Ibayo-Tipas, Taguig
Barangay Ibayo-Tipas, Lungsod ng Taguig, Kalakhang Maynila | ||
---|---|---|
Barangay | ||
| ||
Rehiyon | Kalakhang Maynila | |
Lungsod | Taguig | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Barangay | |
• Kapitan ng Barangay | Wilfredo De Guzman Flores | |
Sona ng oras | GMT (UTC+8) | |
Zip Code | 1637 | |
Kodigo ng lugar | 02 |
Ang Barangay Ibayo-Tipas (PSGC: 137607006) ay isa sa dalawampu't walong barangay ng Lungsod ng Taguig sa Kalakhang Maynila sa Pilipinas.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Barangay Ibayo-Tipas ay isa sa mga bumubuo ng orihinal na kanayunan ng Tipas sa bayan ng Taguig. Ito ay dating bahagi ng Barrio Tipas. Ang mga unang taong naninirahan, sa kabilang dako ng Tipas o sa kabila nang kailugan ng Tipas ay tinagurian ng mga Tagalog na Ibayo. Nang lumaon, ang Ibayo ay lumawak at umunlad, ito ay nakilala na sa tawag na Ibayo-Tipas.
Sinasabi sa kasaysayan, na noong unang panahon ay nag-iisa lamang ang naturang lugar na ito. Malaki ang Tipas at maraming tao. Noong 1974, panahon ng dating Punong bayan Monico C. Tanyag, sa pamamagitan ng isang Municipal Resolution na panukala ni Konsehal Pascual Sarmiento, napagkaisahan ng Sangguniang Bayan na hatiin ang Tipas sa apat na Barangay. Ang iba pang barangay ay ang Ligid, Palingon, at Calzada.
Maraming mga propesyunal ang Barangay Ibayo tulad ng doctor, nurses, abogado, CPA, guro, Inhenyero ( Civil, Electrical, Chemical, Kompyuter at Mechanical ) at mga Chemist. Ang ilan sa mga ito ay nagtungo sa ibang bansa tulad ng Amerika, Australia, Canada, Alemanya at Saudi Arabia.
Ibat-ibang uri ang hanapbuhay ng mga tao rito. Mayroon din nga magsasaka at mangingisda. Marami ang namamasukan sa pamahalaan at pribadong sector.
Sa ngayon patuloy na umuunlad ang Barangay Ibayo, ang mga lupain na dating sinasaka ng lehitimong taga Ibayo ay tinayuan ng ibat-ibang negosyo at pagawaan / pabrika na pinagkukunan ng kabuhayan ng mamamayan. Umaabot sa 100 small and medium scale industries / negosyo at 165 sari-sari ang nakatayo rito. Isa ang Tipas Bakery na gumagawa ng bantog na tipas Hopia na pag-aari ng pamilyang Flores. Ang produktong ito ay nakakarating sa lahat ng bahagi ng Pilipinas. Ito ay maituturing na isa sa maunlad na barangay sa bayan ng Taguig dala ng ibayong kasipagan ng mga mamamayan.
Pamahalaan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kapitan:Wilfredo De Guzman Flores
Tingnan rin
[baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Barangay Ibayo-Tipas, Lungsod ng Taguig Naka-arkibo 2009-09-11 sa Wayback Machine.