Pumunta sa nilalaman

Cecilia Muñoz-Palma

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Cecilia Muñoz-Palma
Kapanganakan22 Nobyembre 1913
  • (Batangas, Calabarzon, Pilipinas)
Kamatayan2 Enero 2006
MamamayanPilipinas
NagtaposUnibersidad ng Pilipinas
Pamantasang Centro Escolar
Kolehiyo ng Santa Eskolastika
Trabahohukom, abogado
OpisinaKasamang Mahistrado ng Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ()

Si Cecilia Muñoz-Palma[1] (ipinanganak Cecilia Arreglado Muñoz; 22 Nobyembre 1913 — 2 Enero 2006) ay isang Pilipinong hukom at kauna-unahang babaeng naitalaga sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas. Itinalaga siya sa Kataas-taasang Hukuman ng Pilipinas ni Pangulong Ferdinand Marcos noong 29 Oktubre 1973, at naglingkod hanggang sa abutin niya ang nakatakdang edad ng pagreretiro, ang edad na 65.

Siya rin ang kauna-unahang babaeng nanguna sa pagsusulit ng pagkamanananggol noong 1935, na may puntos 92.6 bahagdan. Bukod sa pagiging isang hukom ng Korte Suprema, siya man ang naging unang babaeng Pilipinong prosekutor noong 1947, ang unang hukom sa Korte ng Unang Pagkakataon (Cour of First Instance) noong mga 1950, at unang babaeng pangulo ng isang komisyong konstitusyonal noong 1986.[1]

Siya ay pumanaw noong Ika-2 Ng Enero taong 2006 sa edad na Siyamnapu't Dalawa (92).

  1. 1.0 1.1 First Female Justice: Cecilia Munoz Palma Naka-arkibo 2012-03-28 sa Wayback Machine., First in the Philippines, TxtMania.com, Encyclopedia of the Philippines ni Galang, at Diksyunaryo ng mga Unang Pinoy ni Julio Silverio.


TalambuhayKasaysayanPilipinas Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Pilipinas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.