Carlos Tayag
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Abril 2023)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: Kailangang isalin ang mga banyagang salita tulad ng underground at Philippine Constubalary. |
Si Carlos N. Tayag (ipinanganak noong Agosto 24, 1942—nawala noong Agosto 17, 1976), na kilala rin sa kanyang palayaw na Caloy, ay isang Pilipinong Benedictinong diyakono at aktibista.
Isa siya sa maraming desaparecidos at biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao noong batas militar ng yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr.. Si Tayag ay isa sa mga martir sa panahong batas militar na ang pangalan ay nakaukit at pinarangalan sa memorial ng Bantayog ng mga Bayani.[1]
Maagang buhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Tayag, na ang pangalan ng binyag ay Bartolome, ay ipinanganak noong Agosto 24, 1942 sa Lungsod ng Angeles, Pampanga kina Fidel at Irenea Nuqui-Tayag. Nag-aral siya ng elementarya sa Holy Family Academy at nagkaroon ng Secondary and Undergraduate Education sa Kolehiyong San Beda.[2] Siya ay inilarawan bilang masyadong matulungin at masyadong down-to-earth. Kinahiligan niya mga Heswita at sa pagsasagawa ng misyon at pagbisita sa mga tagakanayunan.[3]
Aktibismo
[baguhin | baguhin ang wikitext]Siya ay inilarawan bilang isang taong gustong bigyan ang mga Pilipino ng kalayaan at mas magandang buhay mula sa pang-aapi sa ilalim ni Pangulong Marcos.[3]
Pumasok siya sa San Beda bilang isang ordenadong diyakono o monghe[4] sa ilalim ng Orden ni San Benedicto. Nakapaglakbay siya sa maraming bansa sa Asya at naging manunulat ng isang internasyonal na pahayagan kung saan inilantad niya ang mga kalagayan ng mga Pilipino sa ilalim ni Marcos sa pandaigdigang madla. Nabasa ni Marcos ang isang artikulo niya sa pahayagan at nakakuha ng galit ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at Philippine Constabulary.[3]
Sampung taon na siyang nag-aaral para sa pagkapari kung saan kinuha niya ang pangalang Carlos Maria. Siya ay hinubog ng pag-usbong ng teolohiya ng pagpapalaya at, sa kaniyang sariling mga salita, tinukoy ang pananampalatayang Kristiyano bilang pagtugon sa "mga nawawalan ng pag-asa, mga dukha at walang kapangyarihan, mga binihag." Sinabi niya na ang gayong pananampalataya ay "nag-ugat sa pagtataguyod ng kalayaan ng tao sa loob ng kontekstong pampolitika, ekonomiya, at kultura: ito ay isang tungkulin ng tao na dulot ng espiritwalidad at ng mga karanasan ng isang naghihirap na sangkatauhan."[2]
Ilang buwan bago ang kaniyang nakatakdang ordinasyon sa pagkapari noong 1970, hiniling ni Tagag na suspendihin ang kaniyang seremonya. Pagkatapos ay nag-aral siya ng kaniyang Postrgraduate sa Unibersidad ng Pilipinas Diliman na kumukuha ng master's degree sa Panitikang Pilipino. Pinalawak niya ang kaniyang aktibismo pagkatapos na masangkot sa mga panlipunang realidad noong panahong iyon.[2][3] Naging isa siya sa mga pinuno ng Student Christian Movement of the Philippines kung saan pinamatnugutan niya ang pahaygan nito na Breakthrough.[2]
Kasama ang iba pang pigura tulad ni P. Dave Albano, P. Edicio de la Torre, at Purificacion Pedro, isa siya sa mga kasaping nagtatag ng Christians for National Liberation noong 1972[5] at naghangad ng mga teolohikong reporma at pagbabago ng mga institusyong panrelihiyon sa ilalim ng konteksto ng batas militar.[6] Si Tayag ay ang mga naatasang gumawa ng gawain sa kanayunan[5] at siya rin ay nagtatrabaho sa underground.[2]
Paglaho
[baguhin | baguhin ang wikitext]Huling nakita si Tayag ng kaniyang pamilya sa San Beda. Noong Agosto 17, 1976, siya ay iniulat na dinukot at pinagbantaan ng baril ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki sa isang bahay sa Lungsod Quezon habang siya ay nagta-type sa kanyang makinilya.[3][7] Nagtungo ang kanyang ina at iba pang kamag-anak sa punnong-tanggapan ng National Intelligence Service Agency (NISA) sa V. Luna St., Lungsod Quezon para tanungin ang kaniyang kinaroroonan ngunit walang resulta. Sinasabing isang hindi nakikilalang opisyal ang nag-utos sa kaniyang nasasakupan na tumingin sa ilalim ng isang listahan ng mga diumano'y "makakaliwang Kristiyano" matapos malaman na siya ay isang ordinadong diyakono. Tatlumpu't tatlong taong gulang siya noong naglaho siya.[3]
Makalipas ang isang buwan, nakatanggap ng impormasyon si Irenea Tayag na ang kaniyang anak ay nakakulong sa Camp Bicutan at nagmamadaling pumunta sa Kampo. Nagdala sila ng isang malaking lata ng biskuwit, ngunit ipinaalam na walang sinumang nagngangalang Carlos Tayag ang nakakulong doon.[3]
Upang tumulong sa layunin ng desaparecidos, itinatag ni Irenea Tayag ang Families of Victims of Involuntary Disappearances (FIND) at kalaunan ay naging tagapangulo nito.[3]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Remembering Filipinos who fought against martial law". Head Topics (sa wikang Ingles). 2021-09-16. Nakuha noong 2023-03-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ 2.0 2.1 2.2 2.3 2.4 Malay, Carolina (2015). Ang Mamatay Nang Dahil Sa 'Yo: Heroes and Martyrs of the Filipino People in the Struggle Against Dictatorship 1972-1986 (VOLUME I). Bol. I. Manila: National Historical Commission of the Philippines. ISBN 978-971-538-270-0.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 "Asian Federation Against Involuntary Disappearances". www.afad-online.org. Nakuha noong 2023-03-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "History of San Beda - San Beda University". San Beda University (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 5.0 5.1 "NDFP Renders Honor to Fr. Dave Albano, Founding Member of the Christians for National Liberation". PRWC | Philippine Revolution Web Central. Nakuha noong 2023-03-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Asian Federation Against Involuntary Disappearances". www.afad-online.org. Nakuha noong 2023-03-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ edsappc (2015-09-15). "Disappeared Tomorrows: Remembering the Desaparecidos of Martial Law". PROJECT PEOPLE POWER (sa wikang Ingles). Nakuha noong 2023-03-14.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)