Ang mangganeso o manganese ay isang elementong kimikal na may simbolong Mn at bilang atomikong 25. Ito ay matatagpuan bilang isang malayang elemento sa kalikasan(na kadalasang kasama ng bakal) at maraming mga mineral. Ang manganeso ay isang metal na may mahalagang industriyal na mga paggamit na metal alloy partikular sa mga hindi kinakalawang na asero. Sa kasaysayan, ang manganeso ay ipinangalan sa iba't ibang mga itim na mineral gaya ng pyrolusite) mula sa parehong rehiyon ng Magnesia sa Gresya na nagbigay ng mga pangalang may katulad na tunog na magnesium, Mg, at magnetite na isang ore ng elementong bakal na Fe. Noong mga gitnang ika-18 siglo, ginamit ng kimikang Swedish na si Carl Wilhelm Scheele ang pyrolusite upang lumikha ng chlorine. May kamalayan sina Scheele at iba na ang pyrolusite (alam ngayong ang manganese dioxide) ay naglalaman ng isang bagong elemento ngunit hindi nila nagawang maihiwalay ito. Si Johan Gottlieb Gahn ang una na maghiwalay ng isang hindi purong sampol ng metal na manganeso noong 1774 sa pamamagitan ng pagpapaliit ng dioksido ng karbono. Ang Manganese phosphating ay ginagamit bilang paggamot para sa pagpipigil ng kalawan at korsyon. Depende sa estadong oksidasyon, ang mga ion na mangganeso ay may iba't ibang mga kulay ay ginagamit pang industriyal bilang mga pigmento. Ang mga is permanganate ng mga alkali at mga alkaline earth metal ay mga makapangyariahang oksidante. Ang dioksiding mangganeso ay ginagamit bilang katodong materyal sa zinc-carbon at mga alkalinong baterya. Sa biolohiya, ang mga manganese(II) ion ay gumagampan bilang mga kopaktor para sa malaking uri ng mga ensaym na may maraming mga katungkulan. Ang mga ensaym na mangganeso ay partikular na mahalaga sa detoksipikasyon ng superoksidong mga malayang radikal sa mga organismo na kailangang makitungo sa elemental na oksiheno. Ang mangganeso ay gumagampan rin ng nag-eebolb na oksihenong komplex ng mga potosintetikong halaman.
↑ 3.03.13.2Arblaster, John W. (2018). Selected Values of the Crystallographic Properties of Elements. Materials Park, Ohio: ASM International. ISBN978-1-62708-155-9.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
↑Weast, Robert (1984). CRC, Handbook of Chemistry and Physics. Boca Raton, Florida: Chemical Rubber Company Publishing. pp. E110. ISBN0-8493-0464-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)