Pumunta sa nilalaman

Bulkang Kanlaon

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bundok Kanlaon)
Bulkang Kanlaon
Bundok Kanlaon
Ang Bulkang Kanlaon habang tinatanaw mula sa silangan.
Pinakamataas na punto
Kataasan2,435 m (7,989 tal)
Prominensya2,435 m (7,989 tal)
PagkalistaUltra
Heograpiya
Bulkang Kanlaon is located in Pilipinas
Bulkang Kanlaon
Bulkang Kanlaon
Mapa ng Pilipinas
LokasyonPulo ng Negros, Pilipinas
RehiyonPH
Heolohiya
Uri ng bundokIstratobulkan
Arko/sinturon ng bulkanSinturong Mabulkan ng Negros
Huling pagsabog2006
Bundok Kanlaon sa Binitin, Murcia, Negros Occidental

Ang Bulkang Kanlaon (Hiligaynon: Bulkan sang Kanlaon; Sebwano: Bulkan sa Kanlaon; Ingles: Kanlaon Volcano; Kastila: Volcán de Canlaon, Malaspina), na binabaybay din bilang Kanla-on o Canlaon, ay isang bulkang masigla na nasa pulo ng Negros sa gitnang Pilipinas. Nakasaklang ang istratobulkang ito sa mga lalawigan ng Negros Occidental at Negros Oriental, na tinatayang 30 km (19 mi) sa timog-silangan ng Lungsod ng Bacolod, ang kabisera at pinakamataong lungsod sa Negros Occidental.

Ang bulkan ay isang paboritong pook ng mga mamumundok at pangunahing lugar ng Likas na Liwasan ng Bundok Kanlaon (Mt. Kanlaon Natural Park), isang pambansang liwasan na unang inilunsad noong Agosto 8, 1934.[1][2] Isa ito sa masisiglang mga bulkan ng Pilipinas at kabahagi ng sinturong ng apoy sa Pasipiko.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "NIPAS's 202 Initial list of components" Naka-arkibo 2012-03-20 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Nakuha noong 2011-08-13.
  2. "Protected Areas of Region 6" Naka-arkibo 2012-03-20 sa Wayback Machine.. Protected Areas and Wildlife Bureau. Nakuha noong 2011-08-13.

Mga kawing na panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  • Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), pahina ng Bulkang Kanlaon Naka-arkibo 2012-02-18 sa Wayback Machine.
  • "Kanlaon". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution.

HeograpiyaPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.