Benguela
Benguela | ||
---|---|---|
Munisipalidad at lungsod | ||
Gusaling Panlungsod ng Benguela | ||
| ||
Mga koordinado: 12°33′S 13°25′E / 12.550°S 13.417°E | ||
Bansa | Angola | |
Lalawigan | Benguela | |
Itinatag | 1617 | |
Lawak | ||
• Kabuuan | 2,100 km2 (800 milya kuwadrado) | |
Taas | 39 m (128 tal) | |
Populasyon (2008) | ||
• Kabuuan | 128,084 | |
• Kapal | 61/km2 (160/milya kuwadrado) | |
Klima | BWh |
Ang Benguela (Bigkas sa wikang Portuges: [bẽˈɡɛlɐ], São Felipe de Benguela, dating binaybay na Benguella) ay ang kabiserang lungsod ng lalawigan ng Benguela sa kanlurang Angola, sa timog ng pambansang kabisera na Luanda.[1] Ito ay nasa isang look na may kaparehong pangalan, sa tugmaang pampook na 12° 33’ S., 13° 25’ E. Isa ang Benguela sa pinakamataong mga lungsod ng bansa.
Kasaysayan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamumuno ng mga Portuges
[baguhin | baguhin ang wikitext]Itinatag ang Benguela ng mga Portuges noong 1617 sa ilalim ni Manuel Cerveira Pereira, ang pangwalong gobernador ng Angola (1604–1607).[1] Sa mahabang panahon ito ay sentro ng mahalagang pangangalakal, lalo na ng mga alipin papuntang Brazil at Cuba. Dumaong ang mga barko 1.6 na metro (1 milya) mula sa baybayin, sa mga lalim na 7 hanggang 11 metro (23 hanggang 36 na talampakan) at inilipat ang mga karga sa mas-maliit na mga bangka na gumamit ng lima o anim na mga lunsaran (jetties) sa bayan. Ngunit lubhang mas-malaki ang kalapit na protektadong daungan ng malalim na tubig ng Lobito.
Maliban sa mga simbahan ng S. Felipe at S. António, pagamutan, at muog, may kaunti lamang mga kabahayang gawa sa bato magmula noong 1911.[2] Malapit lamang sa Benguela ang Baía Farta, kung saang ginawa ang asin at kinuha ang asupre. Malapit sa Baia Farta naman ang dalampasigan ng Baia Azul. Umunlad at lumago ang lungsod sa mga sumunod na dekada. Itinayo ng Portugal ang Daambakal ng Benguela noong unang bahagi ng ika-20 dantaon upang iugnay ang lungsod at ang Lobito sa looban, at nakamit nito ang malaking tagumpay nang ini-ugnay nito ang Copperbelt ng Katanga, Demokratikong Republika ng Congo at Sambia. Simula noong unang-bahagi ng ika-20 dantaon, naka-akit, umunlad, at napanatili ang de-kalidad na mga negosyo at propesyonal ang Benguela papunta sa malusog at lumalagong ekonomiya. Lumawak ang mga industriyang sisal at pangingisda at tumubo ang pamilihang pampinansiya, pangkomstruksiyon at panserbisyo hanggang 1974.[3]
Pagkaraan ng kalayaan mula sa Portugal
[baguhin | baguhin ang wikitext]Noong 1975, kasunod ng Rebolusyong Carnation sa Lisbon, Portugal 1974, ang naging malaya ang Portuges na Ibayong-dagat na Lalawigan ng Angola. Dahil sa Digmaang Sibil ng Angola (1975–2002), na tumagal nang 20 taon pagkaraan ng kasarinlan mula sa Portugal, ang mahalagang linya ng daambakal ng Benguela ay isinara. Tanging gumagana pa rin ang maigsing kahabaan ng linya na may habang 30 kilometro (19 milya) sa pagitan ng Benguela at Lobito. Noong kalagitnaan ng dekada-2000, dahil sa mas-payapa nang kapaligiran, sinimulan ang pagpapagana muli ng daambakal sa pagitan ng Benguela at Huambo.
Noong 1983 ang Benguela ay may populasyon ng 155,000 katao. Sa kasagsagan ng digmaang sibil tumaas ang populasyon ng lungsod dahil sa pagdagsa ng mga takas mula sa mga lalawigan. Habang binubuo ng de-kalidad na mga kabahayan ang bahaging kolonyal ng lungsod, karamihan sa mga takas ay nakatira sa mga barung-barong magmula noong 2011.
Ekonomiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Benguela ay dating isa sa mga sentro ng Portuges na pangangalakal sa looban ng Aprika, at nananatili pa rin ang kahalagahan nito bilang kawing ng komersiyo sa pagitan ng kanluran at silangang Angola. Itinatanim ang kape, mais, sisal, tubo, at tabako sa mga loobang rehiyon ng bansa at malawakang ikinakalakal sa Benguela. Ikinakalakal din sa lungsod ang mangganesong mula sa looban. Kabilang sa mga pampook na industriya ay pagpoproseso ng isda at pagkabyaw ng tubo (sugarcane milling). Gumagawa rin ang lungsod ng mga palayok, sabon, at kasangkapan.[1]
Idinadaan ang banyagang pangangalakal sa pangmalalim na tubig na pantalan ng Lobito na matatagpuan 29 na kilometro (18 milya) hilaga ng Benguela. Ang Lobito na dating pinakaabalang pantalan sa Angola ay lubhang nasira noong Digmaang Sibil ng Angola. Ang pantalan ay muling ibinuhay at sumusuporta sa pangangalakal sa rehiyong Benguela.[1][1]
Transportasyon
[baguhin | baguhin ang wikitext]Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 "Benguela". Encyclopædia Britannica (ika-Encyclopædia Britannica Online Academic (na) edisyon). Chicago, Ill.: Britannica Online. 2013. OCLC 33663660.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ dominyong publiko na ngayon: Chisholm, Hugh, pat. (1911). "Benguella". Encyclopædia Britannica (sa wikang Ingles). Bol. 3 (ika-11 (na) edisyon). Cambridge University Press. p. 737.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) Isa o mahigit pa sa nauunang mga pangungusap ay nagsasama ng teksto mula sa isang lathalatin na nasa - ↑ BenguelaAnosOuro.wmv, a film of Benguela, Overseas Province of Angola before 1975.