Baseng Panghimpapawid ng Clark
Baseng Panghimpapawid ng Clark | |
---|---|
Bahagi ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas | |
Matatagpuan sa Sona ng Malayang Daungan ng Clark, Pilipinas | |
Mga koordinado | 15°11′09.6″N 120°33′37″E / 15.186000°N 120.56028°E[1] |
Uri | Baseng panghimpapawid |
Impormasyon ng lugar | |
May-ari | Pilipinas |
Kinkontrol ng | Hukbong Panghimpapawid ng Pilipinas |
Kondisyon | Kinumpuni |
Site history | |
Itinayo | Setyembre 1, 1903 |
Itinayo ng | United States |
Ginamit | United States 1903–1942 Imperyo ng Hapon 1942–1945 United States 1945–1991 Philippines 1991–present |
Impormasyon ng garison | |
Garison |
|
Impormasyon ng palapagan | |||||||||||||||
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Buod | |||||||||||||||
Elebasyon AMSL | 148 m / 484 tal | ||||||||||||||
Mga koordinado | 15°11′09″N 120°33′35″E / 15.18583°N 120.55972°E | ||||||||||||||
Mapa | |||||||||||||||
Mga patakbuhan | |||||||||||||||
|
Ang Baseng Panghimpapawid ng Clark (Ingles: Clark Air Base) ay isang base militar ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na matatagpuan sa Clark Freeport and Special Economic Zone (CFEZ) o Malayang Daungan at Natatanging Sonang Ekonomiko ng Clark sa Gitnang Luzon, Pilipinas na nasa mga 3 milya (4.8 km) kanluran ng Lungsod ng Angeles, at mga 40 milya (64 km) hilagang-kanluran ng Kalakhang Maynila. Dating pasilidad ng militar ng Estados Unidos ang Baseng Panghimpapawid ng Clark, na pinagana sa pamamagitan ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos sa ilalim ng tanggulan ng Pacific Air Forces (PACAF) o Hukbong Panghimpapawid ng Pasipiko at mga sinundan nitong mga organisasayon mula 1903 hanggang 1991. May lawak ang base ng mga 12 milya kuwadrado (31 km2)[2] na may isang reserbasyon ng militar na lumalagpas sa hilaga na sumasakop ng karagdagang 230 milya kuwadrado (600 km2).
Naging isang muog ang base ng pinagsamang puwersang Pilipino at Amerikano noong mga huling buwan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pagkatapos ng digmaan, ginawaran ang Pilipinas ng Estados Unidos ng kalayaan noong 1946, at dahil dito, naging soberanyang bansa ang Pilipinas, kaya, nagkaroon ng kasundaan ng pagpapanatili ng mga base militar ng mga Amerikano kabilang Baseng Panghimpapawid ng Clark sa Pilipinas, sa kondisyong rerentahan ng Estados Unidos ito.
Patuloy naging isang lakas ng suportang lohistikal ng Estados Unidos ang base partikular noong Digmaang Malamig (na lunsaran sa Digmaang Koreano) at Digmaang Biyetnam hanggang 1975. Kasunod ng pag-alis ng mga puwersang Amerikano noong 1991 dahil sa pagputok ng Bundok Pinatubo at pagtanggi ng Senado ng Pilipinas na panibaguhin ang presensya ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas,[3][4][5] naging pook ang base ng Paliparang Pandaigdig ng Clark, gayon din ang Sona ng Malayang Daungan ng Clark at ang Lungsod ng Hukbong Himpapawid ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas.
