Pumunta sa nilalaman

Ususan, Taguig

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Barangay Ususan,
Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Barangay
Opisyal na sagisag ng Barangay Ususan, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila
Sagisag
RehiyonKalakhang Maynila
LungsodTaguig
Pamahalaan
 • UriBarangay
 • Kapitan ng BarangayMarie Marcelino
Sona ng orasGMT (UTC+8)
Zip Code
1639
Kodigo ng lugar02

Ang Barangay Ususan (PSGC: 137607016) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.

Ang Ususan ay isa sa mga orihinal na nayon ng bayan ng Taguig. Isa ito sa mga nayong bumubuo ng Taguig nang ang nasabing bayan ay itinatag na pueblo o bayang nasasakupan ng Tondo noong 1587. Ayon sa tala ng 1986, ang nayong ito ay pinamayanan ng 8, 193 na pawang mga Pilipino.

Ang pangalang Ususan ay siya nang kinamulatan ng mga taong sa simula pa ay doon na nakatira. Ang “Ususan”ay nangangahulugang isang pook na mataba na kung saan bumababa ang mga bagay na nasa itaas nito. Ayon sa kinalabasan ng mga pananaliksik, noong unang panahon ay masukal ang kasalukuyang nayon. Ang mga naninirahan sa kabilang pampang nilog na kung tawagin ay Maysapang. Ang iba naman ay karatig na bulubundukin ng dating Fort McKinley (Fort Bonifacio) nakatira. Nang dumating ang mga kastila noong 1958 ang mga nakatira sa bulubundukin ay pina-alis at ang mga ito ay bumaba sa kapatagan. Mula noon, ang nasabing nayon ay tinawag na Ususan o Maysapang. Sinasabi ring galing sa Pasig ang mga unang taong naninirahan sa Ususan.

Apat na pook ang bumubuo sa Ususan: Subaan, Ibaba Langos, Kabilang Banda at Pampangin. Ang nayon ay hugis titik “U”.

Mataas na Paaralan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • St. Ignatius of Loyola High School
  • Gen. Ricardo G. Papa Memorial High School
  • Senator Renato "Compañero" Cayetano Memorial Science and Technology High School

Mababang Paaralan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Ususan Elementary School
  • Dr. Artemio Natividad Elementary School
  • Fairyland Kindergarten & Grade School

Sangguniang Barangay

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Kapitan: Marie Marcelino
  • Kagawad ng barangay:
    • Jimboy Flores
    • Rolly De Leon
    • Jorie Costes
    • Popoy Raquel
    • Rachel Santos
    • Rommel Marcelino
    • Nestor Ginez

Sangguniang Kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Tagapangulo : Randell M. de Leon
  • Mga Konsehal:
    • Julian Adrian Soloria
    • Camille Marcelino
    • John RB de Leon
    • Shiela Anna Marie Hernandez
    • Jacinto Mari Manual
    • Marjorie Mae Arganda
    • Butch Edward Marcelino
  • Kalihim: Rosario T. Esteban
  • Ingat-Yaman: Normando B. Guevarra


Mga Sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]