, ang kalupaan ay “nabutas” o “napindang” (isang matandang salitang tagalog). Mula noon ang naturang pook na nasa baybayin ng ilog ay tinawag na Napindan. Ang mga mamamayang naninirahan doon ay pawang mula sa nayon ng Tipas, at halos lahat ng angkan sa Napindan ay may kamag-anak sa naturang nayon gaya ng Natividad, Esguerra, Mozo, Talampas.

Aglipay (IFI) ang pangunahing relihiyon sa Napindan, na kinabibilangan ng mga angkan at pamilyang nabanggit.

  • Napindan Integrated School (Primary, Secondary, Senior High School)
  • St. Uriel Academy of Taguig City (Primary, Secondary, Senior High School)

Sangguniang Barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kapitan: Hon. Virgilio C. Dela Paz
  • Kagawad ng barangay:
    • Hon. Andy S. Geronimo
    • Hon. John John E. Bautista
    • Hon. Eleazar F. Liton
    • Hon. Joie Talampas
    • Hon. Rommelen B. Mozo
    • Hon. Donato L. Talampas
    • Hon. Rowie Nel E. Olinares

Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]