Pasilidad at gamit
Naglalaman ang Baseng Panghimpapawid ng Clark ng dalawang patakbuhan na may habang mga 10,000 talampakan (3,000 m).[1] Mayroon itong walong helipad (o lapagan ng helikopter) na binabahagi sa Paliparang Pandaigdig ng Clark. Halo ang paggamit ng pasilidad ang mga pangunahing gamit ay mga demostarsyon, pansamantalang lugar para sa pagpakalat ng mga sundalo, at mga natatanging operasyon.[1]
Ayon noong 2012, dito nakahimpil ang Unang Dibisyon ng Himpapawid, Ika-410 Pangkat ng Piloto ng Pagpapanatili, Ika-420 Pangkat ng Piloto ng Panustos, Ika-600 Pangkat ng Piloto ng Baseng Panghimpapawid, Ika-710th Pankat ng Piloto ng Natatanging mga Operasyon, Komandong Lohistiko ng Hukbong Panghimpapawid, at Komandong Reserba ng Hukbong Panghimpapawid.[1]
Kasaysayan
Pagkakatatag at ginampanan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Orihinal na naitatag ang Baseng Panghimpapawid ng Clark bilang Kuta Stotsenburg sa Sapang Bato, Angeles, Pampanga[6] noong 1903 sa ilalim ng pamamahala at kontrol ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos.[7] Una itong pastulan ng mga kabayo ng Ika-5 Kabaleriya ng Estados Unidos noong 1901.[8] Opisyal na ibinukod ang bahagi ng Kuta Stotsenburg para Seksyong Abyasyon ng Pulutong Signal at ipinangalang Clark Field (o Palapagang Clark) noong Setyembre 1919 na tumutukoy ang Clark kay Harold M. Clark.[9] Ito ang unang palapagang militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.[10]
Nagsilbi kalaunan ang Clark bilang lapagan para sa mga katamtamang pambomba ng Pulutong Panghimpapawid ng Hukbong Katihan ng Estados Unidos at tinanggap ang mabibigat na pambomba na nakahimpil sa Pilipinas noong dekada 1930. Napakalaki nito para sa paliparang panghimpapawid noong mga panahong iyon, at noong huling bahagi ng tag-init at taglagas ng 1941, maraming sasakyang panghimpapawid ang ipinadala sa Clark sa paghintay ng isang digmaan sa Imperyo ng Hapon. Bagaman, nawasak ang karamihan sa kanila sa kalupaan noong pagbombang estratehiko siyam na oras pagkatapos ng pag-atake sa Pearl Harbor.
Nilusob ang base ng mga puwersang Hapon noong maagang bahagi ng Enero 1942 at naging pangunahing sentro ng mga operasyong Hapon sa himapapwid. Sumali ang mga sasakyang panghimpapawid ng Hapon na lumalabas sa Clark sa Labanan sa Gulpo ng Leyte, ang pinakamalaking labanang pandagat noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[11][12]
Sa panahon ng digmaan, ang mga bilanggong Magkaalyado (Allied) sa Martsa ng Kamatayan sa Bataan ay dumaan sa pangunahing tarangkahan ng Baseng Panghimpapawid ng Clark habang sinundan nila ang mga riles ng daang bakal patungo sa hilaga ng Kampo O'Donnell. Muling nabawi ng mga Amerikano ang Baseng Panghimpapawid ng Clark noong Enero 1945, pagkatpaos ng tatlong buwan ng malupit na labanan upang mapalaya ang Pilipinas. Agad itong naibalik sa kontrol ng Hukbong Himpapawid ng Hukbong Sandatahan ng Estados Unidos.
Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig
mNang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Clark ay naging pinakamalaking Base ng Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos sa labas ng teritoryo nito.[1] Pinagsilbihan nito ang Ika-13 Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos at ito ang gumaganang base ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos sa Malayong Silangan.[1]
Ginawaran ng kalayaan ng pamahalaan ng Estados Unidos ang Pilipinas noong Hulyo 4, 1946, alinsunod sa Batas ng Kalayaan ng Pilipinas (o mas kilala bilang Batas Tydings–McDuffie). Dahil naging isa nang bansang may soberanya ang Pilipinas pagkatapos igawad ito ng Estados Unidos, kailangan na ng kasunduan sa dalawang bansang ito para sa mga base militar. Noong Marso 1947, pumasok sa kasunduan ang Pilipinas at Estados Unidos sa pagpanitili ng mga base militar sa Pilipinas kabilang ang Baseng Panghimpapawid ng Clark. Sa nasabing kasunduan, pinayagan ng Pilipinas na pagkaroon ng base militar ng Estados Unidos na libre ang renta.[13] Bagaman, ang mga sumunod na paghingi ng extensyon sa pagpapanitili ng mga base militar ay may bayad na ang renta. Partikular, noong dekada 1970, nagkaroon ng negosasyon ang Pilipinas at Estados Unidos para sa mga kondisyon sa patuloy ng paggamit ng Estados sa Clark.[2] Nagkasundo ang dalawang bansa noong 1979 na tataas sa $ 500 milyon ang upa ng Estados Unidos sa mga base (kabilang ang Clark) sa loob ng limang taon.[14]
Naging pangunahing baseng panghimpapawid ang Clark ng mga Amerikano noong panahon ng Digmaang Malamig, na naging lunsaran para sa Digmaang Koreano[15] at nagsilbing mahalagang lohistikong sentro noong panahon ng Digmaang Biyetnam hanggang 1975. Noong 1983, sa ilalim ng pamahalaan ng noo'y Pangulong Ferdinand Marcos, nagawaran ang Estados Unidos ng ekstensyon sa pag-upa ng mga base militar sa halagang $ 400 milyon, upang mapanatili nito ang estratehikong posisyon sa pagdepensa nito laban sa lakas ng Unyong Sobyet sa rehiyon ng Asya-Pasipiko.[16] Nangyari ang kasunduan sa ekstensyon sa kabila ng pagsalungat sa desisyon na ito ng mga tumataligsa kay Marcos, paminsan-minsan na di magandang ugali ng mga sundalong Amerikano, at diumano'y pagmaltrato ng mga Pilipino.[16]
Mga huling taon sa ilalim ng pamamahala ng Estados Unidos
Bago ang malawak na pagkawasak ng base mula pagputok ng Bundok Pinatubo noong 1991, inalok ng pamahalaan ng Pilipinas ang Estados Unidos na panibaguhin ang upa sa Clark, Subic at iba pang maliliit na base sa halagang $ 825 milyon kada taon. Pagkatapos pumutok ang Bundok Pinatubo, nag-alok ang Estados Unidos ng mga $ 200 milyong upa para sa Subic lamang;[8] hindi sinama ang Clark sa alok at balak na lamang itong isuko sa Pilipinas pagdating ng Setyembre 1992.[17] Subalit hindi natupad ang pagsuko sa tinakdang petsa dahil noong Setyembre 16, 1991, nagpasya ang Senado ng Pilipinas na tapusin ang presensya ng banyagang militar sa Pilipinas.[4] Kaya, noong Nobyembre 26, 1991, binaba ng Hukbong Himpapawid ng Estados Unidos ang watawat ng Estados Unidos at sinuko na ang Baseng Panghimpapawid ng Clark sa pamahalaan ng Pilipinas.
Sa ilalim ng pamamahala ng Pilipinas at pagbalik ng sundalong Amerikano
Pagkatapos mapalayas ang mga Amerikano sa Baseng Panghimpapawid ng Clark noong 1991, ginawang paliparang pandaigdigan ang patakbuhan at mga pasilidad ng palapagan ng pamahalaan ng Pilipinas. Una pinangalan ang ginawang paliparan bilang Clark International Airport o Paliparang Pandaigdig ng Clark at napalitan ito bilang Diosdado Macapagal International Airport o Paliparang Pandaigdig ng Diosdado Macapagal noong 2001 subalit naibalik uli ito sa orihinal na pangalan pagkalipas ng isang dekada.
Noong 1993, pagkatapos ng pagkumpuni at paglinis ng base sa mga abo dulot ng pagputok ng bulkan, muling nagbukas ang Baseng Panghimpapawid ng Clark bilang Clark Special Economic Zone o Natatanging Sonang Ekonomiko ng Clark na ginawa para sa layuning sibilyan at ekonomiko. Bagaman, mayroon pa rin mga yunit ng Hukbong Himpapawid ng Pilipinas na nakahimpil sa dating Palapagan ng Estados Unidos sa Barangay Dau, Lungsod ng Angeles, Pampanga.
Pagkalipas ng 21 taon, noong 2012, pinayagan ng Pilipinas ang limitadong pagpasok ng mga tropang Amerikano sa mga base militar kabilang ang Baseng Panghimpapawid ng Clark.[18][19] Malakas na tinutulan ang pasyang ito na muling pagbabalik ng mga Amerikanong militar sa mga datng base nito ng hindi lamang kontra-Amerikano kung hindi yaong mga matataas na opisyal ng gobyerno.[20] Noong 2023, may mga piloto ng Hukbong Panghimpapawid ng Estados Unidos sa Pasipiko ang bumisita sa Clark na nakipag-usap sa Hukbong Himpapawid ng Pilipinas para sa hinaharap na militar na pagsasanay at ibang kaugnay na usapin.[21]
Mga sanggunian
- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 1.5 "Clark Air Base". paf.mil.ph. Inarkibo mula sa orihinal noong 2021-01-15. Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 2.0 2.1 "Clark Air Base | U.S. Air Force, Philippines, Cold War | Britannica". www.britannica.com (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Oberdorfer, Don (1991-09-10). "U.S. BASE REJECTED IN PHILIPPINES". Washington Post (sa wikang Ingles). ISSN 0190-8286. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Francisco, Katerina (2016-09-16). "LOOK BACK: When the Senate said 'no' to US bases renewal". RAPPLER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Politics, Pinatubo and the Pentagon: The Closure of Subic Bay – Association for Diplomatic Studies & Training". adst.org. Nakuha noong 2023-11-21.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ David, Atilano Bernardo (2017-11-15). End of the Trail: A Novel of the Philippines in World War II (sa wikang Ingles). Sunstone Press. ISBN 978-1-61139-505-1.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Latham, Winifred (2013-09-20). Webbed Toes: A Birth Mother's Life Story (sa wikang Ingles). Lulu.com. ISBN 978-1-304-43419-7.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 8.0 8.1 Broder, John M. (1991-07-18). "U.S. Reaches Accord With Manila, Will Leave Clark Air Base : Philippines: Volcano causes abandonment of field. But Americans will keep Subic Naval Base for 10 years". Los Angeles Times (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Anderegg, C. R. (2000). The Ash Warriors (sa wikang Ingles). Air Force History and Museums Program. ISBN 978-0-16-050600-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Widner, Robert (2017-01-25). Clark Air Force Base & Camp Wallace 1950 - '52 (sa wikang Ingles). Lulu.com. ISBN 978-1-365-70441-3.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Morison, Samuel E. (1956). "Leyte, June 1944 – January 1945". History of United States Naval Operations in World War II (sa wikang Ingles). Bol. XII. Boston: Little & Brown.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Woodward, C. Vann (1947). The Battle for Leyte Gulf (sa wikang Ingles). New York: Macmillan.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "AGREEMENT BETWEEN THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND THE UNITED STATES OF AMERICA CONCERNING MILITARY BASES". elibrary.judiciary.gov.ph. 1947-03-14. Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Berry, William E. (1990). "The Effects of the U.S. Military Bases on the Philippine Economy". Contemporary Southeast Asia. 11 (4): 306–333. ISSN 0129-797X.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 92 CLOSURE OF CLARK AIR BASE WILL MARK END OF AN ERA RICH IN DRAMA AND HISTORY By Deseret News Agosto 4, 1991. (sa Ingles)
- ↑ 16.0 16.1 "US buys five more years for its bases in the Philippines". Christian Science Monitor (sa wikang Ingles). 1983-06-02. ISSN 0882-7729. Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Shenon, Philip (Hulyo 18, 1991). "U.S. and Manila Agree on Terms For 10-Year Lease of Subic Bay". New York Times (sa wikang Ingles).
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Muñoz, Carlo (2012-06-06). "The Philippines re-opens military bases to US forces". The Hill (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Laude, Jaime (2012-06-06). "US troops can use Clark, Subic bases". Philstar.com. Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "News Analysis: Plan to allow US, Japan military access to Phl bases met by opposition". Philstar.com. 2013-06-29. Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Hadley, Greg (2023-02-03). "US Gains Access to More Bases in the Philippines". Air & Space Forces Magazine (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)